{ MTMEB 6 }

1.7K 74 5
                                    

{ MTMEB 6 }

Soundtrack for this chapter:
Endlessly by the cab

Meisha's pov.

Kamusta na kaya 'yun si Vianca? Hindi pa nagpaparamdam simula nung umalis si Harley. Siguro pinagpalit nako nun kay Ryan? Lagot talaga sakin 'yung babaeng 'yun.

Ilang beses ko na siyang tinawagan pero cannot be reach yung phone niya. Asan na ba kasi siya? Nakakainis naman. Kung kailan kailangan ko ng mapagsasabihan, wala siya.

Saturday ngayon kaya dito lang ako sa bahay. Ayaw nila akong payagan na umalis. Ewan ko ba. Hindi naman ako grounded ni wala nga akong ginawa na masama, eh. May pupuntahan daw kami eh magtu-two na di parin kami naalis. May imemeet daw kami ewan ko yun yung sabi nila eh. Pero bat kailangan akong isama? Pwede namang sila lang.

"Meisha, bilisan mo na dyan. Hinihintay kana ng daddy mo sa baba." Narinig kong sabi ni Mommy sa may pinto. Kanina pa nga ako naghihintay dito, eh. Sila lang 'yung matagal tss.

Kinuha ko yung color black na sling bag at lumabas na ng kwarto.

Bakit kasi kailangan ko pang sumama kung saan man sila pupunta at kung sino man imemeet nila?

Pababa nako at nasilayan silang dalawa na nakaupo sa may sofa habang nagbabasa ng dyaryo.

"So.."

"You look gorgeous honey. Tara na we'll be late."

After ng pagkasabi nun ni Mom dumiretso na kaming tatlo palabas ng bahay. Kanina nga nung nakita nila ako, ewan ko ba kung naging proud sila sakin o ano. Ang weird kasi ng ngiti nila na parang napaka ganda ng ginawa ko.

"Mommy, san tayo pupunta?" Tanong ko ng simula ng magdrive si Dad. Napatingin naman si Dad kay Mom pero binalik niya din 'yung tingin niya sa kalsada.

Hindi naman umimik si Mommy at nginitian ako. Seriously? Ano bang meron at ang saya saya nila ngayon?

Hindi ko alam kung sadyang baliw lang 'tong parents ko o masaya talaga sila ngayong araw. Siguro nakausap nila si Ate? Pero imposible naman. Kung nakausap nila si Ate sasabihin nila sakin. Ano ba kasing espesyal sa araw na 'to?

Nandito kami sa Five star restaurant ng Uncle ko. Ilang oras na kami dito pero wala parin yung imemeet namin. Tas di pa sila nagseserve ng pagkain, eh gutom nako. Ano bang hinihintay nila? pasko? tsk. Gusto ko ng kumain, eh. Bwiset naman kasi. Kung may imemeet man sila eh bakit kailangan kasama ako? Ginugutom lang naman ako dito.

Punta nalang kaya ako ng mall? Sabagay meron namang malapit na mall dito at walking distance lang siya.

Nagtext ako kay Vianca. Pero ilang oras na ang nakalipas, eh hindi parin ako nirereplyan. Baka naman linagpapalit niya nako sa iba? Magseselos nako ha.

"Sorry we're late. May iba pa kasi kaming ginawa and sobrang tagal ni Drake. Would you mind?" May narinig akong boses babae na nagsalita. And dont get me wrong.. Drake ba 'yung narinig ko? O sadyang joke joke lang 'yon?

Binitawan ko na 'yung phone ko at tumingala. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko.

Its Tita Ethania and Tito Alfonso Scott! And also Drake. Anong meron? Bakit nandito 'yang mga 'yan? I dont want to be rude pero, bakit hindi man lang ako nainform? So, all this time sila lang pala imemeet namin? Para saan? Ugh.

"Not at all, Ethania. Shall we?"

Napataas naman kilay ko dun sa sinabi ni Mama. Okay ako lang siguro walang alam dito?

Tumayo naman si Mommy at nginitian naman ako ni Tita Ethania.

"Mom, san kayo? Sama ako."

Pinilit ko pa si Mommy at kung ano ano pa sinasabi ko pero ayaw nila ako pasamahin sakanila. Saan ba sila pupunta? Ang daya bat naman ako maiiwan dito sa mga lalakeng 'to?

Dumating naman yung waiter at nagserve naman ng specialty nila. Buti naman at naisipan nilang pakainin na kami. Kanina pa kaya ako nagugutom.

Awkward atmosphere. That's all I can say. Ni isa samin walang nagsasalita. Lahat kami nakain lang. Nakakainis sana hindi nalang ako sumama kung ganito lang naman pala.

"So, hija. Do you have plans when you graduate?" Binasag naman ni Tito Alfonso and katahimikan ng dahil sa tanong niya.

"Actually, I dont have plans. But Daddy wants me to manage our business in Seoul."

"Oh, really? Well, then thats great. Tamang tama ang pagtuturo mo dito, Alexander. Dapat niya munang matutunan ang buhay ng nasa baba bago makapunta sa taas."

Ngumiti nalamang ako. Ano bang dapat kong sabihin?

"Her sister? Siya ba ang magiinherit ng business niyo in the near future?" Tanong ni Tito kay Daddy.

"Mikaela? Actually, Meisha will be handling our company in the near future. Ayaw ni Mikaela and she only wants to manage our business in states para daw hindi nako mahirapan. Ito namang si Meisha ay sa korea ko ipapadala para masanay ng todo."

"Tamang tama. I can see potential in Meisha. Dont get me wrong, I can picture her being the CEO of the company. And now lets talk about your marriage."

Napakunot naman noo ko dun sa last na sinabi niya. Anong marriage? Walang marriage na magaganap.

"Wait, what? no! Ako at si Drake ikakasal? Are you nuts?! Sorry for being rude but you're insane!"

"You have to, dear. Do this for our business. Do this for the sake of the family."

"Bakit ako, Dad? Uso pa ba ngayon 'yang arrange marriage na 'yan? Wala na tayo sa sinaunang taon ah. Anong klaseng trip ba 'to? Ang tatanda niyo na, Dad. Nangt-trip pa kayo."

Kasi naman. Sa dinami dami ng pwedeng maging business partner ni Daddy, eh bakit mga scott pa? Pwede naman 'yung mga Smith nalang.

Pinaparusahan ba nila ko ngayon? Well please. Ayoko na po.

"Ang choosy mo naman. Napaka rami ngang babae na nagpapantasya sakin tas ikaw ganyan iaasta mo?"

Napailing nalang ako sa kutong lupa na nagsalita. Akala mo naman kung sinong gwapo, eh mukha rin namang manloloko.

"Dont flatter yourself, Drake. Nakakasama 'yan."

"Flatter myself? Oh no no. Katotohanan 'yun, Meisha."

"Sabagay. Mukha rin namang manloloko. Anong magagawa ko?" Sabi ko at nagkibit balikat nalang.

Napatahimik ang lahat. Niisa walang nagsalita.

"So, its settled then. You two are getting married." Binasag ulit ni Tito Alfonso ang katahimikan. Nakakainis. Ano bang klaseng trip ang meron sila?

"But-"

Aangal na sana ko pero sinamaan nako ng tingin ni Dad. Ano nanaman bang ginawa ko?

"No buts." Biglang sabi ni papa. Kakayanin ko ba ng sikmura ko na makasama tong lalaking to sa iisang bahay? No. Never.

"Hindi naba pwedeng magbago yung desisyon niyo? Atsaka come on Dad. I want to have my own marriage. Hindi 'yung ganito na set up lang."

"This is not a set up, Meisha. And besides. Nagmahalan narin naman kayo nuon. Why dont you make it work this time?"

"I cant, Dad. I dont want to bring back the past. It'll stay there forever."

"You have to face this, Meisha. This is for our family."

"Hindi ka parin ba nakakapag move on?" Tinaasan ko naman si Drake sa sinabi niya. Oh come on. I've moved on for years.

"I've moved on, Drake. So stop acting like I still love you."

Nagkulong ako sa kwarto ko pagkatapos ng pangyayareng 'yun. Ayokong makita ang pagmumukha nila o kung sino man.

Hindi ko naman gusto 'to, eh. Bakit sa dinami dami ng lalake sa mundo, eh siya pa? Bakit si Drake Ethan Scott pa? Ano bang gusto mangyari ni tadhana? Masaktan ako uli?

Sino banaman kasing gusto makasal sa ex niyang ubod ng taas ang tingin sa sarili?

And besides, hindi naman nila ako masisisi dahil niloko niya ko nuon. Hindi nila ko masisisi na ganito ako magreact dahil winasak niya ako.

I just cant accept the fact that Im gonna married to my Ex-boyfriend.

Married to my Ex-boyfriendOn viuen les histories. Descobreix ara