Chapter Fifty Two - Nightmare

222K 2.9K 662
                                    

Chapter 52

Greg’s POV

Nagulat siya ng makitang lumabas sa mula sa malaking gate ang sasakyan ni Gaby. Kumanan ito at pumaharurot ng patakbo palayo sa bahay. Hindi siguro siya nakita nito dahil bagong liko lang siya sa kanang kalye. Just in time to see her car driving away with urgency.

Nahanap na kaya nito si Gavin? Pero bakit hindi man lang siya sinabihan nito? Siguro naman kung meron na itong alam tungkol sa kanilang anak ay tatawagan kaagad siya nito. Kaagad niyang sinundan ang sasakyan nito bago pa man ito makalayo at tuluyang mawala sa kanyang paningin. She was driving like a maniac. Para itong hinahabol ng sampung Diablo kung makapagmaneho.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero nito. Mga ilang segundo ang lumipas pero hindi sinasagot ni Gaby ang kanyang tawag. Tinawagan niya ulit ito pero ring lang ng ring ang kabilang linya.

Kinalma niya ang sarili. What the hell was Gaby up to? Bakit nito hindi sinasagot ang tawag niya? Bakit mabilis ang pagmamaneho nito na para bang may hinahabol ito? At bakit ito umalis ng bahay ng hindi man lang siya sinabihan?

Kinuha niya ulit ang kanyang cellphone at tinawagan ang bahay nina Gaby. Sinagot naman kaagad ng isang katulong sa unang ring pa lang. “San ba pumunta ang ma’am niyo?” Tanong niya kaagad rito.

“Sir, hindi po din naming alam sir eh. Nabigla nalang po kami dahil pinapabuksan niya po yung gate dahil aalis daw siya.” Magalang na sagot naman nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. “May dala-dala ba siya?”

“O-Opo. May dala-dala po siyang isang maliit na bag na pagmamay-ari po ni Sir Albert.”

Napakunot ang noo niya. What was she doing with Albert’s bag? Anong laman noon? “May kausap ba siya bago siya umalis? Sa telepono o sa cellphone?”

“Hindi po namin alam, sir, kung telepono o cellphone po yung gamit ni Ma’am. Pero rinig na rinig po naming may kaaway siya sa kabilang linya. Malakas po kasi yung boses ni Ma’am Gaby eh. Pagkatapos ng tawag ay kaagad siyang pumanhik at pumunta sa kwarto ni Sir Albert. Pag labas niya po may dala-dala na siyang maliit na bag at inutusan akong buksan yung gate. Yun lang po at umalis na siya.” Paliwanag sa kanya ng katulong.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon