Chapter 14

1.8K 134 15
                                    

Magkaharap na nakatayo si Daniel at ang punong-guro sa kalagitnaan ng isang gubat sa labas ng Kilador. Sa gitna ng gubat na ito ay may malawak na espasyo na umaabot ng kalahating metro, sa umaga ay madalas itong pahingaan ng mga adventurer dahil walang biglaang lilitaw na halimaw sa lugar na 'to. Madalas din itong ginagawang lugar para sa pakikipagduwelo ng mga adventurer ngunit sa gabi ay walang dumadayo sa mismong gubat dahil sa mas lumalakas ang mga halimaw na nakapaligid sa gitna ng gubat. Pero ngayong gabi, ang mga halimaw na ito ang takot lumapit sa dalawang tao na nakatayo sa sentro ng gubat.

Nilabas ng punong-guro ang kanyang espada, malaki ito at at kumikinang sa kintab, nang makita iyon ni Daniel ay naglabas din siya ng magandang espada.

"Mukhang maganda 'yang espada mo Daniel, pero aaminin ko sa'yo na kakaunting espada lang ang meron sa Gevados na kayang tapatan ang espada ko." 

Di naman pinansin ni Daniel ang pagyayabang nito, "Mauuna ka ba umatake Punong-guro o ako na?"

"Haha tawagin mo nalang akong Lucio tutal parehas naman tayong Rank A."

Hindi kumibo si Daniel pero pinwesto niya ang sarili at ang kanyang espada, ngumiti naman si Lucio sa nakita at sinabi, "Ako na mauuna!" Pagkatapos magsalita ni Lucio ay mabilis itong lumapit kay Daniel.

Mas mabilis si Lucio kaysa sa inaasahan ni Daniel kaya kahit nakahanda siyang dumepensa ay nagulat pa rin siya sa bilis nito.  Agad na sinalag ni Daniel ang atake ni Lucio ngunit imbis na espada ang tamaan ni Daniel ay hangin ang natamaan nito. Sa kanyang gilid ay bigla niyang napansin na papalapit na ang espada ni Lucio sa kanyang mukha, mabilis na inilagan ito ni Daniel at umatras papalayo kay Lucio dahil kamuntikan na siya mahagip nito.

"Kamuntikan ka na dun Daniel, mabilis ang mga reflex mo ah." Nakangiting sabi ni Lucio.

"Tsk!" Sinisi ni Daniel ang sarili niya dahil hindi siya naging maingat. Masiyado ako nasanay sa mga mahihinang kalaban sa mundong to.

"Apoy!" Mahinang sigaw ni Daniel habang hinampas niya ang espada sa lupa. Sinubukan niyang gamitin ang skill na ginamit sa kanya ni Jengar ngunit nalimutan niya ang pangalan ng skill kaya 'apoy' lang ang nasabi ko. Nawasak ang lupa at dumeretso ang apoy sa ilalim ng lupa papunta kay Lucio.

Umilag si Lucio pagilid at inasahan na lalabas ang apoy pataas ngunit tumagilid ang apoy at dumeretso sa kanya. Sa pagkabigla ni Lucio ay imbes na ilagan ay sinangga niya ang apoy gamit ang kanyang espada. Pagkatapos nun ay mabilis namang naglabas ng bolang apoy si Daniel papunta kay Lucio.

Akala ni Daniel ay tatamaan niya ito pero agad na sumigaw si Lucio, "Hah!" Bago tamaan ng apoy ay nawala na si Lucio sa pwesto at mabilis na napunta sa gilid.

"Wew, mahusay. May kaunting talento rin ako sa magic, hayaan mong pakita ko sayo." Pagkasugod ni Lucio ay sumugod din si Daniel, napansin ni Daniel na ang bilis niya habang suot ang mga curse item  ay halos kapantay ng bilis ni Lucio.

Nang malapit na magtama ang kanilang espada ay biglang bumaba ang lupang tinapakan ni Daniel sa kanyang kanang paa, nawalan siya ng balanse saglit pero ang saglit na iyon ay sinamantala ni Lucio. Binalak ni Lucio itusok ang espada niya sa balikat ni Daniel, mabilis pa rin itong nailagan ni Daniel dahil kahit nabawasan ang lakas at bilis niya ay mabilis pa rin ang takbo ng kanyang paningin. Pero dahil wala sa balanse ang pagkatayo ni Daniel ay halos matumba siya habang umiilag.

'Di nagpahuli si Lucio, agad niya winasiwas pababa ang espada sa katawan ni Daniel. Dahil patumba na ang kanang bahagi ng katawan ni Daniel ay wala siyang nagawa kundi salagin ang espada ni Lucio gamit ang kanyang kaliwang kamay. Bumagsak si Daniel pahiga kasama ng impact ng espada sa ni Lucio sa kanyang palad.

Hawak hawak ni Daniel ang espada ni Lucio at nagdudugo ang kanyang kamay. Nagulat si Lucio dahil imposibleng hindi maputol ang kamay ng kahit na sino sa tindi ng kanyang paghampas. Ang atake ng isang Rank A ay nagawa lang pigilan ng isang kamay lang. Dahil dito ay parang napahinto si Lucio at hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Habang tulala si Lucio ay biglang tumawa ng malakas si Daniel, "HAHAHAHAHA! Ang sakit ng kamay ko! HAHAHA!"

Hindi maisip ni Lucio kung bakit tumatawa pa si Daniel, ang tanging tingin niya rito ay nababaliw na.

Ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganitong sakit. Sa loob-loob ni Daniel ay masaya talaga siya dahil sa loob ng PolyKingdom ay kahit ilang beses siya mabawasan ng buhay o mamatay ay ang tanging pinakamasakit na mararamdaman niya ay parang kagat lang ng lamok, ang sakit na iyon ay nandoon lang para maramadaman mong nababawasan ang iyong buhay.

Pagdating sa PolyKingdom, kahit na sabihin mong magaling at maganda ang iyong pundasyon sa pakikipaglaban sa tunay na buhay, pagdating sa loob ng laro ay nakadepende pa rin ito sa taas ng iyong stats at lakas ng iyong skill. Kaya kahit na maraming karanasan si Daniel pagdating sa pakikipaglaban, ang kanyang mentality sa mga laban na iyon ay hindi tulad ng tunay na laban kung saan nakataya ang iyong buhay. Ikumpara pa na malaki ang agwat ng kapangyarihan ni Daniel sa Polykingdom sa mga ibang manlalaro, wala siyang kinatatakutan.

Ngayong nakaramdam ng sakit si Daniel ay mas lalo siyang naexcite makipaglaban. Malaking dagdag ito sa kanyang karanasan para sa mga susunod niyang laban. Kanina ay akala niya ay nag-iingat siya pero ngayon lang niya narealize na sobrang kampante niya, parang nakikipaglaban lang siya sa Polykingdom. Pero dahil sa sakit na naramdaman niya, alam niya nang hindi lang to laro. Na kapag nachambahan ka ay pwede kang mamatay, kahit sabihin mong chamba o dahil hindi mo pa nilalabas ang tunay na lakas mo, wala kang magagawa kung patay ka na.

Umatras naman si Lucio dahil biglang natayuan ang kanyang balihibo nang makita niyang ngumisi si Daniel.

"Nagpapasalamat ako sa'yo Lucio. Marami akong napagtanto dahil sa sugat na binigay mo. Hayaan mong pakitaan kita ng regalo kahit kakaunti lang." Sabi ni Daniel habang tumatayo at tinanggal ang isa niyang singsing.

Agad na naghanda si Lucio dahil nakita niya na itong ginawa ni Daniel nang matapos siya makipaglaban sa mga alalay ni Desserei. Pagkatapos tanggalin ni Daniel ang singsing ay mas lalo itong bumilis at naramdaman din niyang lumakas si Daniel noon.

Walang senyas o sigaw, mabilis nawala si Daniel sa paningin ni Lucio na parang gumamit ng isang malakas na wind spell. Pero malakas pa rin ang senses ni Lucio at naramdaman niyang nasa likod na niya agad si Daniel, tumalikod siya pero nakita niyang winasiwas na ni Daniel ang espada niya palihis. Nasangga pa rin ito ni Lucio pero pagkasalag niya ay napansin niyang bumababa ang espada niya dahil sa lakas ng pwersa ni Daniel. Itinodo ni Lucio ang pwersa niya para pigilan ang espada ni Daniel sa pagbaba sa kanyang mukha pero bigla siyang sinipa ni Daniel sa tiyan at tumalsik siya sa malayo.

Isang sipa lang ni Daniel pero hinang-hina na agad si Lucio, sa sitwasyon ng katawan niya ngayon ay alam niya nang mahihirapan na siyang lumaban.

"Suko na ko Daniel." Wika ni Lucio habang nakahiga, hawak nito ang tiyan at nakatingin sa mga bituin.

Lumapit sa kanya si Daniel at iniabot ang kamay para tulungan siyang tumayo, hinawakan naman ni Lucio ang kamay ni Daniel at tumayo ito ng dahan-pagkatayo niya ay napansin niyang kaliwang kamay ni Daniel ang kanyang hawak ngunit wala siyang nahawakan na kahit anong sugat sa palad nito. Ang tanging nandoon lang ay ang bakas ng dugo sa palad ni Daniel.

"Papano-" Hindi na naituloy ni Lucio ang kanyang sasabihin dahil habang tinitingnan niyang maigi ang palad ni Daniel ay nakita niyang meron pa itong singsing na suot na katulad ng tinanggal niya. Dalawa pa sa kaliwang kamay at isa sa kanan.

"Ano 'yon?" Hindi maisip ni Daniel kung bakit natutulala si Lucio.

Gulat ang mukha ni Lucio pero nagawa pa rin niyang matanong si Daniel, "Ra..Rank..S ka?"


Whole New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon