Chapter 81: BOMB HUNTERS

3K 83 0
                                    

****
"Ano okay na ba si Yerin ?" Tanong ko tapos tumango naman si Hiro. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Halos 10:30 na ren ngayon. At inoobserbahan pa sila.

"Baby, Pumunta na tayo sa kwarto naten. " sabi niya at tumango na ako. Agad kaming nagtungo sa kwarto. Tapos nahiga na siya. 10:40 na.

"Baby, Bakit parang kanina mo pa iniisip yung oras ?" Tanong niya,

"Ay wala wala, Naalala ko na sabado pala ngayon. "

"Ah. Oo nga pala schedule mo na magbasa ng libro."

"Hmm. Tulog na tayo" sabi ko at humiga na kami. Agad akong nagfocus. Hanggang sa dumating ang oras. Nakita kong tulog na si hiro. At dahan dahan akong umalis doon.

"Hey Takashi. Asan kana ?" Tawag ko sa isip ko.

"Enchanted Garden Idiot" sabi niya. Kahit kailan talaga idiot paren ang tawag saken. Agad akong naglakad palabas. Pero nagtago ako dahil lagot ako pag nahuli ako. May curfew kase dito. Tumatanggi pa naman ako sa Q and A. Nakita ko si bambam este takashi na nakasandal sa puno.

"Bam este Takashi. Bagay sayo mukha kang dahon. " sabi ko at nagulat ako isang segundo palang nasa tabi ko na siya, Omayghad Flash ? Isdatyu ?

"Let's Find the bomb. Kailangan nating makahanap. Hanggang alas kwatro lang tayo," sabi niya.

"Oke. Teka paano natin mahahanap yun kung default na hindi makikita ?"

"You can feel it" sabi niya.

"Anong feeling naman ?"

"Parang nakalutang na gumagalaw" pagkasabi niya non naalala ko yung naramdaman ko kanina.

"I know the first bomb" sabi ko at pumwesto sa gilid. Dito kami ni Hiro kanina nagusap at dito rin siya nagbuild ng fire. Pinakiramdaman ko yun at Gotcha.

"Dito" sabi ko.

"Buti pa yung bomba naramdaman mo yung pagmamahal ko hindi" bulong niya. Tong lalaking to.

"Uso move on." Sabi ko

"Move on ? Pweh ! Kung tinutulugan mo akong maghukay no" sabi niya kaya. Tumulong na ako, hanggang sa nakuha na namin. Isang maliit na bilog lang naman to ? silver pa ?

"Decode muna" sabi niya

"Ha ? Eh paano ba ?"

"Psh. Detective ka di mo alam ?" Pagkasabi niya non binatukan ko siya.

"Mukha bang bomba to ng pang normal na tao ? Bomba niyo to eh. Konyatan kita diyan eh" sabi ko.

"Oo na, Pareparehas lang naman code ng lahat eh. " sabi niya. At nagisip. Ako nagisip rin.

"Ilang number ba ?" Tanong ko.

"Dalawa."

"Baka 11 ?" Tanong ko.

"Sa tingin maglalagay sila ng ganong code ? Idiot" sabi niya. Edi wow kuyang Bammie. Hmmm shinigaury

"63" sabi ko.

"Ha ?"

"Try mo na. " sabi ko at triny niya nga.

"Nice one"

"Told you" pagkasabi ko non lumaki bigla yung bomba at nagdeactivate yung bomba tapos nilusaw na niya. Naghanap naman kami sa iba pang bomba.

"Hmm ? Siguro kada row meron ?" Tanong ko.

"Siguro nga"

"I got it" sabi ko at tumingin siya

"Lahat ng malapit sa dorm"dugtong ko pa.

"Genius huh ?"

"Idiot ka kase."

"Pweh ! Ilang dorm ba meron dito ?"

"9 dude." Sabi ko at nagumpisa na kami magkalkal syempre naghiwalay kami para mas mabilis.

***
Nakuha na namin yung walong bomba. Wala kase yung bomba doon sa dorm ng mga teacher. Teka ?

"Baka sa President's Hall pag sumabog ang bomba don masasama din ang Teachers dorm. Right ?" Tanong ko.

"Hmm. " tango niya kaya agad kaming pumunta doon at nagsimulang makiramdam.

"Hey Kazumi !" Nagulat akos a tawag sakin. Boses ni akira yun. Nakita ko naman si Takashi na nagshapeshift. Si akane ang shinapeshift niya. Agad kaming lumingon.

"Anong ginagawa niyo diyan ? teka akane ? Paano ka napunta dito ? Eh kakaalks ko lang sa Ospital at kakatulog mo lang an ? Paanong" tanong niya.

"Ah nagpahangin ako Ate, tumakas ako gusto ko kasing mapagisa at nakita ko si Kazumi" sabi niya.

"Nako ! Curfew na baka mahuli kayo. At ikaw akane ihahatid na kita sa ospital halika na" sabi ni akira at akmang lalapit.

"Wag !" Sigaw ko kaya napahinto siya.

"I mean ako nalang. Mukha kase png pagod kana akira. Kaya ako ng bahala kay akane" sabi ko. At ngumiti si akira.

"Oo na. Mauna na ako" sabi ni akira at unalis tumingin ako sa orasan ko.

"3:40 na" sabi ko.

"Dalian na naten" sabi ko. After 5 minutes naramdaman na namen yun at hinukay. Sa wakas nakuha na namin at tinunaw na niya pagkatapos ideactivate.

"Tommorow evening, 11:00 pm at Enchanted Garden. " sabi niya at biglang nawala. Agad naman akong tumakbo papunta sa Dorm at huminga ng malalim. Pagkapasok ko may humila ng kamay ko at sinandal ako sa pader.

"Saan ka galing ?" Tanong niya. Aish ! Si hiro lang pala.

"Kay Yerin. Nag aalala kase ako at hindi makatulog" sabi ko.

"Sana naman ginising mo ako. Para hindi ako nag alala" sabi niya.

"Sorry, mukha kaseng ang sarap ng tulog mo eh"

"Teka bakit ang dumi ng kamay mo ?" Pagkasabi niya non. Bigla kong hinigpitan ang isip ko.

"Isang lalaki ? " tanong niya.

"Ha ? A-anong ?" Tanong ko.

"May tinatago ka ba kazumi ?" Tanong niya.

"Wala nga. Trust me Hiro. Sasabihin ko naman kung meron eh"sabi ko.

"Then who's that boy ?"

"Si Papa" banggit ko.

"Ha ? Baket naman ?"

"Naalala ko lang na baka pagod siya" sabi ko.

"Weird mo Baby, kanina ka pang umaga" sabi niya kaya nginitian ko siya at hinila papuntang kama.

"Tulog na tayo. Antok na ako eh" sabi ko.

"Hmm" sabi niya at hinila ako tapos pinatong yung ulo ko sa dibdib niya. Agad naman akong napikit.

The Powerful GoddessWhere stories live. Discover now