"Anak, bagay sayo tong bag na'to!"sabi ni mama. Habang inaabot sakin ang hawak nyang kulay pink na bag.

"Ma, ayoko po ng kulay pink. Masyadong pagirl."

"Ayaw mo ng kulay? Miss!"tawag nya sa sales lady. Agad namang lumapit samin ang babae.

"Ano po yon ma'am?"

"Meron ba kayong ibang kulay ng ganitong bag?" Tanong ni mama.

Saglit na sinipat ng sales lady ang bag. At tumango sa kanila."Opo meron po."

"Dalhin mo samin at titingnan ko kung anong magandang kulay."sagot pa ni mama.

Ilag saglit pa. Dumating na ang sales lady at kulay green ang napili ni mamang kulay na bag na ibinili nya sakin. Pagkatapos umikot ikot pa kami ni mama sa iba't-ibang store. Marami syang pinamili na halos nahihirapan na kaming bitbitin.

"Tita!"

Sigaw ng boses lalaki. Nag mahanap namin kung sino nag mamay-ari ng boses na 'yon. Sumimangot ako.

"Oh ikaw pala Patrick!" Ani mama.

Lumapit sya samin. Habang ang dalawamg kamay nito ay nasa bulsa. Nakatshirt at maong short lang sya inirapan ko sya ng makita ko ang pagtingin nya sakin.

"Mukhang marami kayong bitbit. Tulungan ko na po kayo!"kausap nya kay mama.

"Kaya naming bitbitin ang lahat ng ito. Hindi namin kailangan ang tulong mo!" Sabat ko.


"Salamat patrick. Ang sakit na nga ng kamay ko sa  kakabitbit ng mga dala namin eh,"sagot ni mama.

Inis akong tumingin kay mama.
"Ma, naman!"

"Anak, hayaaan mo ng tulungan tayo ni Patrick. Para hindi tayo mapagod." Binaling ni mama ang tingin kay patrick. "Patrick. Wala ka bang pupuntahan?"tanong ni mama.

Umiling si patrick. "Wala po."

"Good. Sige pakibitbit na lang nito. Ililibre na lang kita ng pagkain."

Kinuha naman ni Patrick ang bitbit ni mama. Pero yung bitbit mo hindi nya kinuha. Inis na inis akong tumingin sa kanya.

"Gusto mo bang tulungan kitang magbuhat?"tanong nya sakin.

Umingos ako." Wag na! Hindi mo na nga kayang bitbitin yang dala mo eh,"

Pilyong tumingin sakin si patrick. At ngumiti. Umiwas tuloy ako hindi ko kasi kayang titigan sya ng matagal para akong matutunaw.

"Gusto mo buhatin pa kita eh, kayang- kaya kong buhatin ang lahat ng yan. Sumama kapa."

"Tse! Ang yabang mo!" Bulong ko.

"Ma, let's go!" Nauna na akong maglakad ayoko ng makipagtalo dyan sa lalaking yan.

"Akin na yan!" Hinila sakin ni patrick ang bitbit ko. Bigla nag init ng mukha ko ng mahawakan nya ang kamay ko.

"Bastos ka! Naghahawak ka ng kamay!"sabi ko.

Lumapit sya sakin. Na halos limang pulgada ang pagitan namin. Naamoy ko tuloy ang pabango nya. "Bastos agad! Paano kung halikan kita dito? Anong tawag mo don?" Sabi nya sa mahinang boses.

Dugdugdug. Bigla akong nabinge sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Nakakainis. May sakit na yata ako sa puso. Dahil siguro sa sakit na dulot ng pagkakahiwalay nila mama.  Nagkaroon na ako ng sakit.

"Distansya o ambulansya!" Nakataas ang kilay kong sabi.


Tinitigan  nya ako. Pagkatapos tumawa ito ng malakas.. lalo tuloy akong naasar.

"Tita pwede ko bang ligawan ang anak nyo?"sabi nya kay mama.

Tiningnan ko si mama. "Mama wag kang pumayag!"sabi ko.


Ngumiti si mama. "Sure pumapayag ako."

Bagsak ang balikat ko ng marinig ko ang sinabi ni mama. Nakakainis bakit nya ako pinagkakanulo. Huhuhu.

"Thank you  tita!"tipid na sagot ni patrick.

Yumuko sya at tumingin sakin.
"Oh pano ba yan! My angel  may ticket pass na ako para manligaw sayo."kumindat pa sya sakin.

Inirapan ko sya."ASA KANG SASAGUTIN KITA! NGAYON PALANG BASTED KANA!!" Sabay talikod ko. At nauna na ako sa kanila.







Buong maghapon akong nainis! Pakiramdam ko tumanda ako ng limang taon ngayon.dahil kay patrick. Wala na kasi syang ginawa  kanina kundi ang magpapogi sa harapan ko. As if naman natutuwa ako sa ginagawa nya. Hinagis ko lang ang mga pinamili namin ng makarating ako sa loob ng silid ko. at pasalampak akong humiga sa kama ko.

llang saglit pa. Naramdaman ko ang paglapit ni mama sa tabi ko. Sumimangot ako. si mama kasi kinukunsinti ang ginagawa ni patrick kulang na lang ibugaw nya ako kanina. Kainis!

"Anak galit ka ba sa'kin?"tanong ni mama.

Tumagilid ako sa pagkakahiga at sumimangot.

Wag ka ng magalit. Natutuwa lang ako sayo anak. Kasi may nagkakagusto na sayo. Tsaka tingin ko naman mabait si Patrick."

Pumihit ako paharap kay mama.
"Ma, wag mo namang pakialaman ang gusto ko. Ayoko muna ng boyfriend. Ayokong may umaaligid sakin."


"Pero anak. Kung ganyan ka ng ganyan hindi ako matatahimik at hindi ako magiging masaya."

Tinitigan ko sya. "Mama...

"Kapag nakikita kitang malungkot. Malungkot na din ako.gusto kong bumalik ka sa dating ikaw bernadette. Yung masayahin. Namimiss ko na yung dating ikaw.."sabi pa ni mama habang umiiyak.

"Sorry mama. . Hayaan nyo po pipilitin kong ibalik  yung dating ako sorry. Wag na po kayong umiyak."

Niyakap ako ni mama. Buti na lang hindi nya nakikita ang mga luha ko. Ang hirap kasi ng iniwan ni daddy saming dalawa ni mama. Hanggang ngayon tuloy hindi kami masaya. At hindi kami maka move on







THE FAMOUS PATRICK CORPUZ (18 ROSES SERIES)CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora