Chapter Forty Seven - Shower & Conference Room

Start from the beginning
                                    

“Hoy! Tumigil ka nga diyan? Ano tayo gradeschool? Wala nga!” Tinapon niya dito ang unan.

“Ah, wala na ba? So okay lang kung hingin ko yung number niya?”

Napatigil siya sa pag-iimpake at nilingon ito. “Akala ko ba mahal mo si Ephraim? Ano nga uli yung sinabi mo kanina? ‘My love for him is eternal.’ Anong nangyari dun?”

Nagkibit ito ng balikat. “Well, kung isang katulad ba naman ni Greg ang pag-uusapan…” Seryoso ba talaga ito?

“So where’s your phone? Pahingi ng number niya ha? Syempre, wala ka namang gusto sa kanya diba so okay lang kung hingin ko yung number niya.” Hinalungkat nito ang bag niya at hinahanap ang kanyang cellphone.

“Wala akong number niya.”

“Weh? Eh tinawagan mo nga kaninang umaga eh?” Halungkat pa din nito sa bag niya. Nang makita na nito ang kanyang cellphone ay ibinigay kaagad nito sa kanya. “Type mo yung password.”

She sighed. “Jenni, bakit mo ba hihingin yung number niya? Baka magagalit lang yun sakin pag nalaman niyang binigay ko sayo yung number? At ano nalang si Ephraim ha? Akala ko ba mahal mo yung lalaki?”

“Hinihingi ko lang naman eh. Anong masama dun?”

“Wala. Pero… Ay ewan! Lumabas ka na nga lang! Gulo ka lang dito eh.” Taboy niya dito.

Ilang minuto din silang tumahimik at akala niya’y lumabas na ito sa kanyang kwarto ng bigla niyang narinig ang tawa nito. “Gosh, Gaby! You should have seen your face! Mukha mo akong papatayin kanina eh?” Ngayon ay humalakhak na talaga ito ng tuluyan. Sira ulo ata ang babaeng ‘to eh.

“Nasisiraan ka na ba diyan? Why don’t you see a psychiatrist or something.”

Bago ito tuluyang lumabas ay nagsalita muna ito. “Wala na daw gusto pero halos patayin naman ako sa sindak ng hingin ko yung number.” Tumatawa pa din ito hanggang sa paglabas.

Napailing nalang siya at ipinagpatuloy ang pag-iimpake. It was her third day in Chicago. Nag file na din siya ng resignation at nagpaalam na kahapon sa opisina at restaurant. She worked for more than one year in the fast-food chain kaya naman naging malapit din siya sa ibang staffs, waiters, at waitresses.

Nung umalis siya sa Pilipinas ay sumama na sa kanya sina Piey at Jenni. Napaluha nga siya ng nagpaalam na ang mga ito kay Gavin. Kahit papano ay parte na din ng pamilya sina Jenni at Piey dahil sila mismo ang tumulong sa kanya. Sila ang tumulong nung panahong walang-wala siya. She will forever be under their debts.

A Deal is a DealWhere stories live. Discover now