"Kiejan."

 

xx

Zachary's POV

"Nate tama na yan."sabi ko. Pilit kong inaagaw sa kanya ang iniinom niyang alak pero kahit anong gawin naming anim, hindi pa rin namin maagaw sa kanya. Pangpito na niyang bote ito aba.

Mula kagabi, hindi na makausap ng matino ang utol kong 'to. Suntok dito, inom doon. Bato dito, basag doon. Lahat ng vase sa condo niya halos basag na lahat. Naging tiga-linis pa niya kami dito ah. Leader ako pero naglilinis ng mga binabasag niya. Loko talaga e.

Kung wala lang 'tong problema, makukutusan ko! Pero wala, may problema eh.

"Tandang Zac, paano na natin papatigilin ang mokong na yan?"sabi ni Ren. Binatukan ko nga! Makatawag ng tanda sobra na! Hindi na tama! 18 pa lang naman ako. Hindi naman ako ganun katanda!

Pero paano nga ba namin siya mapipigilan? Kanina pa namin siya kinakausap pero hindi niya naman kami pinapakinggan. Ano pa nga bang kailangan gawin?

Kung hindi ka namin madaan sa matinong usapan, tutulungan ka namin sa magulong paraan.

"Plan B mga dude."

xx

 

Joanna Eliza's POV

"Kamusta ka na?"sabi niya. Hindi ako okay at hindi ko alam kung kelan ako magiging okay, yan ang gusto kong isagot sa tanong niya pero hindi naman pwede.

"Okay lang, ikaw?"ngumiti siya pero alam kong peke 'yon. Paano ko ba naman kasi hindi malalaman, kanina lang iyan ang ngiting pinambungad ko sa kanya.

"May problema ka no?"sabi ko. Mga ilang sandali rin ang bumalot na katahimikan sa aming dalawa bago siya nagsalita.

"Mas magaling pa ata akong magsolve ng equation kesa magmahal."

 

"Nag-away kayo?"sabi ko. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Biglang kumirot ang puso ko. Magkakasakit pa yata ako sa puso. Geez.

"Alam mo, wala naman kasing binigay na guidelines or instruction kung paano magmahal at ang bawat isa sa atin ay may iba't-ibang paraan kung paano iparamdam ang pagmamahal nila kaya hindi mo masasabing hindi ka magaling pagdating sa pag-ibig." sabi ko.

 

"Siguro nga tama ka."sabi niya.

"Ano bang nangyari?"tanong ko. Kahit wala naman akong karapatan na magtanong kung anong pinag-awayan nila, pero may nag-uudyok sa akin na itanong. Curiousity kills nga siguro.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon