43. Feed me... I'm thirsty...

3.3K 74 1
                                    

MY VAMPIRE HOUSEMATE
MessyIntrovert

PLAGIARISM IS A CRIME!

CHAPTER 43.

Aerie's POV;

Papunta akong safehouse ngayon, naisip ko na don na tumira, malayo sa mga tao- tahimik.

Alam niyo, nagsisi ako kung bakit ipinagpilitan ko pang mamuhay nang normal kasama ang mga tao- tinanggap ko na lang sana na kakaiba talaga ako, na talagang malabo yong gusto kong normal na buhay.

Hindi sana mangyayari sakin to- kung nakinig na lang sana ako kay Briel.

Pero... yun nga, huli na ang lahat... buong buhay ko man tong pagsisihan, nangyari na ang nangyari.

Andito na ako sa safehouse.

Bumaba na ako sa motor ko, papasok na sana ako sa bahay nang mapansin ang motor ni Briel doon sa madalas pinaparadahan niya.

Bumilis agad ang tibok nang puso ko sa isiping baka nandito siya.

Dali- dali akong pumasok sa loob.

Bakit nga ba hindi ko naisip na baka nandito siya?

"Briel!?" tawag ko sa kanya habang papasok ako, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, basta na lang kasi akong naiyak e. "Briel are you here?" tawag ko parin sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

Briel's POV;

Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Aerie, I swear I've just heard her voice calling my name.

She's here!

She's alive!

Dali- dali akong bumangon mula sa pakakasalampa ko sa kama.

Pagtayo ko pa lang, kamuntik na agad akong matumba, bukod kasi sa nahihilo ako gawa nang marami akong nainom na alak kagabi ay masama parin ang kalagayan ko dala nang sugat na natamo ko nong napalaban ako kay Red-

"Briel!?"

Napatingin ako sa may nakabukas na pinto nang kwartong kinaroroonan ko.

"P- prinsesa!?"

Ayokong isipin na baka nananaginip lang ako ngayong nakikita ko siya, kasi aaminin ko, sobrang nangungulila na ako sa kanya, gusto ko siyang yakapin, halikan- gusto kong iparamdam sa kanya kung gano ko siya kamahal, pero- pano kung nananaginip nga lang ako? Tapos bigla na lang akong magising? Ayoko sanang umasa- nakikita ko nga siya ngayon, tapos pag gising ko- wala naman siya, lalo lang akong masasaktan.

Sa halip na lumapit kay Aerie, ipinikit ko na lang ang mga mata ko. At umaasa akong sa muli kong pagdilat- andyan parin siya.

Lihim akong umuusal nang dasal na sana... hindi lang ako nananaginip.

Saglit lang dumilat uli ako- at siya rin namang paglapit ni Aerie sakin at niyakap ako nang sobrang higpit.

"Oh my God Briel akala ko hindi na kita makikita ulit!" she cried.

Sa higpit nang pagkakayakap niya sakin, sumakit ang sugat ko sa dibdib, ramdam ko yon, and it only proves that I'm not dreaming.

She's really here!

"Prinsesa!" napaluha na rin ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin, basta, sobrang saya ko ngayong nandito siya't buhay.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin, "Bakit mo ko iniwan don?" she ask as she wiped her eyes filled with tears. "Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakahanap sayo? Sobrang natatakot akong wala ka sa tabi ko, hindi ko alam kung anong gaga-"

MY VAMPIRE HOUSEMATE [Completed]Where stories live. Discover now