30.1 Outbound Tour

Start from the beginning
                                    

What the fudge? Bakit yug pakiramdam ko ay parang nahuli ako sa akto na nagtataksil? Seriously, Misty???

"Oh, dito ka, Tyrone?" shocked pa rin na tanong ni Badaf.

Tumango lang si Tyrone sabay sabing, "Oo, Pre. Pahiram muna si Misty ha?"

OMG. Napangiwi ako nang makitang naniningkit yung mga mata ni Badaf sa akin. "Ahh, sino nang katabi ko?"

Amidst the excitement noise of my classmates inside the bus, I still could hear the cold silence among us three here infront.

"Wala na bang ibang vacant? Check mo sa likod, baka meron o kung wala, sa jumpseat ka nalang, Pre," sagot ni Tyrone.

Ano raw? Sa jumpseat? Hala, hindi papayag si Badaf nyan. Mas maarte pa yan sa akin e! Tyrone naman!

Badaf chuckled and I know, it's sarcastic. "Isa ako sa unang nagbayad tapos sa jumpseat ako?" tanong niya at dahil dyan, sinenyasan ko sa tingin si Eunice na nasa tabi lang ni Badaf na nakatayo. Makuha ka sa tingin, Eunice! Gawa mo ng paraan, please.

Mabuti naman at mukhang na-gets ni Eunice kaya dali-dali niyang inikot ang tingin niya sa bus. Sa mukha pa lang ni Badaf, alam kong napipikon na siya. Huwag naman sana. Huhu.

"Mukhang wala nang bakante. France, okay lang ba sayo na dito ka nalang sa tabi ng prof pumwesto?"

Kumunot nang todo ang noo ni Badaf sa suggestion ni Eunice kaya mabilis siyang nakaisip agad ng ibang solusyon. "O kung ayaw mo, ako nalang sa tabi ng prof tapos dun ka nalang sa supposedly seat ko which is sa tabi ni Sab."

Tinapunan muna ako ng mabilis na tingin ni Badaf bago siya walang sabi-sabing tumabi sa pwesto ni Sab na aligned lang din namin sa 3rd row. Kami ni Tyrone, sa left at sina Badaf at Sab, sa right.

"Okay, I think, we're settled already," sabi ni Eunice gamit ang mic ng bus. "Now, we have to wait for our prof before we head out."

Nagsigawan ang mga classmates namin sa bandang likod. Excited na excited na sa pupuntahan namin ngayong araw. Tumingin ako kay Badaf sa kanan namin. Nasa aisle siya nakapwesto habang si Sab ay sa window side. Halatang badtrip pa rin dahil magkasalubong pa rin ang dalawang kilay niya.

Kinuha ko kaagad ang phone ko mula sa bulsa ko. Hindi pwedeng ganito kami ni Badaf sa buong byahe. I need to explain what really happened. Baka kasi na-misinterpret niya.

To: Badaf

Uy, Badaf. Ikaw naman kasi dapat yung katabi ko. Late ka kasi. Naunahan ka tuloy ni Tyrone. Anyway, di ko rin alam kung bat siya nandito. :(

Pagka-send ko, kasabay ng pagtunog ng phone ni Badaf sa kanan. Pasimple ko siyang tinignan. Nakita kong binasa niya ang text ko at saka niya ako tinapunan ng bored na tingin bago ibinulsa ang phone niya nang hindi man lang nagrereply.

Oh, gosh. Ma-eenjoy kaya namin ang outbound tour namin?

***

Sa tingin ko ay hindi. Oh my goodness gracious! Kanina ko pa hinuhuli ang mga mata ni Badaf sa bus pero umiiwas siya sa akin kahit na magkatapatan lang kami. Sa tuwing, aalukin ko siya ng snacks, tumatalikod siya sa akin tapos tinatanggihan ako pero kapag si Sab ang nag-alok, tinatanggap pa niya. Kug kanina ay nakokonsensya ako, ngayon naman ay naiirita na ako! ARGH!

Our first itinerary is Tayak Hill. Quarter to 10AM din kami nakarating dito sa Laguna dahil na-stuck kami sa traffic. Pagbaba pa lang namin ng bus ni Tyrone ay tumakbo kami sa ilalim ng puno para sumilong. Ang sakit kasi sa balat ng init ng araw. Parang nakakapaso.

"Dapat dinala mo nalang ang jacket mo," sabi ni Tyrone pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi kay Badaf na kakalabas palang bus at pinapayungan si Sab. Tumaas tuloy ay isa kong kilay. Kung kanina ay mukhang pissed off siya, ngayon naman ay tuwang-tuwa na ang bakla. Seriously?

I felt Tyrone nudged me on my elbow kaya napatingin ako sa kanya. "Ano, kukunin ko ba yung jacket mo? Mainit ang pagtetrekking natin, Misty."

Ngumiti ako ng pilit. Nakakatuwa naman kasi si Tyrone. Sobrang maasikaso simula pa kanina. Naguguilty nga ako kasi, hindi ko siya gaanong kinakausap. Naku, siya na nga lang ang iintindihin ko. Kapag si Badaf lang ang iisipin ko ngayong araw, for sure hindi ko rin maeenjoy ang tour naming ito.

Haayyy, tama, Misty! Kay Tyrone ka nalang muna.

"Okay lang ako, Tyrone. Keri ko 'yang init na yan," I said with a smile before he stretched his jacket open and pushed my head inside of it. Ang nangyari tuloy, ginawa kong silong yung suot na jacket ni Tyrone.

"Hala! Okay lang talaga ako." Iaalis ko na sana ang ulo ko nun nang akbayan niya ako.

"Sasakit ang ulo mo nyan. Galing sa aircon tapos diretso sa init."

Aww. Napangiti nalang tuloy ako kasabay ng pag-init ng mukha ko dahil bukod sa pagiging caring ni Tyrone sa akin, super bango pa niya. Hihi. Ay, behave, Misty.

"Nakakahiya. Kukunin ko nalang sa bus yung jacket ko," sabi ko pero hindi na yun angyari dahil. . .

"Hoy! Tinatawag na kayo dun. Sumakay na raw tayo ng jeep!" sigaw ni Badaf sa hindi kalayuan bago umirap at tumalikod sa amin.

Sa totoo lang, kung hindi sana bakla at kung pagbabasehan ang asta at kilos ni Badaf, iisipin kong nagseselos siya sa aming dalawa ni Tyrone. Ako rin naman e, magseselos din sana ako sa kanila ni Sab kung hindi siya bakla. Sobrang close kasi nila sa isa't-isa. Actually, sa front seat pa ng jeep sila pumwesto ni Sab kanina. Kitang-kita ko tuloy kung paano sila magtawanan, mag-asaran at magpicture taking dun dahil nasa likod lang kami mismo ng driver.

Okay, Misty. Keep your calm. Mas pinili lang niyang i-enjoy ang tour kaysa ang mabadtrip sa nangyari kanina. Mamaya, kakausapin ka rin nyan.

Pero. . . mali ako. Nakarating nalang kami sa destinasyon namin pero ni sulyap man lang ay hindi niya nagawa. Siya pa nga ang nag-lead ng warm up exercise ng buong klase namin bago mag-trekking. Buti nalang si Tyrone, hindi man lang lumalayo sa akin kundi magiging loner ang peg ko.

"Misty, piktyuran kita?" sabi ni Tyrone nung habang nag-aannounce ng kung ano yung tour guide namin sa harapan. Nasa bandang hulihan kami kaya hinila ako ng bahagya ni Tyrone. "Dali, piktyuran kita dyan, Misty. Pose ka na dyan sa may nakabagsak na punong yan," sabi niya habang itinatapat sa akin ang iPhone cam niya.

"Hala, ako lang? Sama ka na. I-set mo nalang sa front cam yan para kasama ka." Awkward naman kasi talaga! Cam pa man din niya ang gagamitin.

"Ikaw nalang mag-isa."

Eehh, ayoko nga. So, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at sinet iyon sa front cam, at pagkatapos ay hinila ko siya dun sa nakabagsak na puno. Inangat ko ang phone ko para ihanda sa isang selfie bago ko sinabing, "Tayong dalawa nalang."

I could see through the phone's screen how Tyrone smile and look at me. Ita-tap ko na sana 'capture' button nang. . .

"Hoy, maiiwan na kayo. Aalis na kami. Sige, selfie pa more!"

Sino pa ba? Syempre, si Badaf na naman. Tch.


-

Yhel's note: Ito lang muna. 3 parts ang Outbound tour kasi medyo mahaba yung nasa isip kong pangyayari dun. And oh, sorry sa slow update. Hindi pa namin sembreak at sa katunayan, finals pa rin namin ngayon. :)


[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now