Chapter 6: GID - Trouble

162 18 3
                                    

Hello guys haha XD ngayon lang ako makapag update mahina ang net kagabi :( Hindi kinaya ang 15 votes last chap? huahua how sad XD pero oks lang.

May nagbabasa paba? XD

Mahal ko kayo. :* Palapit na prelim namin pero hahanapan ko ng paraan para makaupdate :)

Vote, Read and Comment Guys :*

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Chapter 6: GID - Trouble

THIRD PERSON's POV

Nagising si Ace sa pagkakawala ng malay dahil sa paghampas ng isang lalaki sa ulo niya. Alam na alam ng lalaki kung gaano lang dapat kalakas ang paghampas neto para mawalan siya ng malay.

"Fvck!" sigaw ni Ace ng maramdaman niyang masakit ang ulo niya at likuran niya nung pilitin niyang bumangon.

Napatingin siya sa paligid niya, madilim ito at masangsang ang amoy. Doon niya ulit naalala ang nangyari kanina kung bakit siya nandito ngayon nasa lugar na ito.

Pinilit niya muling bumangon pero ayaw makisama ng katawan niya. Kahit nasa ganoon siyang kalagayan, humahanap parin siya ng paraan para maalis ang tali sa kamay at paa niya.

Dumating ang isang lalaki saka lumapit sa kanya.

"Gising ka na pala bata. Goodmorning" sabi neto kay Ace saka hinawakan ang baba nito at iniangat.

Itinagilid naman ni Ace ang mukha neto. "Just let me go out of here! Just shut up! Better clean your mouth first!" sigaw niya na walang halong takot.

Hawak pa din ng lalaki ang baba ni Ace. Tinignan ni Ace ang mata ng lalaki. Nagulat ang lalaki sa expression ng mata niya, kaya agad na napaurong ang lalaki.

"Sh*t kung sino man kayo! t*ngna! pakawalan niyo ko!" sigaw muli ni Ace.

Pumasok pa ang tatlong lalaki dahil sa lakas ng sigaw niya

Pinilit ulit niya bumangon pero napahiga muli eto.

Malas, ngayon pa ayaw makisama ng katawan ko - Ace mind

Tinawanan ng tatlong lalaki ang pagpupumilit ni Ace na makatayo, ang isang lalaki nanatiling nasa isang sulok at nasindak sa mga titig kanina ni Ace.

"Hoy! Halika nga dito, bakit nandyan ka!" sigaw ng lalaking nakaitim sa kasamahan nilang lalaking nagulat ni Ace kanina.

"Sh*t! tang*na demonyo yan!" sigaw ng lalaki sa patakbong umalis.

Nagulat ang tatlo sa inakto ng kasama nila pero binalewala din nila iyon agad.

"Sino nag-utos sa inyo neto!" tanong ni Ace sa boses niyang kasing lamig ng yelo

"Ano kami tanga para sabihin namin sayo bata?!" sagot naman ng lalaking kalbo

"Just stop calling me a kid!!! it's kinda insulting me" galit na sagot ni Ace. Nanatiling nakayuko ang ulo neto habang nakaupo.

Nagsitawanan lang ulit ang tatlong lalaki. Lumapit ang tatlo sa kinaroroonan ni Ace at pinatayo ito saka itinali sa poste. Lumayo din agad ang tatlong lalaki saka nag-usap usap

"Sasaktan ba talaga natin 'to?"- lalaki 1

"Wala naman sinabi si Boss diba?!" -lalaki 2

"Mga tanga, hindi naman niya malalaman kung sinaktan natin o hindi diba kung walang magsusumbong." - lalaki 3

Naguguluhan pa din si Ace sa nanyayari, patuloy pa din siyang nag-iisip ng paraan upang maalis niya ang tali sa kamay at paa niya.

Gangster's In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon