Coline's POV
Ilang araw, hindi! Ilang linggo nadin ang nakaraan at ilang linggo na ding hindi nagpapakita si Terrence sakin. Eto namang si Jerome, heto... Nasa ospital padin.
Hindi nga ako iniimikan eh. Hindi ako pinapansin! Pag dinadalhan ko sya ng pagkain, lagi nyang inihahagis. Pag dumadating ako, lagi syang nakasimangot! Pero pag nakikita ko naman sila ng barkada nya, lagi syang masaya. Ano bang problema?
"Jerome, pansinin mo naman ako"
"..."
"Ano bang problema?"
"..."
"Anong nagawa kong mali?"
"..."
"Hoy! Ano ba? Di ka ba talaga iimik!!!!"
Di ko sinasadya pero bigla kong nahatak ang ulo nya papunta sakin. Siguro dahil na din sa emosyong nararamdaman ko ngayon.
"Gusto mo malaman kung bakit!!!! Ano ang problema? Anong nagawa mo?"
"Ano?! Anong kasalanan ko sayo!?"
"Ang dumating ka sa buhay ko! Bakit ikaw pa!!!?"
"Bakit? Anong meron?"
"Gusto mo malaman ang totoo?"
"Oo!!!!!"
"Ginagamit lang kita! Niligawan lang kita dahil sa pera! Kailangan ko ng pera mo! Kailangan ko magbayad ng utang ni Papa!"
"Ano?!"
"Bingi ka ba?! Ang sabi ko pinaglaruan lang kita!!!"
(Pak!)
"Ah!"
"Bakit mo sinasabi sakin ito ngayon Jerome ha? Bakit?! Kung pera ang habol mo, bakit mo sinasabi lahat ito!?!"
"Kasi ayoko na sayo! Nakakawalang gana ka! Para kang bata! Isip bata ka! You're no fun at all!"
"Grabe ka..."
Hindi ko mapigilan ang umiyak. Iyak lang ako ng iyak! Di ko sya masaktan. Di ko sya kayang saktan. Ang sakit... Naninikip ang dibdib ko. Parang gusto kong sumigaw. Pero tumakbo nalang ako palayo.
"I hate you so much Jerome!!!"
Jerome's POV
Ngayon na ang araw na hihiwalayan ko na sya. Ayoko na talaga. Nakokonsensya na ako. Di ko na kaya. Mas magaling na ang ganito! Isang iyakan nalang.
"Jerome, pansinin mo naman ako"
"..."
"Ano bang problema?"
"..."
"Anong nagawa kong mali?"
"..."
"Hoy! Ano ba? Di ka ba talaga iimik!!!!"
Hinatak nya ako palapit sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang galit.
"Gusto mo malaman kung bakit!!!! Ano ang problema? Anong nagawa mo?"
"Ano?! Anong kasalanan ko sayo!?"
"Ang dumating ka sa buhay ko! Bakit ikaw pa!!!?"
"Bakit? Anong meron?"
"Gusto mo malaman ang totoo?"
"Oo!!!!!"
"Ginagamit lang kita! Niligawan lang kita dahil sa pera! Kailangan ko ng pera mo! Kailangan ko magbayad ng utang ni Papa!"
"Ano?!"
"Bingi ka ba?! Ang sabi ko pinaglaruan lang kita!!!"
(Pak!)
"Ah!"
"Bakit mo sinasabi sakin ito ngayon Jerome ha? Bakit?! Kung pera ang habol mo, bakit mo sinasabi lahat ito!?!"
"Kasi ayoko na sayo! Nakakawalang gana ka! Para kang bata! Isip bata ka! You're no fun at all!"
"Grabe ka..."
At pagkasabi nya nun, wala syang ginawa. Di nya ako sinaktan. Di nya ako sinampal, di nya ako sinakal... Hindi sya nagalit. Imbes ay lumayo sya sakin.
"I hate you so much Jerome!"
Bigla akong nakaramdam ng patak sa kamay ko. Di ko namalayan, lumuluha na ako. Ito lang ang nasabi ko sa sarili ko...
"Sorry, sorry for making you love me so much and Thank you for loving me that much..."
