chapter 2

18.3K 589 10
                                    

Sta clara Academy;

Nakangiti ako habang nakatingin sa arko ng school. Sta. clara Academy school for the girls. Pinagmasdan ko pa ang mga estudyanteng pumapasok sa loob ng school. Puro mga mababae.

"Mukhang magiging masaya ang buong taon ko. Walang lalaki. Less stress, makakapag concentrate ako sa pag-aaral." Bulong ko pa, Abot-abot ang ngiti ko ng makapasok ako sa loob sobrang ganda kasi ng school. Lahat ng mga estudyante mukhang mga mababait. at maria clara kung kumilos, mga madre kasi ang nagtuturo sa loob ng school.
"Bagay talaga 'to sa'kin."bulong ko pa. Hinanap ko ang section Genesis. Ang lahat kasi ng section dito ay kinuha sa bible. Nakakatuwa pa nga dahil bawat school may mga qoutes or message na galing sa bible. Mas lalo tuloy ako'ng natuwa. Dahil magiging tahimik ang pag-aaral ko sa buong taon.

"Ahm.. sister dito po ba ang section genesis?" Tanong ko sa madre na kaharap ko. Nabasa ko naman ang nakadikit sa taas ng pintuan. Gusto ko lang makasigurado.

Ngumiti sa'kin ang madreng kausap ko."Yes, bago ka lang dito?"tanong nya.

Tumango ako at ngumiti.
"Opo sister,"tipid ko'ng sagot ko. Ano ba yan pati pagsasalita ko parang ang bagal-bagal parang nag iislow mo. Dahil sa hina at hinhin ng boses ng madreng kausap ko,

Ngumiti s'ya sa'kin, "welcome to  Sta Clara Academy School. God bless you!"

"Thank you po sister," may pagyuko pa ako,

"Sister Anne, ang itawag mo sa'kin, kung sa Genesis ka. Isa ako sa magiging teacher mo."

"Hello po sister anne. Ako nga po pala si Bernadette clinford. Nice meeting you po"

"Nice meeting you din bernadette.. ahm.. Maiwan muna kita ha! May pupuntahan lang ako."paalam ni sister Anne,

Tumango ako. "Sige po. Thank you!"

Tapos tinanaw ko si sister Anne. Habang nakangiti ako. Pagkatapos pumasok na ako sa loob ng School. Clean and proper ang mga classmate ko. Mas lalo tuloy ako'ng natuwa dahil ito yung gusto ko'ng school yung tahimik at walang iistorbo sa pag-aaral ko. Hindi katulad sa ibang school na may lalaki. Ang iingay at ang gugulo ng mga estudyanteng ganon. Mabuti na lang at tama ang napuntahan ko'ng school.

Ilang minuto pa ang lumipis napuno na ang buong klase namin ng mga estudyante. Pagkatapos isa-isa kaming nagpakilalang lahat sa gitna. Nagkaroon na din ako ng bagong kaibigan at halos sila mababait.

Seryoso akong nakikinig sa itinuturo ng teacher namin ng biglang may lumapit sa teacher namin na lalaki. na may hawak na mga bulaklak. Nakangiti ang lahat ng makita iyon. Siguro manliligaw 'yon ng teacher namin.

"Who is Bernadette Clinford?"announce ng teacher namin sa buong klase.

Bigla ako'ng napatayo at kinabahan. Ano kaya ang naging kasalanan ko? "Yes, ma'am!"Takang tanong ko.

"Come here!"nakangiting sabi ng teacher namin,

Tumango ako at lumapit sa teacher namin, "Bakit po ma'am?"

"This is for you!"nakangiti ang teacher namin habang inaabot sa'kin ang punpun na rosas kulay puti iyon.

"Sa'kin po ba talaga ito?" Ulit ko pa.

Tumango ang teacher namin. "Basahin mo ang card miss clinford."

Agad ko namang binasa ang nakalagay sa card. To miss bernadette clinford. Hope you like it. From; secret admirer.

"May secret admirer ka pala miss clinford."nakangising  sabi ng teacher namin.

Naguguluhan ako'ng bumalik sa upuan ko. Sino naman kaya ang magbibigay mg bulaklak sa'kin. Simula ng bumalik kami ng pilipinas hanggang sa  lumipat ako school. Wala pa akong nakikitang lalaki. Maliban na  lang sa driver namin. At guard ng school. Matatanda sila para maging secret admirer. Isa pa kapag gwapo daw ang tawag do'n ay secret admirer. Kapag pangit daw staker. Kahit ilang beses ako'ng mag-isip wala talaga akong matandaan na nakilala akong lalaki. Aish, ayoko ng ganito!

THE FAMOUS PATRICK CORPUZ (18 ROSES SERIES)CompletedWhere stories live. Discover now