{ MTMEB 11 }

1.2K 62 4
                                    

{ MTMEB 11 }

Meisha's pov.

"Hayy nako, queen b. Kung alam mo lang kung ano 'yung mga nangyari nung nasa beach kami." Sabi ko kay Vianca habang hinihimas himas noo ko.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba lahat ng nangyayaring 'to. Jusko mga pasakit sa ulo. Kinkwento ko naman kaagad kay Vianca 'yung mga nangyari. Hindi ko naman mabasa 'tong babaeng 'to dahil napaka tahimik niya at nakikinig lang sa kwento ko.

"OMG!!"

Nagulat naman ako sakanya kaya naman hinampas ko siya. Kanina napaka tahimik niya tapos ngayon bigla bigla nalang siya sisigaw?

"Ano ba naman Vianca, eh. Pwede ba? para ka namang ewan dyan. Bigla bigla nalang sisigaw. Pero 'yon bga 'yung nangyari. Ahhh ewan ko na. Napaka gulo ng lahat. Ang gulo ng mundo."

Sabi ko habang sinusuntok 'yung unan habang sinasabi 'yung huling sinabi ko.

"Para kang tanga dyan, Reyna Mei. Pero kung tutuusin ha, ang sweet naman nun! Pero syempre dahil hindi perpekto lahat ng storya laging may kontabida. Parang ikaw sa sarili mong storya, ikaw din ang kontrabida."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Vianca. Pero totoo naman kasi. Malay mo maulit nanaman 'yung nangyari noon at hindi ako susugal para lang dun. Ano ba. Hindi worth it masaktan ulit no!

"Nahihibang kana ba? Duh! Vianca alam mo ba 'yang mga pinagsasasabi mo? Siya 'yung dahilan bat ganto ako. Siya 'yung dahilan kung bakit natatakot akong magmahal ulit. At siya 'yung nanakit sakin una palang. Now tell me, is it worth it to love the man who broke every single thing of me? Is it worth it to give a chance to someone who left me in the first place?"

"You're just scared. Pero alam mo ba kung anong sagot ko? Yes, its worth it. Kung alam mo sa sarili mo, oo. Pero sino ba naman ang tangang susugal sa pagibig kung naguguluhan parin diba? I know nagkamali siya noon. Hindi niya ba deserve ang second chance para mapatunayan sayo na nagsisi siya? Na may rason sa pagiwan niya sayo noon?"

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip neto at kung ano ano na pinagsasasabi niya. Seryoso si Queen B. At ang sarap niyang sapakin dahil don.

"Para sayo madaling sabihin 'yan. Hindi kasi ikaw 'yung nasa posisyon ko nung mga oras na 'yon. Hindi ikaw 'yung nakaramdam ng sakit. Hindi ikaw 'yung umiiyak gabi gabi. Hindi ikaw 'yung nadurog ng husto dahil sa kadahilanan na pinagmukha ka nyang tanga dahil akala mo mahal ka niya pero akala mo lang pala."

Napa buntong hininga nalang ako at humiga nalang.

"Love sucks. Kaya ako, Reyna Mei hinding hindi ako magmamahal. Promise hanggang crush lang lahat."

Minsan talaga hindi ko alam kung anong meron dito kay Vianca. Bigla nalang magiging ganyan.

'Yung totoo. Kanino ba talaga siya kampi? Ako 'yung bestfriend niya, eh. Ako dapat pinapanigan niya.

"Oo nga pala, bakit hindi mo kasama ngayon si Caleb?" Tanong ko bigla sakanya.

Pansin ko kasi simula nung nawala ako lagi silang magkasama. Laging nagp-post sa social media ng pictures na silang dalawa lang. Selos ako ha!!

"Si King Caleb? Hindi ko alam, eh. Siguro nasakanila. Gusto mo papuntahin ko dito?" Tanong niya st kinuha phone niya.

"Nako 'wag na. Magsasama nanaman kayo. Nagseselos nako ha. Lagi nalang kayo magkasama. Ngayon na nga lang tayo magb-bonding isasama mo pa 'yon. Atsaka akala ko tayo lang royalty dito? pati pala siya."

"Syempre kasama siya, Mei. Kaibigan natin, eh."

"Kaibigan? O ka-ibigan mo?"

"Ewan ko sayo!" Bigla naman niya kong binato ng unan sabay tumayo at lumabas ng kwarto. Problema nun? Nagtanong lang, eh. Siya nga kanina kung ano ano pinagsasasabi. Binato ko ba siya ng unan? tss.

Abnormal talaga. Napailing nalang ako.

Pero teka-- kung may Caleb na si Vianca, paano na si Ryan?

Tumayo na kaagad ako sa kama at humakbang papunta sa pintuan.

"Pero Vianca paano na si Ryan?" Sigaw kong tanong aabay bukas ang pinto at niluwa nun si Vianca.

"Ano ba, Meisha! Andyan si Caleb." saway niya sakin. Grabe talaga oh.

Caleb's pov.

"I told you stay away from her." He said. Ang tigas din pala ng bungo netong pinsan ko.

After niyang paniwalain si Meisha noon na may iba na siyang mahal, babalik nalang siya na parang walang nangyare?

"Sino ka ba para sabihin sakin 'yan?" Ngumisi naman ako sa pagkasabi ko nun.

"Im her f*cking husband and you can't do anything about it." Ngumiti naman ako ng nakakaloko sa sinabi niya.

Husband my ass.

"Hindi ka naman niya magiging asawa ng dahil sa isang set up. Tama ako diba? Hindi niyo desisyon 'yan. Desisyon 'yan ng mga magulang niyo kaya kahit kailan hindi ka niya magiging husband kasi sinet-up lang ka--"

Bago ko matapos sasabihin ko, nakasalampak nako sa sahig. Gago pala 'to, eh!

"Oh bakit? Totoo naman diba! Hindi naman magkakanda leche leche pagmamahalan niyong dalawa kung nung una palang pinaglaban mo siya. Sino bang tanga ang susugod sa isang relasyon kung hindi naman pala kayang sumugal para sa taong mahal niya? Isa kang tanga! Napaka laking tanga! Ni hindi mo kayang ipaglaban si Meisha kasi natatakot ka. Kasi ayaw mong masira sarili mo sa iba. Kasi makasarili ka." Sigaw ko. Wala nakong pake. Kasi kung tutuusin, siya ang mali dito. Gusto kong iparealize sakanya kung ano ang sinayang niya. Kung gano kalaki ang nawala sa buhay niya ng dahil sa katangahan niya.

"Kaya kung ako sayo, Drake, ayusin mo muna lahat ng dapat ayusin bago mo siya mahalin ulit. Ayusin mo lahat. Para kapag maayos na, balikan mo. Hindi 'yung kung kailan nahihirapan ka nanaman, tsaka mo ulit siya iiwan." Ako lang naman nakakaintindi sa relasyon na meron silang dalawa noon pa man. Ako lang nakatuklas ng lahat. Ako lang at wala ng iba.

"I can't do it unless she's here beside me. I can't fight without her knowing how much I love her. I can't be the love of her life because she hates me. And I know she'll hate me forever because of the mistake that I've done before. But believe me, Caleb, I tried so hard just to make things clear. I did."

I smiled at him. Seeing him this weak makes me happy. Dapat lang na magdusa ka, Drake. Kasi simula palang sumugal ka kaagad hanggang sa hindi mo kinaya kaya iniwan mo siya. Hindi siya rubiks cube na alam mo na ngang buo na, guguluhin mo pa. At kapag hindi mo kayang buuin, iiwan mo nalang ng ganun ganun lang. Pero kapag natuto ka ng magbuo, babalikan mo siya na parang walang nangyari. Na parang okay ang lahat kasi marunong kana at kaya mo. Pero iniwan mo siya ng dahil sa walang kakwenta kwentang dahilan.

"Tulungan moko, Caleb. Please." Nakita ko sa sarili kong mga mata na umiiyak ang nagiisang Drake Ethan Scott ng pamilya at nasa harapan ko pa.

"Im sorry. I can't."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, iniwan ko na kaagad magisa si Drake. Kahit na gusto ko muna samahan si Drake, kaso nagtext sakin si Vianca at pinapupunta ako sakanila. Kaya..

Goodluck, Drake. Pakatatag ka.

----

Authors note:

So hello guys!! I hope na sana magustuhan niyo 'tong chapter na 'to. And belated merry christmas hoho. Ingat kayo sa paputok ha? Bye bye mga beks. Wait niyo next chapter *winks* Happy new yeaaaaaar!

P.S: Naunang scene 'yung kila Caleb at Drake ha.

-Fallenregina

Married to my Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now