Chapter 21: Big Fuss

Start bij het begin
                                    

Magaling ang pagkakapili ng sindikato sa bodegang gagamitin. Masyadong tago ito para sa mga ordinaryong tao kaya sa unang tingin ay aakalain mong wala lang ito. Dahil medyo marami-rami ang mga kalaban nila at hiwa-hiwalay pa, they just can't barge in and start a havoc. Kailangan nilang makapasok sa safest na paraan dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hawak pa rin ng sindikato ang kapatid ni Jeremy. They can't let them harm the victim. They have to ensure first the safety of the subject before they do something drastic.

Pumunta si Jade sa may bandang likod ng bodega kung saan, ay may tatlong tao lang doon. Mabilis niya itong napatumba at agad na siyang pumwesto.

Inactivate na niya ang expandabelt niya at ganun rin ang ginawa ni Saich and in a few minutes ay inaakyat na nila ang pinakatuktok ng bodega. Mula sa taas ay kitang-kita nila ang mga tao sa loob. Enclosed ang lugar at walang kahit na anong bintanang pwedeng gamitin bilang daanan kaya kailangan pa nilang gumawa ng butas para makapasok sila. Lumipat sila ni Saich sa pwestong walang katao-tao at agad ginamit ang sharpin para makagawa ng butas na papasukan nila. 'Sharpin' is a small gadget which takes the shape of a pin. It looks like an ordinary pin kung iyong titingnan but it can penetrate through any kinds of wall even metals. Very handy ito gamitin especially during missions na kailangan mo ng immediate way para makapasok sa isang location.

Nang makagawa ng sila ng butas ay agad nang pumasok ang dalawa. Agad na bumaba si Saich sa loob para matingnan ang dami ng kalaban at si Jade naman ay agad gumapang sa tuktok pa rin ng bodega gamit ang gluey gloves niya para lagyan ng drop dead ang kisame. Nilagyan niya ang bawat sulok ng bodega para agad na madivert ang attention ng mga kalaban kapag sumabog na ito. Nilagyan niya rin ng 'cry' ang paligid ng drop dead para kung sino man ang matamaan nito ay di agad makakakita. 'Cry' is like a tear gas in a powdered form. Kahit kunting patak lang ang gamitin mo ay garantisadong makakagawa ng malaking damage sa kung sino mang taong matatamaan nito.

Nang matapos na niyang lagyan ang lahat ng sulok ay agad siyang bumaba para puntahan ang kinaroroonan ni Saich.

"In position." Narinig niyang sabi ni Saich sa kabilang linya.

"In position." Sabi rin niya dito.

Nakita niya itong nakapwesto sa left side ng bodega. Nakatago ito sa mga kahon na nakasalansang at nakatambak doon. Si Jade naman ay nakapwesto sa may kanang bahagi ng bodega kung saan mas malapit sa kinaroroonan ng target nila. Nakita niya ang kapatid ni Jeremy na nagngangalang Nikki na nakatali at may piring. Nakatali ang dalawang kamay nito at pati na rin ang mga paa. Kitang-kita ni Jade ang mga galos, pasa at sugat nito sa murang katawan. Halatang pinahirapan ito ng mga kumuha dito at di man lang tinatrato ng maayos. Agad nagngitngit ang kalooban niya. Gustong-gusto na niyang sumulong sa kinaroroonan nito para pakawalan na ito at para bigyan ng leksyon ang mga kumuha dito. Di man lang ito naawa at pati bata ay pinahihirapan.

Tinignan niya ang direksyon ni Saich at nakita niyang madilim rin ang mukha nito. Tiyak na ganun rin ang iniisip nito ngayon. Ang bigyan ng leksyon ang mga gumawa nito sa bata.

"Red Virus, secure the safety of the victim. I repeat secure the safety of the victim. Kunin niyo ang bata at pagkatapos ay umalis na kayo. Kami na ang bahala. We're on our way." Narinig ni Jade na utos sa kanya ng Tito Ren niya.

"Copy." Agad niyang sagot dito. Sinenyasan niya si Saich at agad itinuro ang nasa taas.

"Agent Sky, right after the first flash kunin mo ang bata at dumaan kayo sa taas. Gumawa na ako ng butas doon kanina. Dun kayo dumaan. It's not safe outside. Ako na ang bahala sa mga tao dito. Do you copy?" Instruct niya dito.

"Pero---"

"No buts! Just do what I say!" Mariin niyang sabi dito.

Narinig niya itong nagbuntung-hininga at pagkatapos ay pumayag rin.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu