chapter 1

25.8K 658 9
                                    

"Bernadette!" Naririnig ko'ng tawag ni mommy mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. habang ako nasa loob ng kwarto, agad ko'ng pinagbuksan si mama ng pintuan,

"Mommy?bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko sa kanya," nakita ko kasing basa pa ng mga luha ang mga mata ni mommy,

"Bernadette," niyakap nya ako at muli ito'ng umiyak sa balikat ko,

"Mommy. Ano po ba'ng problema?" tanong ko kay mama habang hinimas ko ang likod nya. Hindi ko alam ang problema nya. pero ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya.

Ini-angat ni mama ang mukha nya at tumingin sa'kin,

"Bernadette, ang daddy mo. Iniwan na tayo. Pinagpalit nya tayo sa iba,


Nangilid na din ang luha ko.
"Mama.." yakap ko sa kanya, habang pareho na kaming umiiyak,

Si papa, iniwan kami. At pinagpalit sa ibang babae, nakaramdam ako ng galit sa kanya, akala ko kami na yung halimbawa ng perpektong pamilya, dahil masaya naman kami. Bakit ngayon biglang Nagbago ang lahat?

"Bernadette, babalik na tayo sa pilipinas, doon na tayo maninirahan. Doon tayo mag-uumpisang muli,"

Tumango ako kay mama, "okay lang po sa'kin," sagot ko. Kahit ang totoo labag sa kalooban ko ang umuwi ng pilipinas. Masaya na kasi ako dito sa amerika, narito ang mga kaibigan ko na lagi ko'ng kasama palagi,

Makalipas ng dalawang linggo, bumalik na kami sa pilipinas, doon kami magsisimula ng panibagong buhya ni mama, Nang kami'ng dalawa lang, simula kasi ng pinili ni papa ang kabet nya. Nagsimula na akong magalit sa kanya.. hindi lang sa kanya sa lahat ng kabaro ni papa galit ako. . Nag enrol ako sa school for girls, mas gusto ko don, wala ako'ng mga lalaking classmate na makikita. mas panatag ang buhay ko,

"Bernadette," tawag sa'kin ni mama. Habang nakaupo ako sa beranda ng mansyon namin, sabi ni mama ito daw ang bahay namin dito sa pilipinas, ngunit hindi na daw ako nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng memories sa bahay na'to. Dahil two years old pa lang ako ng tumira  kami sa amerika, dahil do'n naging bago sa'kin ang bahay na ito,

Nilingon ko si mama, napangiti ako ng may dala itong meryenda,

"Dinalhan kita ng meryenda," ani ni mama. umupo ito sa tabi ko,

"Thank you po ma," tapos kinuha ko ang isang plato na may lamang spagetti, at orange juice, "kayo po ba ang nagluto nito ma?"

Tumango si mama, "Oo, paborito mo yan diba?tanong ni mama,

Sumubo muna ako,"Opo mama, ang sarap mo talaga! Mag luto nito!" Sagot ko,

Tinitigan ako ni mama at huminga ito ng malalim,

"Anak, wag ka'ng magalit sa papa mo!"

Huminto ako sa pagkain at uminom ng juice, bigla ako'ng nawalan ng ganang kumain, kapag nababanggit si papa. Nasisira talaga ang buong araw ko, "Mama.. Wag na nating pag-usapan si papa."

"Pero anak—?"

"Ma, please!! Wag nyo munang ipilit sa'kin ang gusto nyo. Mahirap tanggapin na iniwan tayo ni papa at ipag-palit sa kabet nya, kaya kahit ano pang sabihin mo mama. Hinding-hindi ko sya mapapatawad!!"mariin ko'ng sabi kay mama, mabilis ko'ng pinunasan ang luhang nag babanyag tumulo sa mukha ko, "kailangan ko'ng maging matapang para kay mama,"sabi ng isip ko,


"Anak..."

Ngumiti ako kay mama. "Hindi ko sya kayang tanggapin ngayon. Kaya pakiusap ma. Kung gusto nating mag move on, kakalimutan natin si papa, okay ba yun ma?"

THE FAMOUS PATRICK CORPUZ (18 ROSES SERIES)CompletedWhere stories live. Discover now