C4- THE FAMOUS BAND

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dito ka uupo, hindi diyan" sabi niya sabay smirk. Syempre ako naman sinunod na lang siya. Pasalamat siya nakakapag-timpi ako sa kasungitan niya -_-.

Pagkaupo ko sa passenger's seat umupo na rin siya sa driver's seat at in-start na ang sasakyan.

Habang papalabas kami ng gate nadaanan ng mata ko ang kotse kong naka-park sa gilid malapit sa gate namin. Buti na lang naalala kong naiwan ko ang kotse ko sa airport kaya nagpahatid ako kay Ian kagabi doon at kinuha ang kotse ko.

"Um. Ian, sa *sorry wala kasing maisip na name* university ka rin ba napasok?" Pag-uuna ko ng conversation. Ayoko kasi ng tahimik. Gusto ko walang ilangan. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang niya sa'kin pero hindi ko lang talaga mapigilang hindi magsalita.

"Ah, oo. Actually nakalimutan ko lang sabihin sa'yo kahapon na susunduin kita, kaya naisip kong puntahan ka nalang sa bahay mo" aniya habang nakatutok lang ang tingin sa daan.

"Ah, ok lang" tumingin na lang ako sa bintana sa tabi ko para malibang ako. Sakto namang pagtingin ko sa labas ay lumiko na kami para pumasok sa loob ng gate ng school namin.

Nang makapasok na kami sa gate ng school namin bigla na lang kaming sinalubong ng maraming students na nagkakagulo. More like girls ang sumusugod. Ako naman nagulat at muntikan ng mapatalon sa upuan ko, buti napahawak ako sa side ng upuan ko. Tumingin ako kay Ian ng nagtatakang kinakabahan sa mga nakikita ko ngayon.

'May okasiyon ba ngayon? May party? Botohan?'

"Bakit? Anong mayro'n?" Syempre transfer lang ako dito kaya wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari dito sa mga estudyanteng nagkakagulo sa paligid namin.

'Gegerahin ba nila kami?! Pero bakit?!, may ginawa bang masama si Ian sa kanila? :O'

Tumingin ako kay Ian na may mapanghinalang tingin na agad naman niyang napansin, "Oy, Mich. Kung anuman 'yang iniisip mo, itigil mo na 'yan. Wala akong ginawang masama sa kanila ok? -_-"

"Eh?" nawala ang tingin kong mapanghinala sa kaniya't napalitan ng pagka-inosente. Paano niya nabasa ang nasa isip ko?

"Um, basta mich. 'Wag mo nalang silang pansinin ok? Don't mind them. Just be yourself. Malalaman mo rin naman ang dahilan soon, basta trust in me at ako na ang bahala sa'yo" then he winked at me.

Feeling ko tuloy lahat ng dugo ko sa katawan nagsitaasan papunta sa mukha ko >3<. Nag-calm down na lang ako kahit kinakabahan pa rin ako dahil sa transfer pa lang ako e baka sugudin ako ng mga tao no! Ghad! Isang nakakatakot na araw 'to! T3T.

Nag-park si Ian sa parking lot ng school. Oo, mayroong parking lot ang school namin. Dahil dito lahat pumapasok ang mga katulad nila Ian, in short mayroong mga pera. Ewan ko nga kung bakit dito ko pa naisipang mag-aral. Napapansin ko talaga ang mga students, grabe nagkakagulo talaga sila. Ano ba talagang mayro'n sa school na 'to?. Dapat pala nag-imbestiga muna ako sa school na ito bago ako nag-enroll -_-.

"Just hold on me ok?" napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa'kin. Nagnod na lang ako sa kanya.

Bumaba na siya ng kotse, at feeling ko lalong nagkagulo ang mga students nang lumabas si Ian. Pa'no ba naman, gustung-gusto nilang mahawakan si Ian. 'Yong mga guards nga todo shield sa kaniya.

'Bakit parang daig pa ni Ian ang artista dahil sa mga inaakto sa kaniya ng mga estudyante?'

O.O

Don't tell me, sikat si Ian?!. Pero anong klaseng sikat?. Singer ba siya?. Actor?. Model?.

Feeling ko tuloy bumabalik 'yong feelings ko sa dating school ko. 'Yong mga estudyante na galit na galit sa'kin. Uulit na naman ba 'yon?. Kaya nga ako lumipat para mawala na 'yong gano'ng sitwasyon. Pero ano itong nangyayari ngayon? Bakit parang ayaw akong lubayan ng problemang iyon?

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon