CHAPTER 12 ~ Lips Party ~

Start from the beginning
                                    

"Why?"

"Kwarto ko to. Good enough reason? Matutulog pa ako. Wag mo kong kakausapin maghapon, okay?"

"Nope and nope. May lalaki ba diyan?"

"Anong gagawin ko don? Nakakain ba yon?"-me

"I guess so."

Isinubsob ko ang mukha ko sa kama at inuntog ko ang ulo ko sa unan. Dapat sa wall ko na lang inuntog para mas effective.

"Papasok na ako."-andreige

"Fine, hindi ka na makakalabas dito ng buhay."

"Bakit ba? Papasok lang eh."

"Nakahubad ako!"-me

"Really?!"

Dapat pala hindi ko sinabi. Parang mas lalo siyang naging excited sa pagpasok. Napabuntong-hininga na ibinalot ko ang sarili ko sa comforter at tumayo. Para akong giant siomai.

Napatili ako ng biglang bumukas ang pinto. Akmang papaluin ko na si Andreige ng sapatos na nakakalat lang sa sahig ng makita kong nakatakip ang isa niyang kamay sa mga mata niya habang ang isa ay may hawak na tray.

Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa kama. Inayos ko ang comforter para siguradong wala siyang makikitang kahit na ano.

Mahirap ng magbihis habang nandito sa loob ang bosero na to.

"Okay na ko."-me

Yung kanan muna niyang mata ang idinilat niya bago yung isa pa. Maluwang na ngumiti siya sa akin at umupo sa kama ko. Ibinaba niya sa harapan ko ang toasted bread, hotdog at orange juice na kadalasan kong kinakain pag breakfast.

Nafreeze ang ngiti niya habang nakatingin sa comforter na kipkip-kipkip ko. Kumagat ako ng maliit sa toasted bread at tinignan ko siya.

"What?"-me

"Please tell me you're not naked underneath that."

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now