Chapter 7: GID - Happy Birthday Zeon!

141 15 5
                                    

Chapter 7: Happy Birthday Zeon!

ACE's POV

Nakahiga pa din ako sa kama, nagising ako sa maliwanag na sinag ng araw na naaninag ko sa bintana.

"Ughhh.."

Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko pa din ang kirot neto mula sa pagkakatahi, mabuti nalang wala sila mom at dad kundi mabibisto ako. Akala ko katapusan ko na pero tama nga sila "MAHIRAP MAMATAY ANG MASAMANG DAMO"

*yawn*

Napalingon ako sa pinanggalingan ng hikab na yun at nakita ko si Lizette na mukhang kagigising lang. Pero teka bakit siya nandito?

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa bintana.

"Bawasan mo nga pagiging masungit mo huh Ace" sagot naman neto saka umupo sa kama ko.

Tinitigan ko lang siya at inialis din agad tingin ko sa kanya.

"Ah he-he sorry, Goodmorning Ace." sabi neto at agad na pumunta ng banyo. Mabuti naman at nakagets.

Kinuha ko ulit ang larawan na nasa ilalim ng unan ko, at hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon.

"Huli ka!-" panggugulat ni Lizette saka niya hinila ang picture at napunit ito.

Binitawan ko ang kalahati ng larawan saka crinumple at inihagis.

"Ah he-he" sagot neto "Oy! Ace sorry na huhu" sabi neto habang kinakalabit ako.

Napabalikwas lang ako ng higa, umagang umaga wag mo sabihing masisira na agad araw ko.

Isinandal ni Lizette ang ulo niya sa braso ko, "Oy Ace, umagang umaga! may dalaw ka ba!"

"Tsk"

"Sungit mo talaga, pero maiba ako, sino 'tong babaeng nasa picture?" sabi niya saka ipinaharap sa mukha ko ang itaas na piraso ng picture.

Agad akong bumangon, at nahulog sa kama si Lizette

"Ahhhh! ugh..araa..yyy" sigaw neto at hinimas himas pa niya ang pwetan niya

Hahahahaha funny kiddo

"Argh Ace!!!!!!!!!!, masakit yun ah!" reklamo niya habang nakacross armpa.

"Your fault tsk" sagot ko at kinuha ang dalawang piraso ng picture na napunit.

"Hoy Ace! siya ba yan?!" tanong neto habang nakataas ang kilay. Huh? pinagsasabi niya -_- ang gulo talaga ng mga babae

"Huh?! ang ano?" pagtatakang tanong ko.

"Omay! nagtagalog kananaman Ace! forever ka na sanang ganyan!" sigaw neto at mukhang tuwang tuwa. "Hindi ko na kailangan magpadonate ng dugo kung forever kang magtatagalog"

Tsk. May lahi ba kaming baliw? -_-

"Tsk" sagot ko saka inalis ang kumot na nakabalot sakin at tumayo.

"San ka pupunta?"

"Sa banyo? bakit sasama ka?"

"Bastos!" pasigaw netong sagot saka niya ibinato sakin ang unan at agad ko naman itong nasalo.

Inihagis ko sa kany pabalik ang unan at sakto naman sa mukha niya, agad akong dumiretso ng banyo at hindi ko na hinintay reaksyon niya.

*-

Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang isang gwapong nilalang na nakikita ko. Medyo mahaba na ang buhok, may pulang mga labi, makinis na mukha at magandang kulay ng kutis.

Gangster's In DisguiseWhere stories live. Discover now