C4- THE FAMOUS BAND

7.7K 133 17
                                    

Paolline's P.O.V


Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga sa kama. Nakatulala sa kisame habang nakapatong ang isang braso ko sa noo ko. Ay, oo nga pala kakauwi ko lang kanina. Nagpahatid na ako kay Ian kasi nakakahiya naman kung doon pa ulit ako matulog diba?. Tyaka bukas may pasok na ako. Transferee palang ako do'n. Ano kayang magiging buhay ko ngayon?. Hays. Bakit ko ba iniisip 'yon?.

Naalala ko 'yong singsing, itinaas ko ang kaliwang kamay ko sa harapan ng mukha ko para titigan iyong singsing na binigay sa'kin ni Thyler noong fifth monthsary namin. Gusto ko ulit maiyak pero pinigilan ko, and I succeed.

Hinaplos ko ang singsing sabay ng pagbabalik ng mga alaala namin sa isip ko. Napapikit ako't tumagal ako ng ilang minuto sa gano'ng posisyon.

Muli kong minulat ang mga mata ko't dahan-dahang tinatanggal ang singsing sa daliri ko.

'Mas makakabuti na sigurong simulan ko na dito ang pagtanggap ng katotohanan na wala na kami, wala ng silbi pa kung suot-suot ko pa rin 'to. '

Ipinatong ko ang singsing sa side table ng kama ko. Napahingang malalim ako bigla na parang bang hirap na hirap ako sa ginawa ko. Ipinikit kong muli ang mga mata ko para matulog.

Bukas. Bukas na ang pasukan kaya kailangan ko ng matulog nang maaga.


*********

Good morning sunshine! ^_^

Ok. Now I need to do my morning rituals. Naligo. Nagtoothbrush. Nagsuot ng uniform. Ang astig nga ng uniform namin, e. 'Yong kulay ng palda ay green na upper knee, tapos mahabang medyas na white, black shoes , polo sa loob, may pang cover sa harap na kulay green din. Basta! Hindi ko ma-explain, hahaha.

I combed my hair then ginawa ulit 'yong palagi kong hairstyle, 'yong naka-hairpin 'yong gilid. Inayos ko ang bangs ko. Tumitig pa ako ulit saglit sa salamin bago ko kinuha ang backpack ko na color Black and white at lumabas na ng kwarto.

See, I'm just a normal girl. Normal gumalaw, normal mag-ayos, normal kumilos. Not like other girls na nag-me-make up pa. Ta's ang a-arte pa kumilos o magsalita. Tsk -_- . Normal talaga ako dahil hindi ako ABNORMAL.

Pumunta akong kitchen to drink milk. Ganito ako every morning. Lagi akong nainom ng milk sa umaga o pagkagising. Pagkatapos kong uminom ng milk ay naisip ko ng pumasok para maaga ako sa school. Syempre ang pangit naman kung transfer ka lang tapos first day pa lang ay late ka kaagad? Diba ang pangit pakinggan.

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay agad na bumungad sa'kin ang isang mamahaling kotse na FERRARI!. Syempre ang peg ko ngayon ay gulat at tulala. Lumibot ang tingin ko sa paligid para malaman kung sino ang may-ari ng kotseng nasa harapan ko ngayon. Hanggang sa bumukas 'yong driver's seat at lumabas doon ang gwapong nilalang na nagngangalang Ian. At lalo akong nagulat o.o

"I-ian?. Bakit ka nandito?" Agad na tinanong ko siya nang makapunta siya sa harapan ko.

"Sinusundo ka" aniya ng nakangiti.

"Ha? Bakit?"

"Wag ka ng maraming tanong sumakay ka na lang " then naglakad na siya pabalik sa kotse niya. Ewan ko ba diyan, umagang-umaga sinusungitan na naman niya ako -_-.

Kakabukas ko pa lang ng back seat ng bigla na namang tinawag ni Ian ang pangalan ko.

"MICH!" napalingon ako sa kanyang nasa passenger's seat door ngayon.

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon