"Uhmm Miss? Are you alright?"
Kung ganyang muka ba naman makikita ko, alright na alright talaga. Mehehe! Kala ko sa mga angels cute and fluffy lang. Itong isang 'to, HOT!
"Miss, you've fainted while running. I think I should carry you to the clinic"
Lord, ni hindi ko man lang nakita yung checklist ko kinuha mo na agad ako. Pero sige okay lang, kung ganito ba naman kukuha saken, I'll die in peace.
Parang may narinig akong tumawa? Teka.. tumatawa yung angel ko? May tumatawa bang angel?
"Hahaha! Miss, you are funny!" Miss? Teka, narinig nung angel yung sinabe ko? Ano 'to mind reader?
"Hahaha. I'm not your angel, though it would be an honor to be one." What the hell, umeenglish din ba sila? Tsaka parang nahahawakan ko yung dibdib nya. OY! ANO 'TO!
"Hahaha. Pati angel mo minamanyak mo?" *wink*
OH MY! Nanlaki yung mga mata ko bigla! Aah! 'Di pa pala ko kinukuha ni Lord. I'm still alive. At alive na alive din 'tong angel ko! Este, mukang angel na lalaking 'to.
"Hoy sino ka?! Bakit mo ko hawak-hawak?" Pumiglas ako sa pagkakasabi nun, medyo natumba tumba din. Kabado eh, LALAKE 'TO EH! Baka lumabas pa yung mga symptoms ko!
He snorted, again. Angas neto ah!
"Have you forgotten already? I'm your angel! Hahaha. Just kidding, Ms. Esguerra." Ha? Bakit nya alam surname ko?
Nahalata nya ata yung pagtataka face ko. He pointed to my shirt. Ahhh! Yung jersey kasi namin may surname namin sa harapan. Nagassume pa man din ako. Yuck feeler ko! Stop it, Tresh!
"Hmp. Eh bakit karga karga mo ko?" Supladita mode. Syempre para di obvious masyado yung kilig. Landi ko ever.
"You fainted while running at the field. I asked Coach Steve if I can bring you to the clinic, and he said yes. I think you're already fine. So I'm gonna go. Bye!" Sabay wave. Yun na yun? Iniwan na lang akong basta? Aba ays din! Ni hindi man lang nagpakilala lumayas agad? Maginoo pero bastos. Tsk.
"Oy Tresh! Okay ka lang ba? Sabi kasi ni Coach hinimatay ka raw habang nagttraining eh. Weakling!"
Ayos sa salubong 'tong si Jake eh. Sapakin ko 'to eh.
"Oy may kilala ka bang gwapo na mukang Amerikano, na may sparkling blue eyes? Yung tipong nakaka jaw-dropped, eye-popped?" Kelangan kong malaman pangalan nya ng makapagpasalamat man lang ako. Bakit kasi 'di man lang sya nagpakilala. Haay, my angel!
"Syempre naman... Eh di AKO! Sino pa?" Tikal din neto ah?
"Seryoso kasi. Kelan ko talaga syang makita, Jake."
"Gago ka ba? Itanong mo ba naman saken kung may lalaking nakaka jaw-dropped and eye-popped? Ano ko bading?" Ay oo nga naman, may punto nga naman 'tong isang 'to. Malay ko bang nakakahurt pala ng ego yun. Sa yun ang description ng mata ko kay "Angel" eh.
YUM!
Hala! Bakit may YUM!? Mumanyak mode na naman ako. Gaaah
"Di ko alam. Pero may bagong salta sa team ko na American with blue eyes. Just like what you've described. Pero baka di sya yun, di pa sya tapos magtraining eh."
"Ay ganun ba? Osige mauuna muna ko ah, Jake. Aayusin ko pa kasi yung requirements ko for internship. Ikaw pala, saan ka magiinternship?" Malapit na kasi yung deadline for submission ng JCo. Kelangan ko ng ayusin. Buti na lang pala nahimatay ako, kaya pinayagan na ko ni Coach umuwi ng maaga. Hohoho. Plano ko talagang mahimatay eh. Haha. Charot lang! =)
"Ah di ko pa alam eh. Sobrang nagttraining kasi kame these past few weeks. No time para makahanap ng company. Pinaghahandaan kasi namen yung laban with Southern East College, tapos may bago pa kaming player. O sige, mauuna na rin pala ko. Tiningnan ko lang kung okay ka. Bye, Tresh!"
Tiningnan ko lang kung okay ka.
Kaya 'di ko mapigilang mainlababo sa'yo eh. Ang chwit chwit mo masyado! Kilig pwet ko. Mehehe.
Transcript record. Check.
Registration form. Check.
Resume. Check
Application form. Check.
Hmm. Ano pa ba kulang ko? Kumpleto ko na ata lahat. Sige makadiretso na ngang JCo.
(Author's note: 'di pa kasi ako nakakatikim ng JCo., kaya ayan pinagpantasyahan ko na lang. J)
Okay. Lunch na nila. 'Pag nakita ko si Ryan, bibigay ko na sakanya 'tong requirements ko. Sya nga pala yung nagsabing "tutulungan" akong makapasok kapalit ng free lunch every Friday. Nice ng tulong nya, right?
"Tresh, isa ngang masarap mong adobo." Kilala ko 'tong boses na 'to.
"Oy Ryan, eto na pala yung mga requirements na kelangan mo."
"Ayan. Good job. I can't wait to have my free lunch already! Pwede naman akong magrequest ng viand na gusto ko noh? And also to add, pwedeng free na lang din yung lunch ko today?"
"Aba ayos ka ah? 'Di pa nga ko nakakapasok, nagrerequest ka na agad? 'Wag ka masyadong feeler jan! Tsaka di pwede, wag kang abusado!"
"Haha. I'm just being optimistic, that's all. And what's wrong if I'm being futuristic? At least, di ka na mahihirapan maghanap ng company."
Nakakainis talaga 'to pag may punto eh.
10mins. na lang pala ko pwedeng magtinda dito. Malapit na kasi matapos yung allotted time ko to sell. Teka, parang kilala ko yun ah?! Nakita ko sa peripheral vision ko yung angel with blue eyes na nakaka eye-popped and jaw-dropped. Partida, peripheral vision pa yan sobrang detailed na.
"Uy Ryan, who's that guy?"
"Him? Hey hey! I'm hurt! I'm right here, but you're looking at another guy? You adulterer!"
Adulterer? Umbagan ko na kaya talaga 'to? Inaano na 'ko masyado eh. Ay uy, parang bastos yung inaano ako. Scratch that.
Napansin na ata nyang malilintikan sya saken, kaya ayan nagtino na.
"I don't know who exactly he is. Maybe he's Lucas or Thomas. He's too far, so I can't verify."
Huh? Bakit di sya sure? Iisang mukha, dalawang pagkatao?
Pupuntahan ko sana yung Lucas/Thomas, kaso nung pagkakuha ko nung mga bayad nila, pagkatingin ko ulet, bigla na syang nawala.
Bula ba yun? Bakit ang bilis mawala nung kumag na yun? Nakakainis naman oh!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yay! Thank you sa matiyagang pagbabasa! Episode 2, malapit na =)
Support support din ah? =)
It started with a list
Start from the beginning
