Chapter 19 - Clues

Începe de la început
                                    


Dumidilim na sa labas ng mapansin ni Hannah na wala pa rin si Mark. Tumayo na siya at pinagpag ang pants niya na nalagyan ng kaunting alikabok. Saktong paglabas niya ng kwarto ay nandon na Mark at naglalakad na palapit sa kanya.


"Where have you been?" She asked.

"Downstairs. May mga box kasi doon pagbaba ko. Nagbaka-sakali akong may makitang importante"

"Anything?" She hoped.

"Wala e. Ikaw?"

"Wala din..."


They both sighed in frustration.

May hindi nga nila alam kung ano ba talaga ang dapat nilang hanapin.


"How about my parent's room?" Tanong ni Hannah. She pointed out where it was but didn't even move for a bit.


"Hindi ka sasama?" He asked.

"Dun ako sa basement. Naalala ko kasi, may maliit na office dito dati si Papa"


"Samahan na kita"

"Hindi na mark, ayokong abutin pa tayo ng gabi dito. Bilisan na lang natin habang may araw pa sa labas"


Nagmadali na si Hannah pumunta sa basement nila. Nahirapan pa nga siya buksan ang pintuan nito dahil na-stuck na yata sa sobrang tagal nang nailock.


"Achoo" Onti na lang ay sisipunin na siya sa dumi ng lugar. May mga ipis at daga pa sa paligid.


Halos hindi na pala ginalaw ang mga papeles dito...


Bata pa siya ng namatay ang papa niya kung kaya't wala pa siyang interes noon kung ano ang ginawa ng nanay niya sa mga gamit nito. She never thought that her dad's office would look exactly the same.


Pati ang ayos ng ballpen at ilang libro sa malaking table nito ay nakaayos pa rin.


Lumapit siya sa bookshelves at tinignan ang mga ito. Ang ilan ay kinain ng anay ngunit ang iba ay maayos pa naman. Puno ng literature books at business related books ang mga ito. Iyon kasi ang hilig ng kanyang tatay.


She went to the table and decided to read some papers. Some of them were his plans for the town. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na iyon naituloy pa.


*Bogssh*


Napaangat ang ulo ni Hannah ng may marinig na malakas na pagbagsak.


"Hello?! Mark? Ikaw ba yan?" Sigaw niya.


Gamit ang flashlight ay inilawan niya ang hagdan sa labas ng pintuan ngunit wala namang tao doon.


"Mark?" Sigaw niya ulit ngunit hindi ito sumasagot.


Kinabahan na siya at nagmadali ng tignan ang mga drawer sa table.

Lost Soul (Soul Series Book 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum