Chapter 56: The Myaamia's Princess

3.1K 99 0
                                    

Andito ako ngayon sa kusina at naghahanda ng pagkain. lumabas ako saglit, at nakita ko si Alpha na Naglalakad at parang may binabasa ? Tapos Sumigaw siya at tumalon sa Tubig ? Nabuang lang si Alpha ? Nagtungo na ako sa Templo at Tinawag ko si mara para ihain niya ang Pagkain.

"Pinatatawag ka Ng Prinsesa" banggit sa unaha ko isang matandang babae. Teka ? Prinsesa ? Sumama ako sa kanya at Tumungo kami sa Pinakataas taasang Templo. Pumasok kami doon. at may isang babaeng maganda. Pero Parang may mali. Hindi siya ganun kagaling at Hindi ganun kalakas. Pero bakit siya naging prinsesa ? dahil ba sa pagpapakasal niya sa Hari ng myaamia ?

"Prinsesa Siya na po ang Huling marunong magbasa na Alipin sa templo" sabi nung babae. Kaya tinignan ako nung prinsesa.

"Hay ! Talaga lang ah ? Osige, Dalhin mo tong sulat sa Templo. At Siguraduhing wag babasahin. " sabi nung prinsesa kaya kinuha ko yung sulat at Lumabas na. Naglakad ako papuntang Templo ? Ano kayang laman neto. Binuksan ko ito at Nanglaki ang mata ko sa sulat.

Patayin ang nagdala netong sulat ? Ayun ang nakasulat dito. teka ? Isa ba itong Pagsubok ? Malamang eto rin ang nakita ni Alpha kanina. Pagsubok nga ito. Tumungo na ako doon at binigay ko sa lalaking mangdirigma ang sulat. Nanglaki ang mata niya.

"Nakasulat dito na. Sunugin ang templo ! Isa itong pagbabanta ! Sino ang nagpadala ng sulat ?" tanong ng Mangdirigma. mali ang sinabi niya malamang isa ulit itong pagsubok. Tsk !

"Hindi ko po alam."

"Sino ,"

"Papatayin na kita !" sigaw ng mangdirigma.

"Tekaa ! WAAG !" sigaw sa likod at nakita ko ang prinsesa. tama nga ako, Isang pagsubok ang lahat ng ito pero para saan ?

***
"Bakit di mo ako tinuro ?" tanong ng prinsesa.

"Tapat po ako sainyo. Hindi ko po kayo ipapahamak" sabi ko.

"Mapagkakatiwalaan siya prinsesa." sabi nung Babaeng Matanda.

"Eto." sabi ni prinsesa at hinagis sakin yung isang Powder ? ano To .

"Ayan ay lason. Gusto kong ilagay mo yan sa pagkain ni Rin. Dapat malaglag ang sanggol sa sinakupupunan niya" sabi nung prinsesa. Pero bakit ?

"Opo masusunod po" sabi ko. At pinaalis na niya ako. Teka ? Bakit niya pinapagawa yun. Rin ? Tumakbo ako at pumunta sa Kwarto ng Katulong hinanap ko si Mara.

"Psst ! mara" sabi ko at kinalabit siya.

"Bakit kazumi ?"

"Sino si rin ?"

"Siya ang Pangalawang asawa ng Hari. At may anak silang dalawa. Teka bakit ba ?" tanong ko. May anak sila ng Pangalawang asawa pero ang Una wala ? Gusto niyang mamatay ang Bata ? Mali ito. Kailangan kong Pagplanuhan to.

"Si Rin. May Binigay sa akin na Lason ang prinsesa at gusto niyang malaglag ang bata" sabi ko. At nanglaki ang mata niya.

"Kailangan nating Isumbong to"

"Hindi. Dapat natin magisip ng plano. Kailangan mapaikot ko ang ulo ng Prinsesa." sabi ko sa kanya,

__________________________________

The Powerful GoddessWhere stories live. Discover now