67: He's beautiful.

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'll just go to the men's room." biglang nagdilim yung mukha nya. Teka, ano bang problema nya?

"Oh eto kain ka pa ate Dave" alok ni Mikah, buti na lang naalis ang atensyon nya kay mylabs. Hindi ko kasi maintindihan, ano bang problema niya?

"Ah Dave wait lang ah?" nagpaalam ako sakanya, tumango lang sya. Nagets na agad ni Mikah ang ibig kong sabihin.

Lumakad ako papunta sa men's room at kahit pang-men's yun pumasok pa din ako. Nakita ko syang nakayuko, habang nakahawak ang mga kamay nya sa sink.

Napaangat ang ulo nya at mula sa salamin nakita nya ako, "Shit! Gab what are you doing here??!!" nanlaki ang mata nya ng makita nya ako sa loob. Hinigit nya ako sa kamay at ayun nakaladkad ako palabas.

"Ano bang pumasok sa utak mo at pumasok ka dun ha?!" nagulat ako ng bigla syang sumigaw, buti na lang walang tao.

"A-ano kasi e.."

"Paano kung may ibang tao dun?! Paano kung may gawin sila sayo?! Paano kung--" hindi nya na naituloy ang sinasabi nya dahil sa bigla kong paghawak sa kamay nya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Ano bang problema?" nagaalala talaga ako sakanya. Unti unti nyang inilagay ang kamay nya sa likod ko.

"Wala, sorry baby.." parang lumambot yung boses nya, iniangat ko ang ulo ko at tinignan sya sa mata.

"Tara na?" lumakad na ako at dahil hawak ko ang kamay nya nadala sya.

Bumalik na kame sa table namin, nadatnan namin sila Dave na nagtatawanan. "Ang sweet nyo naman" sabi nya samin habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

"Yeah and I love her" napatingin ako kay Mike dahil sa sinabi nya. Ang sweet sweet naman talaga oh! =]

"I see" sagot ni Dave, "You're very lucky Gab, huwag mo na syang pakawalan, baka maagaw pa ng iba." nakangiting sabi nya. Mas lalo namang humigpit ang ang hawak ni Mike sa kamay ko.

"So, guys I need to go. Thank you talaga." tumayo na sya at nagpaalam.

"Ah sige, take care." sabi namin ni Mikah. Lumakad na sya palabas ng resto.

"Gab can I ask you a favor?" hinawakan nya ako sa kamay at iniharap sakanya. "Ano yun mylabs?" nakangiting tanong ko. E kasi naman e, lahat na ata ng tao dito sa resto nakatingin samin e.

"Don't talk to her" parang bigla na lang nalaglag yung balikat ko. Pero bakit?

"Why? She's kind naman diba?" hinawakan nya ako sa pisngi at tinitigan ako sa mata, "Don't trust too much." mahinang sabi nya.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon