The news about me actually reached national level and some people think they know who I am just because they have read articles about me in the news or in the internet. Habang kumakalat ang balita tungkol sa pinagdaanan ko. Nabawasan at nadagdagan ang kwento, I think some even think na may split-personality ako, nakakainis lang. Akala ata nila may switch on and off ang utak ko, innocent mode tas bigla na lamang magiging killer. Nakakainis, makikichismis na nga lang, mali pa. But then again, I learned to not care about them. Yes it hurts but it's better to ignore and be the bigger person. What matters is that I have my family and friends who love me, na nakakaintindi sakin, na tinuturing akong normal.


"Ba't bigla kang natahimik?" Tanong ni Kiana habang nakaakbay parin kami sa isa't-isa.


"Nothing. I'm just happy." Sabi ko na lamang at bahagyang tumawa.


"You don't want to kill yourself anymore right?" Aniya.


"I want to kill myself for wanting to end my life when in fact sobrang babaw lang ng problema ko noon. I'm just lucky to have a second shot at everything. Kaya ikaw Kiana, 'wag mo akong gagayahin okay?" Giit ko dahilan para agad siyang tumango-tango.


"I have you and Dadski plus Momski's looking out for us up above, plus si Papa Godski pa, orayt rock and roll diba?" Pabirong sambit ni Kiana kaya natawa na lamang ako. Hay jusko, nahahawa na ata sa vocabulary ni Candy 'tong kapatid ko.


"Galvez!"

Biglang may sumigaw kaya naman kapwa kami napatingala ni Kiana sa second floor ng literature building at nakita namin sina Aiden, Candy, Toshino at Sage na kumakaway sa direksyon namin habang tumatambay sila malapit sa railings. Napansin ko agad ang bulaklak na hawak ni Sage at bigla na lamang niya akong kinindatan.


"Hala may dalang bouquet si Kuya Sage oh! Puntahan mo na ang boyfriend mo!" Panunukso ni Kiana.


"It's ex-boyfriend." Ngumiti na lamang ako.


"What?!" Agad namilog ang mga mata ni Kiana.


"I broke up with him a day before I was abducted. Technically, we're not together anymore." Pag-amin ko na lamang sabay hilig ng ulo ko sa balikat niya.


"Gusto mo lang magpaligaw ulit eh!" Giit niya kaya natawa na lamang ako. Aning talaga na bata.


"Wait omg!" Nagulat ako nang bigla na lamang siyang pumalakpak at nagtatalon, "That means the door is now open for Kuya Sky too! I am so going to call him!"


"And you're going to call him why?! And Kuya Sky? Kelan pa kayo naging close?" Napangiwi na lamang ako.


"Nagpadala kaya siya sakin ng get well soon basket! For sure nagpapalakas 'yon and besides, you guys look perfect for each other! Duh! Naiisip ko pa lang na sabay kang liligawan ni Kuya Sky at Kuya Sage, naglalaway na ako dahil sa chocolates na makakain—I mean matatanggap mo!" Aniya habang taas-baba ng kilay kaya muli ko siyang inakbayan at pabirong sinakal.


"'Yan ka eh! Binubugaw mo ang ate mo dahil sa katawan mo! Dun ka sa boypren mo magpabili ng chocolates! Nandadamay ka pa ng ulol na parak!" Biro ko pa pero tumawa lamang siya.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now