44. Just a dream!??

3.2K 76 2
                                    

MY VAMPIRE HOUSEMATE
MessyIntrovert

PLAGIARISM IS A CRIME!

CHAPTER 44.

Aerie's POV;

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ang napakalakas na katok mula sa labas.

Si Madam Lili ba yon?

Teka?

Ano yon- panaginip lang ba lahat nang yon?

Lumabas ako sa kwarto ko para pagbuksan si Madam Lili.

Charan!

Ayos! Si Madam Lili nga talaga, hindi ako nagkamali.

Hay panaginip lang yata talaga yon... Pambihira, bat parang totoo lahat, ramdam ko kayang di na ako virgin. Hay! Kaloka!

"Good morning Madam!" ngiting- ngiting bati ko. Malay natin, makuha sa good vibes.

"Tse! Anong good morning!?" singhal niya, as in talsik laway tsong. Roar!

Bakit feeling nangyari na tong tagpong to?

Isinara ko ulit ang pinto, langya! Panaginip lang ba talaga yon? Parang hindi naman e... Na parang panaginip lang din?

Ay ewan!

"Hoy Aerie! Bat mo ba isinara tong pinto ha?" narinig kong sigaw ni Madam kaya pinagbuksan ko uli siya.

Kinurot ko ang magkabilang pisngi ni Madam nang malakas.

"Aray, leche to o!" sigaw niya, ang hilig talagang sumigaw nito, di naman namamaos.

"Sorry," nag peace sign ako sa kanya ➡✌"masakit?"

"Natural!"

"Ah e, sorry ho." - hala, kung nasaktan si Madam ibig sabihin hindi ako nanaginip ngayon, so... panaginip lang yong pagkakaroon ko nang lalakeng housemate saka yong vampire thingy?? Sayang din naman yon- seryoso nalungkot ako, kung kailan gumanda na ang pangyayari saka pa ako nagising.

Ibinaling ko na nga lang ang pansin ko kay Madam, "Ano nga bang atin Madam? Sisingilin mo na ba ako sa renta?"

"Anong sisingilin, eto o... pakibigay na lang don sa housemate mo." may inabot siya saking pera.

"Ano to?" taka kong tanong syempre ang alam ko wala akong kasama dito sa apartment e.

"E di pera, tanga!"

"Syempre alam kong pera to, bat mo ko binigyan?"

"Anong binigyan!? Sukli yan nong housemate mo pakibigay. Hay naku, tulog ka pa yata e, alis na ko, bumalik ka sa pagkakatulog mo mukhang di ka pa gising e."

Sukli? Sukli nang housemate ko? Sino? Si Shawey? Baka nga si Shawey- siya lang naman naging housemate ko e.

Inilagay ko na lang ang pera sa coffee table, tapos nagtungo ako sa kusina.

Inangat ko ang food cover sa table- wow! Pancake with caramel syrup na heart shape, may gatas din. Akin kaya to? Napaka- thoughtful naman ni- Shawey?? Tss! Whatever.

Habang kinain ko yong pancake, naisip ko yong panaginip ko- pambihirang panaginip naman yon, ang haba saka parang totoong- totoo.

Tiningnan ko ang oras- mag- aalas sieta na may trabaho pa pala ako.

Hay nasaan kaya yong si Shawey, nauna na kaya sa Rainbow cafe' ang isang yon?

Makaligo na nga lang.

Pumasok ako sa banyo- napansin ko agad ang mga color coded na gamit, at saka men's staff like shaver?? At kung anu- ano pa.

MY VAMPIRE HOUSEMATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon