Chapter 25 "Flashback"

Magsimula sa umpisa
                                    

"I don't have a weakness."

He just smiled in a playful way.It's kinda annoying.Tuluyan ko na kaya 'tong si Mirco?Namumuro na 'to sa'kin.

"Ryu,look."

Ngumuso sa kabilang table si Ken kaya sinundan ko yung tinitignan nya.May limang babae dun.Napakunot ang noo ko dahil mukhang puro kaedad namin sila.

"Paano sila nakapasok dito?"-Ako

"Anak ng may-ari ng bar yung isa.Si Angelica,"sagot ni Louie.*shrugs*He knows everything.

"What are they doing?"-Ken

"Hm..."-Mirco

Uminom na lang ulit ako habang nakatingin sa mga babae.I don't have a business with them so I don't need to do anything.

"Sige na,uminom ka pa.Ang konti pa lang ng naiinom mo."

Sabi ng isang babae dun sa isa pang babae.Tinitigan ko yung babaeng pinipilit nilang uminom.She looks so innocent and I think,this is her first time to go in this kind of place.

Hm...Maganda sya.Attractive ang dating pero mukhang masyado syang mabait na tipong hindi man lang marunong magsinungaling.Malayo ang ugali namin sa isa't-isa.

"A-ayoko na.Uuwi na ako.Baka hinahanap na ako ni Lola."

"Hayaan mo na muna yung Lola mo.Ngayon lang tayo pupunta dito eh.Let's have fun!"

Napailing na lang ako habang pinapanood sila.Mga babae nga naman.

"H-hindi ako p-pwede dito.K-kailangan ko na t-talagang umuwi."

Tumayo ang babae at akmang aalis na pero hinawakan sya sa braso nung isa pang babae na mukhang lasing na.Napapangiwi yung babae sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.

"Sinabi ng dito ka muna eh!'Wag ka na ngang maarte!Hihintayin pa natin ang boyfriend ko pati ang barkada nya!"

"A-ako lang naman ang aalis.P-pwede mo pa naman syang hin---"

"Santillan,type ka ng kaibigan ng boyfriend ko kaya wala kang ibang choice kung hindi ang maupo dito at maghintay na dumating sila.Naiintindihan mo ba?!"

Napapaatras na lang yung babae dahil sa takot.Napailing na naman ako.Bakit nga ba sumama sya sa mga ganyang tao?

"Babe."

Bungad ng dumating na lalaki dun sa babae.Namumukhaan ko yung lalaki.Alam kong gangster din sya at yung apat pang kasama nya.Nasa ranking sila ng Underground.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang tao dito sa bar.Wala naman akong mapapala kung papanoorin ko sila.

"Interesting...Edrix Gang ba yun?"-Ken

"Yeah.Edrix nga."-Louie

Ang Edrix Gang ang top 4 ngayon sa Underground.Malakas sila pero hindi pa rin sila uubra samin kahit lima pa sila sa grupo.

Hinayaan ko na lang yung dalawa na ituloy nila yung panonood nila sa nangyayari sa kabilang table.

Naramdaman kong nagba-vibrate yung cellphone ko kaya agad ko yung kinuha.Tinignan ko lang yung screen para malaman kung sinong tumatawag pero kung sino man sya,wala akong balak na sagutin ang tawag nya.

Dad's calling...

Tss.Bakit sya tumatawag?Mamamaalam?Magbibilin?Sawang-sawa na ako sa pag-alis at pagbalik nya pagkatapos ng halos limang taon.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon