Chapter 4 - Ghost

651 37 12
                                    

HOSEOK POV

"Muntanga ka gago wag kang umiyak dito"

Kanina--ay hindi kahapon pa 'tong si Kim Taehyung dito sa puntod ko. Maniwala man kayo o hindi dito yan natulog.

Dinaig pa niyan sasaeng fan ko eh.

Ayan. Umiiyak nanaman siya.

Syempre gusto ko siya i-comfort.

Kaso hindi pwede eh.

Hindi ko magawa.

Multo lang naman ako.

Nakakatawa nga eh. Dati takot-takot ako sa multo. Nagkasugat pa nga ako nung may pinanood sa'kin sila Taehyung na video na nakakagulat. Yung bigla na lang may susulpot na duguang babae sa screen mo. So sobrang takot ko nasugatan ko tuloy yung makinis kong legs.

Pero ngayon isa na ako sa kanila.

"Kim Taehyung tahan na. Okay lang ako dito. Hindi naman ako mag-isa dito. Dami kong kaibigan dito oh. Ikaw ang mag-isa dito. Lahat kami multo ikaw lang tao lugi ka."

Pinunasan niya ang luha niya na para bang narinig ako. "Hyung nagugutom ako hehe. Kain lang muna ako hyung ah. Babalik ako."

At umalis ulit siya.

Utang na loob Kim Taehyung tama na.

Akala mo ba ikaw lang nasasaktan?

Gago kahit multo na ako ang sakit pa rin makita kang ganyan.

Buhay na pala ulit si Jungkook. Kaya pala hindi ko na siya nakakausap.

Nung naging multo pansamantala si Jungkook pumunta siya dito.

Nung panahon na 'yun gusto na niya sumuko.

Gusto na niya tanggapin na multo na talaga siya. Pero tingnan mo ngayon. Isang milagro ang nangyari.

Magkasama na sila ni Jimin.

Hindi ko naman hinihiling na sana magaya ako kay Jungkook.

Ako rin naman 'tong may gusto na mamatay.

Ang gusto ko lang maging maayos yung mga iniwan ko. Gusto sila ngumiti at tumawa tulad ng dati.

Hindi ko akalain na magiging ganito ang epekto kay Kim Taehyung.

Yung bata na 'yun masyado akong mahal.

Yoongi ang bagal mo dumamoves.

/ehem/ Taegi shipper /ehem/

Pero kamusta na kaya sila?

Ang hirap pala maging multo. Wala kang magawa. Kundi manood lang.

Kapag multo ka na yung buhay ng tao parang isang malaking screen ng tv na lang at yung mga tao yung mga artista.

Nanood ka lang.

Wala ka ng ibang pwede gawin. Hindi ka pwede mangialam. Kasi naka-tadhana na lahat ng pwedeng mangyari.

Yung kaninang tanong ni Taehyung na
"Hyung how can I smile if we're not together?"

You're wrong.

I am with you.

-----

JUNGKOOK POV

"HOY JUNGKOOK KASAMA MO BA SI TAEHYUNG?! SA DINAMI-DAMI NG ARAW NAISIPAN NIYO PA SABAY MAWALA! PINAGKAKAISAHAN NIYO BA AKO?!"

Bago pa ako mabingi sa lakas ng sigaw ni Yoongi hyung nilayo ko na yung speaker ng phone ko sa tenga ko.

After Notes [ jikook ff ]Where stories live. Discover now