"Oy Jake! Ang lansa lansa nung tubig kung makwisik ka jan! Sapak gusto mo?!" Though kinilig ako dun. Imba lang.
Kababata ko pala siya. Ever since, magkasama na kami lagi ni Jake. Mapa-school man o galaan, kami at kami pa rin. 'Di naman sa muka kaming outcast at kami na lang magkasama noh, sadyang parehas kami ng trip sa buhay. Ang pagkakaiba lang, may pagnanasa ako sakanya. Oy, 'wag mo kong husgahan, magagawa ko ba?! Siya lang kilala kong lalake eh. Medyo ilang kasi talaga ko sa lalaki kahit sabihin pa nating lagi akong nagpapantasya.
"Haha! Lutang ka na naman kasi! Pinapabili ka ba ulet ni Auntie mo?"
"Oo eh. Medyo ang late ko na nga rin eh. May sariwa ka pa bang isda?" Sariwa ka pa ba? Ay joke! Gosh, stop fantasizing, Tresh!
"Para sa'yo meron pa" Sabay kindat ng mata. Ohemgee, nalaglag na naman panty ko!
"Buti na lang nagtabi ako para sa'yo! Narinig ko kasi si Auntie na nagrequest kay Mama kahapon eh. You owe me, Tresh"
Kindat na naman! Ano baaa?! Lahat na lang ng pwedeng malaglag, nalaglag na!
"Oo na, sige na! Libre kita sa school!"
"Haha! Yan gusto ko sa'yo! Labyu, Tresh!" Oh shet! Pati ata pwet ko nagb-blush na!
Teka, ang bastos ko pala. 'Di nyo pa pala ko kilala. Ako nga pala si Patricia Esguerra. Tresh for short. Bestfriend ko nga pala yung kanina na si Jake Paguio. Parehas kaming nag-aaral sa Northville International School. Mukang sosyal noh?! Oo sosyal talaga dun. So bakit kami nakapasok dun? Varsity kasi kaming dalawa ni Jake. Siya star player ng basketball, ako naman sa volleyball. Kilala pala yung Northville sa ISSL (International Schools Sports League), para siyang Ateneo ng UAAP and San Beda ng NCAA.
Mabalik nga tayo sa pinakasimula, ang Checklist. Tinanong kasi sa radio kahapon, "What are you looking for in a guy?" Tapos bigla kong naisip, Oo nga noh, ano bang hinanahanap ko sa lalake? Eh kung tutuusin, si Jake nga lang kilala kong lalake. I mean, ka-close kong lalake. Maliban sa kanya waley na.
Oy, wag ka jan! 'Di ako tibo noh. Sadyang every time I'm with a guy (only exception si Jake) I always get nervous for no apparent reason. Symptoms: sweaty hands and forehead, and continuous stuttering. Oh di ba? Sino nga ba naman magkakainterest 'pag ganun yung babae?
Dahil nga 'di ko nailista yung mga pinapabili talaga ni Auntie, nag shotgun buying na lang ako. Sana nga lang may tinama ko sa mga pinamili ko.
Hmm.. Bakit andami dami naman tao dito? May namatay kaya? Oh shet!
"Ate, bakit po ang daming tao ngayon dito?
"Waah! 'Di mo ba nakikita yun? Si Lucas James! May shooting sya dito. Aaaaah!" Sabay tili na naman. Ays din sa pagiging maligalig mo ah?!
Teka, sino si Lucas James?
Ay nako, wapakels na nga. Mabubulyawan na naman ako ni Auntie. Mag alas-diyes na, nako po!
<Auntie's House>
"Hoy Tresh, bakit ang tagal tagal mo? Ala-diyes na oh?" Sabay batok ulet. Aray! Medyo nabobobo na ko ah?!
"Sorry po Auntie, medyo may commotion po kasi sa labas ng bahay, may mga nagshu-shooting ata ng pelikula."
"Oh bilisan mo na jan, at magluluto pa tayo ng mga ititinda mo!"
Ah. Yun nga pala yung negosyo ni tita. Besides having a carinderia, I also deliver packed lunch to employees. Kala mong sosyalin yung mga naka long sleeves, coat and tie, skirts, at kung ano pang get-up nila sa kumpanya, pero mas prefer pa rin nila yung mga packed lunch namen. Nakakatipid sila eh. Mga kuripot din yan. Hehe.
It started with a list
Start from the beginning
