Chapter 12

1.7K 116 12
                                    

Nag-iisip si Daniel kung paano niya tatalunin ang tatlong lalaki. Kayang-kaya naman niya iyon, ang iniisip niya lang ay kung paano niya gagawin at ang pagtantsa ng lakas niya para hindi siya makapatay. Balak din sana ni Daniel na tanging magic lang muna ang ipapakita niya pero dahil nagmamadali siya ay naglabas siya ng kahoy na espada galing sa kanyang magic bag. Bilis at lakas, eto ang napili ni Daniel na solusyon.

Mabilis na lumapit si Daniel sa lalaki na nasa kanyang kanan. Nagulat ito sa bilis ni Daniel at hindi na nakapagsalita. Gamit ang espadang kahoy ni Daniel ay winasiwas niya ito ng pahiga sa tiyan ng lalaki. Bumulagta naman ang lalaki patalikod.

Nakita ito nang dalawang lalaki kaya nagmadali sila na ibaybay ang kanilang spell. Isang bolang apoy at bolang tubig ang bumulusok papunta kay Daniel. Inilagan ni Daniel ang bolang apoy habang winasiwas niya ang espada niya sa bolang tubig, nahati ito sa dalawa at nalaglag sa lupa.

Hindi na hinayaan pa ni Daniel na gumamit uli ang mga ito ng spell, pinalo niya ang espada niya sa likod ng leeg ng isang lalaki at nawalan ito ng malay. Hindi naman huminto si Daniel at dumeretso siya sa huling lalaki. Pinatid niya ang paa nito sa likod at habang natihaya ito patalikod ay sinuntok niya ang tiyan nito para 'di na makabangon pa.

"Si-si..Sino ka! Bakit ang lakas mo para sa isang knight!" Sigaw ni Desserei nang makita niyang siya nalang ang natitira.

Biglang nagpunta si Daniel sa harap ni Desserei at napaatras ito sa gulat.

"Wala kang pake kung sino ako. Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae." Hindi na nakasagot si Desserei dahil nawala agad si Daniel sa kanyang paningin. Tumingin ito sa paligid ngunit kahit anino ni Daniel ay hindi niya makita.

-----

Tinanggal ni Daniel ang isang singsing na may curse effect, nagmamadali siyang tumakbo patungo sa sunod niyang klase dahil hindi niya alam kung aabot pa ba siya o late na sa klase.. Halos walang nakapansin sa kanyang takbo dahil sa bilis nito.

Pagdating ni Daniel sa klase ay sakto naman na nakasabay niya sa pagpasok ang guro kaya naisip niya na swerte pa rin siya. Ngunit nawala ang swerte na iyon nang may nagsalita uli tungkol sa kanyang year.

"Ma'am, may pumasok na 1st year, may kailangan ata sa inyo."

Lumingon ang guro kay Daniel at tinanong siya, "Ikaw ba si Daniel?"

"Opo." Tumango si Daniel.

"Kasali siya sa klaseng ito dahil may pahintulot siya ng punong-guro. Maupo ka na Daniel."

"Salamat po." Agad na umupo si Daniel sa may bakanteng upuan sa harap.

Kaya ayaw ko mahuli eh, sentro na naman ako ng atensiyon.

Ramdam ni Daniel na halos lahat ng mata ng mga kaklase niya ay sa kanya nakatingin. Iyon ay dahil ngayon lang sila nakarinig na may isang estudyante na lumaktaw ng year. Kahit anak ng mga hari at reyna sa kahit anong kaharian ay walang special rights dito sa Levithian Academy.

"Ako si Reinara Parthos, Rank B Magus, ang guro niyo para sa Basic Spell subject. Dahil unang araw pa lang ngayon ay wala munang magsasagawa ng kahit anong spell. Tatalakayin muna natin ang mga mahahalagang bagay na napag-aralan niyo nung huling taon tungkol sa mga theory."

"Urrghhh." Madaming napakunot-noo at napaungol sa pagkakadismaya sa sinabi ni Reinara.

Nagpatuloy pa rin si Reinara sa kanyang eksplenasyon. "Sa pagsasagawa ng magic o paggamit ng spell, mayroong maling konsepto ang mga normal tao na ang tanging kailangan mo lang daw ay malawak na imahinasyon. Mali ito dahil kung imahinasyon lang ang kailangan mo ay dapat lahat ng magus ay kaya nang gumamit ng mga spell na hindi na nagbabaybay lalo na sa mga basic spell lang. Sa paggamit ng spell ay hindi lang imahinasyon ang iyong kailangan kundi KONSENTRASYON din. Madali lang mag-imagine pero ang mahirap ay ang konsentrasyon na gawing reyalidad ang iyong imahinasyon. Ang hindi paggamit ng pagbabaybay ng mga simpleng spell ay posible lalo na sa mga Rank A dahil sa sobrang lakas na ng kanilang konsentrasyon pagdating sa magic."

Whole New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon