Chapter Forty Six - Second Thoughts

314K 3.8K 849
                                    

Thank you, Xyril_Anne, for the lovely cover! Dedication goes to you! x

Chapter 46

“Saan yung sunblock? Maliligo na si Gavin.” Malamig na tanong sa kanya ni Greg.

Napasinghap siya ng malakas at dali-daling tinabunan ang sarili gamit ang kanyang sundress na bago lang niya hinubad. She was almost naked for pete’s sake! She was only wearing her underwear! Kasalukuyan siyang nagbibihis ng bikini ng bigla nalang itong pumasok sa kwarto. Nilingon niya si Greg na nakatingin lang sa kanya at mukhang nababagot. She immediately blushed when she remembered her appearance.

Itinuro niya ang Ben 10 na pack bag na nakapatong sa upuan. Walang salitang kinuha ni Greg ang sunblock sa loob ng packbag at walang-lingog lumabas sa kwarto. Napabuntong-hininga siya at nilapitan ang pintuan para i-lock.

Nagpatuloy siya sa kanyang naudlot na pagbihis ng bikini. Nang natapos siya ay pinatungan niya iyon ng white maxi dress. Hindi muna siya maliligo ng beach sa araw na ‘yon. Babantayan nalang muna niya si Gavin.

“Gaby, di ka ba maliligo? Nasa beach na sila lahat.” Rinig niyang tanong ni Jack galing sa labas.

“Not today. Sige, mauna ka na, Jack. Susunod lang ako.” Nilakasan niya ang kanyang boses para marinig nito ang kanyang sagot. “Okay, mauuna na ako.”

Ilang minuto muna siyang nag-lagi sa loob ng kanyang kwarto bago lumabas. Rinig niya ang hiyawan at tawanan ng mga tao sa beach kahit may kalayuan iyon sa bahay ni Greg. Nasa private island sila ng Hontiveros dahil cine-celebrate ang birthday ni Greg.

Yes, today was Greg’s birthday at napagdesisyunan nitong i-celebrate sa pribadong isla ng mga Hontiveros. Akala nga niya’y hindi siya iimbitahin nito dahil hindi naman siya sinabihan. Kung hindi dahil sa kadaldalan ni Gavin, tiyak siyang hindi siya isinama.

Lumabas siya ng bahay at tinungo ang beach. Just stay calm, Gaby.

Nang malapit na siya sa beach ay biglang tumahimik ang ibang tao. Nakalimutan niya bang sabihin na halos lahat ng Hontiveros ay imbitado sa birthday ni Greg? Kaya nga humigit-kumulang isang daang tao ang nasa isla na ‘yon.

It was Greg’s birthday celebration at the same time Gavin’s welcome party. Everyone was so psyched to meet Greg’s only son for the first time. Everyone was so excited to see Greg’s long-lost son who was hidden by his selfish mother for six long years.

“Oh, Gaby, di ka ba maliligo?” Tanong sa kanya ni Tito Marshall. Kahit anim na taon na ang nakaraan ng huli niya itong nakita ay hindi parin kumupas ang kagwapuhan nito. Halos lahat ata ng mga Hontiveros ay magaganda’t gwapo eh.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon