chapter 3

15.9K 540 25
                                    

Bernadette POV

Araw ng sabado ngayon. Kung kaya't tanghali na ako nagising. Paglabas ko mula sa silid ko. Nabungaran ko si mama sa dinning area. Na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sa kanya. "Goodmorning mama."sabi ko at hinalikan ko sya  pisngi.

"Goodmorning anak. Kumain ka na! At pupunta tayo sa mall ngayon. Magsha-shopping tayo!"

Hinila ko ang upuan na nasa tapat ng lamesa at umupo ako don. At nag umpisa na akong kumain."Mama, ikaw na lang ang magshopping. Ayokong sumama."

"Bernadette anak, masyado ka ng OA sa pag eemo ha! Hindi magandang ikulong mo ang sarili mo sa galit mo. at sa pagiging bitter mo."

Huminto ako sa pagkain. At tumingin kay mama. "Hindi po ako bitter. Ayoko lang talaga. Tinatamad kasi ako." Alibay ko.

Pinagmasdan ako ni mama. Ako naman umiwas ng tingin. Ayoko talagang lumabas ng bahay at makisalamuha sa  iba. Mas gusto kong magkulong na lang sa silid ko.

Bumuntonghininga si mama.
"Hindi ka naman ganyan dati anak. No'ng nasa Amerika pa tayo. Kapag nakikita kitang ganyan mas lalo akong nalulungkot. Pakiramdam ko wala akong kwentang Ina. Dahil hinayaan kong pati ikaw madamay sa problema namin ng daddy mo. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon sayo anak."sabi ni mama. Nakita ko ang luhang pumapatak kay mama.

Saglit akong napaisip. Masyado na ba talaga akong OA? Masyado na ba akong bitter. Kaya hindi ko namamalayan na imbes na bigyan ko ng kasiyahan si mama. Mas lalo ko pa pala syang sinasaktan sa ginagawa ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Niyakap ko si mama.

"Mama, sorry! Hayaan nyo hindi na ako magiging OA. wag ka'ng malungkot."sabi ko pa.

Pinahid ni mama ang mga luha nya sa pisngi at pilit na ngumiti kumain kana at gagala tayo!" Ulit pa nya.

Tumango ako. At ngumiti. "Sige po!"muli akong bumalik sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Habang si mama ay pinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo.

"Ma'am,"

Napalingon kami ni mama ng marinig namin ang tawag ng katulong namin.

"Pinabibigay daw po kay ma'am bernadette."iniabot kay mama ang pumpon na mga bulaklak.

"Salamat po yaya!" Sagot ni mama. Kinuha nya ang bulaklak at nakangiting nakatingin sakin.
"Anak, may secret admirer kana!" Masayang sabi ni mama. Matapos basahin ang card na nakadikit sa bulaklak.

"Ma, itapon nyo na po yan!"pakiusap ko kay mama.

"Bakit mo itatapon? Ang ganda-ganda kaya. Ang sweet naman ng admirer mo anak." Ani mama.

Pailing-iling akong nakatingin kay mama. Sa itsura nya. Kilig nakilig sya para tuloy teenager si mama. Muli ko na lang pinagpatuloy ang pagkain. At hinayaan ko na lang si mama ang magsalita ng magsalita. Si mama kasi hindi na makamove on sa nagpadala ng bulaklak. Ilang beses na akong tinanong ng tinanong. Nakakainis na nga eh,
Kaya ng matapos akong kumain. Hindi pumayag si mama na hindi ko abutin ang bulaklak. Hindi pa sya nakontento. Nagselfie pa ako hawak ang bulaklak. Yamot na yamot ako kay mama.

"Anak, ipopost ko ito sa facebook mo ha!"tuwang-tuwang sabi ni mama.

"Tss, kayo po ang bahala mama. Sige po maliligo na ako."

Tumango lang sakin si mama. Dahil abalang abala ito sa kakatingin ng picture nya sa cellphone nya. Gusto kong mainis at maasar kay mama. Pero dahil nakikita kong masaya sya. Hinahayaan ko na lang. Ang mahalaga sakin. Masaya si mama.


MALL

"Anak, dito tayo tumingin ng bag. Dali maganda dito!"sabi mama.

Sumunod na lang ako si mama talaga parang bata. Sobrang masayahin nya.

THE FAMOUS PATRICK CORPUZ (18 ROSES SERIES)CompletedWhere stories live. Discover now