Chapter 10: GID - Treasure the moment

Magsimula sa umpisa
                                    

"Arrghhh bitawan mo ko sabi eh!" dagdag ko muli.

Nakakainis lang kasi eh, nung una may humila nanaman sakin pero mas malala to tsk. Naalala niyo yung lalaking binato ko ng coke-in-can? psh

Hinila niya ako saka niya ako mahinang itinulak sa pader. He pinned me on the wall. Parang lang iyong sa mga napapanood ko sa mga movie tapos hahalikan nung lalaki yung babae. Aissh ano ba tong sinasabi ko Tsk.!

Ilang metro lang pagitan namin, nakatitig lang siya sakin. Napaiwas ako ng tingin, rinig na rinig ko ang pitik ng puso este rinig na rinig ko ang paghinga niya.

Tumingin muli ako sa kanya, ngumisi siya. Mas inilapit pa niya ang mukha niya. Napalunok ako ng dahan dahan.

Nakailang lunok naba ako ngayon. Aircon please!!!.... ramdam na ramdam ko na din na pinagpapawisan ako. Sh*t gusto ko siyang sipain kaso ayaw magreact ng katawan ko.

Arghhhhhh katawan ko naman 'to pero bakit hindi nila ako sinusunod.

Inilapit pa niya ang mukha niya, waaaaahhh konti nalang. Ipinikit ko ang mga mata ko. Heto na..Heto na...

"Kuya!!!!! don't do that!" sigaw ng bata at agad kong iminulat ang mga mata ko. Sabay kaming napalingon sa bata, nakakunot na ang noo nito at nakacross arm pa. Sh*t muntikan na! good lil kiddo, I owe you this time.

Agad niya akong binitawan at lumapit siya sa batang babae. Nakahinga ako ng malalim. Kyaaah muntikan na talaga pero sayang yun muntikan na--aissshhh waah ano ba tong pinagsasabi ko. Sinampal ko ng dalawang beses ang noo ko

"Awww" mahinang sabi ko. Masakit pala hehe ^_^V

"Oh he-he bakit kayo nakatingin sakin?" tanong ko sa kanila. Pareho pa sila ng facial expression pfft ang cute nila, magkapatid ba sila?

"Tsk." sabi ng lalaki. Siya si birthday boy. Huehue alam ba niya kaya na ako nagsulat nun?

Tangeks pano sana niya malalaman? Aisst tanga lang Blaire!

Lumapit sakin yung batang babae saka hinila ang kamay ko palapit sa lalaki este kapatid pala niya kasi kinuya niya kanina. Aba tignan mo nga naman magkapatid nga talaga, hilig nilang manghila.

Binitawan ng batang babae yung kamay ko. Nakatingin lang sakin yung lalaki. Napakamot ako ng ulo saka napa crossfinger sa likod huehue.

"Sinabi mo na?" tanong ng lalaki.

"Huh ang ano---" sagot ko, pero narealize ko na hindi pala ako ang pinagtatanungan niya ng marinig kong sumagot ang kapatid niyang babae.

"Pfffttt" pigil tawa ng bata at inirapan ko lang siya pero ngumisi lang.

"Hmmm, hindi pa kuya." sagot ng bata saka tinignan niya ako witch matching hawak sa baba.

Hayys what ever. "Una na ako" walang gana kong sabi saka tumalikod pero hinila lang ako ng lalaki.

Napatingin ako sa kamay ko at agad naman niyang binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"What?!" inis kong tanong habang nakatingin sa kanya, pero iniwas niya ang tingin niya, nakatingin lang siya sa kapatid niyang bata.

"Treat mo kami ni Kuya ng ice cream!!" sabi ng batang babae saka nagpuppy eyes.

Oo cute tong bata, awww parang natunaw na ako mas cumute pa tong batang 'to sa paningin ko.

"Sure!" agad kong sagot sabay thumbs up. Nag-apir naman ang magkapatid.

WAIT!!! teka teka!!!bakit ako umoo!!! takte hindi ko kontralado sarili ko.!

Gangster's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon