So.. yes. Andreau was casted as Gregorio del Pilar.

Now what?

Unlike history nut friend na si Barbs, kakaunti lang ang alam ni Zade tungkol kay Gregorio del Pilar. Napa-Google tuloy siya nang wala sa oras para maintindihan ang excitement ni Barbs sa (cameo) role ni Andreau. Sure, si del Pilar (or fondly called as Goyong) ay kilala rin sa tawag na The Boy General at Bayani ng Tirad Pass, isa sa mga pinakabatang heneral noong Philippine Revolution at Philippine-American War. 20 years old lang ito nung sumali siya sa grupo nina Andres Bonifacio. Later on, isa siya sa mga naging close ni Emilio Aguinaldo, until his death sa Tirad Pass nong 1899.

(She finally understood kung bakit nanood si Andreau ng The 300 weeks ago. May isang historian pala na nagsabing magkapareho lang ng tadhana sina King Leonidas at Goyong. Kung may Battle of Tirad Pass si del Pilar, Battle of Thermopylae naman kay Leonidas.)

May ilang actors na rin ang gumanap kay del Pilar sa ibang movies: sina Romnick Sarmienta (na super crush ng nanay niya) at si Felix Roco. After ilang buwan, mapapasama na rin sa listahan si Andreau Cortez.

After Googling about Andreau's character for almost two hours (pinanood pa niya ang ilang videos sa Youtube para sure), hindi pa rin niya naiintindihan ang excitement ni Barbs. Cameo role lang naman yan, Zades. Wag kang mabother. Hindi naman siguro makakaapekto sa image ni Andreau yan. Saglit lang siya don, promise. Sadyang gaga lang si Barbs sa lahat ng gawin ni Andreau kaya ganon 'yon makareact.

Pero.. for the nth time sa tagal ng pagkakakilala nila ni Andreau.. kinain niya lahat ng sinabi niya.

**

Nakalimutan niya ang del Pilar fiasco for a whole week dahil sa heavy workload niya. Hindi rin sila nagkita ni Andreau that week dahil busy ito sa pagfifilm ng indie film nito. (Sanay na siya sa ganitong schedule. Nabuhay naman sila sa twice a day calls and video messages.)

Dumiretso siya sa condo ni Andreau after work. She didn't bother to text him na pupunta siya, given na 'yon since it's a Friday at lagi siyang nag-oovernight sa condo ni Andreau kapag weekends. She suddenly felt giddy all over, at nawala agad ang pagod niya. Four years na sila as a couple pero hindi pa rin nawawala sa kanya yung shit seriously andreau cortez is my boyfriend am i dreaming no maybe holy triple shit he loves me??? feeling niya.

Tahimik sa condo pagpasok niya. Andreau told her four hours ago na wala na siyang lakad after ng shoot at babawi lang ng tulog. She was expecting na nasa sala ito at nagmamarathon ng kung anu-anong TV series (last time napasama rin siya sa Downton Abbey at sumakit ang tiyan niya sa kakatawa nang subukan ni Andreau ang Heightened Received Pronunciation ni Maggie Smith. Patago niyang nirecord 'yon para iregalo kay Barbs sa next birthday nito) pero nakapatay ang TV. Wala rin ang boyfriend niya sa kitchen at sa DVD collection room nito. Her last spot to check was his room. The door was slightly ajar, at napansin niyang buhay ang ilaw sa loob. Sigurado siyang gising si Andreau dahil never itong natutulog na bukas ang ilaw (he's sensitive like that).

"Andreau?" she called out as she took a peek inside his orderly room. Wala si Andreau sa kama o sa harap ng table nito. "Babe? You in here?"

"Wait lang!" she heard a muffled reply coming from the bathroom. Hindi talaga niya magets kung bakit nasa bandang dulo ng kwarto ni Andreau ang CR. Sanay kasi siya na malapit sa pinto ang CR, kagaya ng sa condo ni Marisse.


Zade dumped her bag on Andreau's bed, removed her shoes and walked towards the bathroom. Sobra siyang engrossed sa pag-iisip kung ano ba ang uunahin niyang ikwento si Andreau at dire-diretso siyang pumasok.

"Oh my god Andreau you gave no idea--" she stopped on her tracks, mouth agape. Nabara na sa voice box niya ang kung anumang sinasabi niya dahil.. holy shit she was too shocked of what's in front of her.

AnthologyWhere stories live. Discover now