Chapter Seven: It's My Turn

28 2 0
                                        

Coline's POV

"Putek! Lasing sina Jerome?" Sigaw nung coach namin.

"Asan kaya ang mga lintik na yun!? Magsisimula na ang laban! Madidisqualify tayo nyan eh!"

"Coach Bong, ako na maghahanap sa kanila. May natira naman dyan diba? Ipasok nyo na sila sa first five habang hinahanap ko sina Jerome."

"Magaling pa nga iha."

Nasaan na kaya sila? Nag-aalala na jako. 5th game na ito so kailangan nilang manalo para makapasok sa semi-finals. Pero nasaan sila? Natataranta na ako!!!

Terrence's POV

"Putek! Lasing sina Jerome?" Shit! Kung kalian may laro, saka nag-inom ang mga mokong.

"Asan kaya ang mga lintik na yun!? Magsisimula na ang laban! Madidisqualify tayo nyan eh!"

"Coach Bong, ako na maghahanap sa kanila. May natira naman dyan diba? Ipasok nyo na sila sa first five habang hinahanap ko sina Jerome." Tama nga siguro ang sinabi ni Coline.

"Magaling pa nga iha."

Tatayo n asana ako para samahan sya, pero pinigilan ako ni Coach.

"Terrence, kayo na muna ang magfifirst five. Buti at di ka sumama sa mga gagong yun. Jumpball ka ngayon."

Kami kasi nina Jerome, Arjay, Ryan, at Gelo ang laging first five. Kaso yung apat, hanggang ngayon, wala pa! Mga mokong talaga! Hindi din ako ang madalas nagjujumpball, kay Jerome na trabaho yun! Defense lang ako. Kasi ako yung medyo malaki yung katawan, pero hindi ako katangkadan.

"Prrrt....! Back to the ball game!"

Magsisimula na ang second quarter pero wala padin sila! Hayx!!!

"Prrrt...! Sub!"

Sa wakas, dumating na din ang mga mokong! Takte, makakapagpahinga na din.

Jerome's POV

Sa wakas, andito na din! Naikot pa paningin ko eh! Ako ata pinakatinamaan sa aming apat. Shit! Bahala na si batman!

"Jerome, ano ba?! Bakit ngayon lang kayo?" Nagbunganga pa ang isang ito.

"Coline. Nagtext na ako, sabi ko pupunta na ako."

"Hay naku!!! Patay ka talaga sa akin!!!" Sabay hila sa tenga ko.

"Aray! Aray naman!"

"Ref! Sub!!!" Agad na coach? Kakadating lang namin.

"Prrrt...! Sub!"

Shit! Hilo padin ako.

Terrence's POV

Ano ba pinaggagagawa ng mga ito. Magtatapos na ang third quarter, tambak na kami. Samantalang kanina, kahit papaano lamang kami ng tatlong puntos. Bwisit! Sinasayang nila ang mga tira at free throw!

"Coach, papasok na ulit ako!"

"Terrence, standby ka lang. Sa 4th quarter kita ipapasok."

"Prrrt! Tapos na ang 3rd quarter! Score: 87-66 in favor of BSB."

Coline's POV

Ano ba naman itong mga ito! Nagpabaya na. Hayx!

"Oh, bakit ka nakasimangot dyan?"

"Che!" Paanong hindi sisimangot, inaasal mo ang laro.

"Sorry na Coline. May hang-over pa kasi ako."

"Tumigil ka nga Jerome!"

"Prrrt! Back to the ball game."

"Aalis muna ako!"

Makabili na nga lang ng pagkain! Wala na namang pag-asang makahabol ang mga yun! Magpapakabusog nalang ako. XD

"Woooh!!! Warriors!!!"

"Yan na po, at humahabol na nga po ang warriors!"

"Reyes for three... Shoot na shoot!!! Flawless!!!"

Ano daw? Nahabol na kami? Talaga? Wait, wait... sino ba yung Reyes? -.- Pupunta ba ako doon? Mamaya nalang, nakain pa ako!

"Jen, sinong Reyes?"

"Ewan. Tara na?"

"Maya-maya, pag naubos ko ito."

"Takaw mo talaga taba!"

"Score:89-77 in favor of BSB"

"Pag lamang na sila, pupunta na ako!"

"Haha. Nakakatawa ka taba!"

"Score:90-85"

"Shit! Ang bilis ah?"

"Oh, tara na?"

"Pag pagod na yung Reyes kakahabol sa score."

"Score:91-89"

"Oh, siguradong pago na yun?"

"Uubusin ko lang ang RC ko."

"Cous naman?!"

"Hoy mga luka, kainan kayo ng kainan dyan. Nagkakagulo na doon!" Aba, si Lovelyn? Napasingit!

"Ano meron?"

"Si papables ko, na-injured ata. Kinikisig ata? Sama kayo?"

"Sama ako!"

"Ikaw Cole?"

"Maya-maya. Una na kayo."

"Geh!"

Mali. Dapat siguro, pumunta na ako. Kailangan ako doon. Marunong kasi ako magmassage ng kinikisig na paa, napag-aralan naming yun iiii. Tsaka madalas din ako kisigin. Pero madami namang mag-aasikaso dun. Pero, bakit parang kinakabahan ako. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang... parang kailangan ko talaga sya makita.

"Sama na pala ako!"

"Attention! Wag po tayo magkagulo. Sino pa po marunong magfirst aid dyan?"

Lumapit ako sa kanya.

"Saan ba masakit?"

"Ah! Dito."

"Konting tiis lang ha?"

Hinawakan nya ako sa braso. Bakit ganun? Nakakakoryente! Nakakailang sa pakiramdam, pero daretso padin ako.

"Ayos na ba?"

"Oo. Salamat manager!"

"Walang anuman...?"

"Terrence... Terrence ang pangalan ko."

"Walang anuman, Terrence."

Inakbayan ko sya papuntang bench pero nagpumilit sya na maglaro, so pumayag na ako. Total patapos na naman.

"Back to the ball game. Score: 91-89 in favor of BSB."

Last 30 seconds na... Last 10 seconds na...

"Reyes aiming for three!!!"

Sa pagkakataong ito, nakakapit na ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako... Kaya mo yan!

"Terrence!!!!!!!"

Biglang nagflashback sa isip ko yung batang lalaki...

"3-2-1... Shoot po! Shoot mga kabarangay!!! Score: 91-92 in favor of warriors!"

Sya ba? Sya nga kaya? Si Terrence nga kaya?

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon