Chapter 10: GID - Treasure the moment

126 12 6
                                    

Chapter 10: GID - Treasure the moment


BLAIRE's POV

Hindi ko alam kung paano papatigil sa pag-iyak tong batang 'to. Iniwan ba naman sakin, ni hindi ko nga kilala yung babaeng nang-iwan sakin, pero kilala niya ako.

Napakamot nalang ako sa ulo at pumunta sa harapan ng bata saka umupo para mapantayan siya.

"Shhhh wag kana umiyak please, baka akalain kasi nila pinapaiyak kita" sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mukha niya

"*sobs* ayaw *sobs* mo *sobs*ako samahan *sobs* sa *sobs*---"

"Zeona!" sigaw ng isang lalaki. Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na yun, parang pamilyar sakin yung babaeng kasama niya hmm.

Napalingon na din ang bata sa lalaking sumigaw at agad na tumakbo ito.

"Ooppsss teka--"

Agad na nakawala ang bata sa pagkakahawak ko at tumakbo papalapit sa lalaki.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Nakatingin lang ako sa kinaroroonan ng lalaki at ng bata.

"Beshy, bakit mo siya kasama?--"

"Ay pala--ka! Woaaaah is that you Sophi--"

Anak ng! di ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Sophia,wait baka namamalikmata ako siya ba 'to? O___O

"Yes beshy ako to, at bakit parang gulat na gulat ka?" sagot niya saka isinuot muli ang eyeglass niya.

"Hmm.. ah-ehh" napatingin ako muli sa kinaroronan ng lalaki at nung bata, magkayakap sila. Tsk drama, binalik ko muli ang tingin ko kay Sophia. "Ahh kasi-- may nagpabantay sa kanya na babae" sagot ko saka hinawakan ang strap ng bag ko.

Papalapit sa kinaroroonan namin yung lalaki kasama yung bata. Napalunok ako, sh*t ang hot niya--erase erase typo si Author, sh*t 'di ba siya yung.....

"Hoy beshy! kinakausap ka niya" bulong ni Sophia with matching siko sa tagiliran ko tsk, nagising ang diwa ko nasa harapan ko na pala yung lalaki. Napalunok muli ako, nakatingin lang siya sakin.

Why so cold? ang lamig ng mga mata niya. Tinignan ko yung bata at sinimangutan lang niya ako. Ibinalik ko muli ang tingin sa lalaki ngayong nasa harapan ko.

"Ah eh-- ano na ulit yun?" tanong ko pero kay Sophia ako napatingin. Nakagat ko nalang ang gilid ng labi ko aisssshh tignan mo nga naman kung sinuswerte.

"Siya ang kumakausap sayo baliw haha" sagot ni Sophia saka tinapik ako sa likod. "Una na ako, may aasikasuhin pa ako" dagdag pa niya.

"Tek--"

Ngumiti nalang siya saka tumalikod at naglakad. Napayuko ako at huminga ng malalim.

"Wait teka teka bitawan mo ko!" sabi ko, bigla bigla nalang kasi siyang nanghihila. Uso naba hilaan ngayon? bakit di ako nainform.

Arrghh patuloy lang siya sa paghila sakin, dibale buhat buhat ng isang kamay niya yung bata at yung isa naman hawak hawak niya kamay ko at eto hinihila niya ako.

"Hoy ano ba! bitawan mo ko sabi eh!" sigaw ko pero patuloy pa din siya sa panghihila sakin. Sinusundan kami ng tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin arghhhh nakakainis na 'to ah.

Sadyang bingi ba talaga to o nagbibingi bingihan. Pinilit kong makakalas sa pagkahawak niya sa kamay ko pero masyado siyang malakas.

"Isa! sinabing bitawan mo ako ano ba?!!!" mas malakas na sigaw ko. Tumigil naman siya at ibinaba ang bata pero hawak hawak pa din niya kamay ko.

Gangster's In DisguiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora