Chapter Ten (Part Two): Don Alexander

21 2 0
                                        

Terrence’s POV

            Dumating na pala sina Don Ramon at Don Alexander. Hanggang ngayon, ganun padin ang mukha ng Tatay nya. Last ko kasi sila nakita noong nasa court silang mag-ama. After nun, wala na. Nagpainom sya ngayon sa amin kasi nanalo kami sa semi finals. Nakipaglaro pa sya samin ng basketball bago kami mag-inuman.

Don Alexander’s POV

            Medyo matagal-tagal na din noong huli akong magbasketball ah. 4 years nadin yun. That was the time when nagpaalam ako sa anak ko, para magpuntang ibang bansa. For Business naman ito. Simula kasi noong namatay si Charmaine sa panganganak sa kanya, itinuon ko na ang sarili ko sa paglalaro ng basketball. Nagpariwara ako sa buhay. Ni hindi ko na naalagaan si Coline noon, kaya lumaki sya sa Lolo at maids nya.

FLASHBACK

            Nakilala ko si Charmaine sa same place na ito kung saan ko huling nakita ang anak ko… sa court. Inter-barangay kasi noon at ako ang MVP ng barangay naming. Medyo sikat din ako sa mga babae, madami din akong nakilala at nakasamang babae noon. Dala siguro ng kabataan at alam mo na.

            Pero noong nakilala ko si Charmaine, sa kanya na natuon ang attention ko. Simpleng babae lang sya, maganda at mahinhin. Taliwas sa anak nya na napakabarako! Haha. XD pero sa tuwing nakikita ko si Coline, naaalala ko sya. Ang unang babaeng minahal ko.

            Pinakasalan ko sya noon. Sa totoo lang, tanan kami. Ayaw kasi si Papah kay Charmaine eh. Mahirap lang kasi ang pamilya nya. Pumunta kaming maynila at ang tanging sandalan ko lang ay ang mga ATM at Cheque na nasa wallet ko. Wala kasi ako pocket money, biglaan kasi.

“Charmaine, may problema tayo.”

“Ano yun Alex?”

“Pinablock ni Papa lahat ng accounts ko.”

            Yun ang masaklap! Nakalimutan kong pwede nga palang gawin sakin yun ni Don Ramon. Haha! Yan tuloy, napilitan akong magtrabaho. Nagging madali lang sakin ang paghahanap ng trabaho kahit na hindi pa kami tapos ng kolehiyo. Magaling kasi akong magluto kaya natatanggap naman ako agad sa mga Fastfood. Yun nga ang pinagtataka ko, bakit ang anak ko, muntik nang sunugin ang hacienda sa pagluluto? Haha.

            Si Charmaine naman, tigil lang sa Apartment na inuupahan naming. Buntis kasi sya at hirap syang magbuntis ng mga panahon na iyon. Naka-isang taon din kami sa Maynila at noon ko nalaman na mas masarap pala talaga tumira sa probinsya kesa sa syudad. 7 months nadin nagdadalang tao ang asawa ko.

            Hulyo 7, 1997 noon, ang pinakamasaya at pinakamasaklap na araw sa buhay ko…

“Alex!!!! Alex!!!”

“Charm…!”

“Ang baby… ang baby ko…”

“Wait! Steady ka lang… tatawwag ako ng ambulansya.”

            Nagmadali akong tumawag pero sampung minute na, wala padin ang ambulansya.

“Alex… di ko na kaya.”

“Charm! Ano ka ba!!?? Wag kang magsalita ng ganyan!”

“Alex… Coline, Coline ang ipapangalan mo sa kanya. Bubuhayin mo sya at mamahalin ng higit pa sa pagmamahal mo sa akin ha? Hayaan mo syang magpataba, wag mo syang pipigilan kumain ng madami. Hayaan mo din syang mabuhay sa tunay na mundo, makapaglaro sa kalsada at makapaglibang sa labas. Hayaan mo din syang madapa, parte yun ng buhay. Pero gabayan mo sya para makabangon ulit. At ang huli, hayaan mo syang matutong magmahal. Mahal na mahal ko kayong mag-ama. Mahal na mal kita Alex. Tandaan mo, sya ang piliin mo…”

“Charm!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

            Pagkatapos ang isang oras.

“Iho. Hindi na talaga kaya ng ospital na ito na buhayin silang dalawa. Alam mo naman na kulang ang facilities ditto, kaya iho… mamili ka na.”

“Akala ko ba nagliligtas kayo ng buhay ha?!? Doktor kayo diba?!? Tapos papipiliin nyo ko? Parang pinapili nyo na din ako kung sino sa mag-ina ko ang papatayin nyo ah!”

“Iho, sana maintindihan mo. Bibigyan pa kita ng 5 minuto para magdesisyon.”

            Tatawag ba ako kay Papa para humingi ng tulong? Ayoko! Paninindigan ko si Charmaine hangga’t kaya ko.

“Buhayin nyo ang mag-ina ko!!!”

            Pero wala silang nagawa… iniabot ng doctor ang bata sa akin. Hindi ko napigilang umiyak. Umiyak sa saya na naramdaman ko noong nahawakan ko ang anak ko at sag alit na nararamdaman ko dahil piñata nya ang babaeng mahal ko.

            Iniwan ko si Coline sa ospital at nagpakalayo-layo. Binusabos ko ang buhay ko. Nag-inom, nangbabae, at muntik nang magpakamatay. Muntik? Dahil sa isang babae, si Terresa.

Broken StringsWhere stories live. Discover now