It started with a list

216 5 3
                                        

Hi! So first timer pa lang ako dito, kaya pagpasensyahan mo na ang mga errors. And kung may balak kang basahin 'to, isang malaking THANK YOU sa'yo! =)

Hope you find it funny and interesting. Please support this story :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Makagawa nga ng Checklist.

-Gwapo (Sino bang may ayaw?)

-Mabait (Opposite attracts, di ba?)

-Kamuka ni Jesus Christ (Yung tipong balbasarado, para ticklish. Haha!)

-Madiskarte ('Di ko alam kung paano, pero malay mo?)

.

.

.

Optional: -Mayaman. Nagiging practical lang. Haha! Okay lang namang 'di mayaman, kasi sabay kaming magpapayaman. Naks, futuristic much!

Kung meron ba naman neto sa palengke eh, aysus! Pinakyaw ko na! Kahit medyo bilasa pa, keri na. Ay joke lang! Syempre gusto ko naman ng sariwang sariwa. Ay ano ba 'tong naiisip ko O_O

"Hoy Tresh! Bakit ang tagal mong umalis?"

Tokwang kabayo naman! Anong oras na pala, ni hindi pa ko nakakagawa ng checklist ng pamalengke! Checklist lang ng pinagnanasaan ko. Hehe!

"Pababa na po, Auntie!"

"Punyeta naman oh! Babagal bagal ka na naman jan! 'Pag ikaw naubusan ng bibilhin, malilintikan ka saken!"

Ganito ang kadalasang sinaryo sa bahay nila Auntie, well, bahay namin. Bulyawan ang almusal, medyo may kutos pa as dessert.

"Aray!" Ayan na nga, nakutusan na.

"Alas-nuebe na! 'Pag ikaw naubusan ng isda sa palengke, papalayasin na kita!"

Diyan tayo eh, palayas agad. Sanay na ko dito. Araw-arawin ba namang banta saken, di pa ko masanay?! Medyo onting lambing lang in the end, o-okay na rin si Auntie.

"Hi, my ever gorgeous and loving Auntie! Goood morniiing! Lemme kiss you nga!"

"Kiss kiss-in mo mukha mo! Bilisan mo na nga!" Medyo nagblush si Auntie dun. Boom! Bati na kame, hahaha! Sisiw!

"Nalista mo na ba lahat ng pinapabili ko sa'yo?" Oh shet! Hindi pa! Pa'no ba naman kasi, busy ako sa checklist ng dream guy ko!

"Ay opo naman! Girl scout kaya 'to! Kagabi palang, tapos ko na. Siyempre, ayokong pinapagalit ang pinkamamahal kong Auntie." Naman oh, wala ko masyadong matandaan sa pinpabili nyaaaa. Nalintikan na.

"Che! Lumayas ka na. Bumalik ka rin agad ng makasimula na ko sa pagluluto!" Teka teka lang. Ano bang putahe yung iluluto ngayon? Basta may kinalaman sa isda eh. Eh ano pa yung mga ingredients? Lord! Help me!

Haay! Ang paghahanap ng mga lalaki parang paghahanap ng isda eh. 'Pag maaga ka, puro sariwa ang mahahanap mo. Malaki, makinis, at yummy. Pero 'pag medyo babagal bagal ka, which is ako yun, puro mga bilasa na lang matitira. Maliliit, mapupulang mata na parang pang drug addict, at yucky na! Tipong mga unfortunate ones.

Huhuhu!

Kung ganito nga lang kasimple yun, eh di madaling araw pa lang andito na 'ko nakaabang. Kaso hindi eh. Woosh

"Hoy! Sinong nagbasa saken ah?!"

"Haha! Ang lalim kasi ng iniisip mo Tresh eh!"

Woah! 'Pag sina-katao yung checklist ko, eto yun oh! Eto na siya! Except for the optional part (mayaman). Pero hinde, hindi pwede si Jake. Hindi siya si Checklist.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It started with a listWhere stories live. Discover now