29 --- The Twins' Curse

21K 1K 48
                                    


"Kilala ko siya pero hindi ko alam na .... dalawa sila."

________ _ _ __

HALOS HINDI na ako makahinga hanggang sa may humatak kay Lucas palayo sa akin. Sobrang nanlalabo ang paningin ko at patuloy na nanginginig ang katawan ko hanggang sa may naaninag akong nagbibigay sa akin ng isang baso ng tubig. Ininom ko ito nang ininom at pilit na huminga nang maayos.

"Ayos ka na ba?" Napatingin na ako kay Damasen na nasa harapan ko. Saka nabaling ang atensyon ko kay Ares na hanggang ngayo'y pinipigilan ang nagwawalang si Lucas. Paulit-ulit niyang sinisigaw na papatayin na ako. Na dapat na akong mawala. Na isa akong malaking sagabal.

"A-Ayos na 'ko," tugon ko sa tanong ni Damasen. Ibinigay ko sa kanya ang baso na kanina ko pa palang hawak.

Sa una kong pagtayo paalis sa kama ay kamuntikan na kong bumagsak dahil sa mga nanghihina kong tuhod. Agad ko namang naiayos ang paglalakad ko at nakalapit na ko kina Ares. Sa ngayon ay medyo kalmado na si Lucas ngunit hawak-hawak pa rin siya ni Ares.

"Tama na, Ares. Pakawalan mo na siya." Wika ko sa kanya.

Tatanggalin ko sana ang kamay niya sa pagkakahawak kay Lucas ngunit tinabig ni Ares ang kamay ko at masamang tumingin sa akin.

"Muntik ka na niyang patayin tapos gaganyan-ganyan ka? Pwede ba, Leah, wag kang tanga! Paano kung sugurin ka na naman niya. Paano kung hindi na lang basta sakal ang gawin niya?" Halos hindi ako nakagalaw noong narinig ko ang mga sinabi sa akin ni Ares. "Pabayaan mo ko rito, papakawalan ko siya kapag maayos na siya." Tinuon niya uli ang kanyang atensyon kay Lucas na muling nagwala at nagsisigaw noong nakita ako.

Umatras ako at sa paglingon ko, nakalahad ang kamay ni Damasen sa akin.

"Baba muna tayo." Nakangiti niyang winika.

Tumango lamang ako.

Inalalayan niya ako hanggang sa makababa kami. Umupo ako sa sofa at ganun din naman si Damsen. Katahimikan ang pumangibabaw sa amin na nasasapawan ng maingay na pagsigaw ni Lucas sa kwarto.

"Anong nangyari kay Lucas? Bakit nagkaganito siya? Anong ginawa sa kanya ni Lucifer? Bakit gusto na naman niya akong patayin?" Sunod-sunod kong tanong.

Ilang segundong tahimik si Damasen ngunit sinagot din niya ang aking mga tanong.

"Nagpaiwan si Lucas. Noong natalo na namin si Elvira at si Lucfier ang natitira, nawalan na kami ng pag-asa na makakaligtas kami. Napakalakas ng hellhound niya, sugatan na si Pandora, nanghihina na ako gayon din naman si Lucas." Nakatingin ako sa kanyang mga mata at doon palang ay nakikita ko na kung gaanong nakakatakot ang nangyari sa kanila. "Ayaw namin umalis. Alam naming hindi niya kakayanin. Pero ginamitan niya kami ng kapangyarihan. Siya na mismo ang nag-alis sa amin doon. Ibang dimensyon ang kinalalagyan ng tirahan ni Lucifer at hinding-hindi kami makakapasok sa pangalawang beses. Hindi na naman siya nabalikan."

Tumingin sa akin si Damasen, "Dalawa lang ang maaring dahilan ng pagkakaganito ni Lucas. Una ay dinagdagan ni Lucifer ang kapangyarihan ng hybrid sa katawan ni Lucas at ang pangalawa ay, maaring mas lumakas lang talaga nang hybrid dahil nalalapit na ang ika-isangdaang araw niya sa katawan ni Lucas." Hinawakan ni Damasen ang magkabilang balikat ko. "Leah, kailangan na nating magmadali."

Tumango ako habang hinahabol ang hininga ko.

"Kilala ko na kung sino ang may hawak ng pang-anim at pang-pitong libro." Agad na may kinuha si Damasen sa kanyang bulsa. Inihagis niya ang buhangin sa ere at may nabuong larawan mula rito.

"Kilala ko siya," tanging sabi ko. "Pero hindi ko alam na .... dalawa sila."

Tumango si Damasen at muli siyang nagsalita, "Ang nakikita mo sa kaliwa ay si Minzy, isang half-human at half-demon. Ang nakikita mo sa kanan ay si Mint, isang half-human at half-angel. Kambal sila at mukha man silang maamo, wag pa rin tayong magpapaloko." Tumingin sa akin si Damasen. "Iyon lang ang nakuha kong impormasyon sa kanilang dalawa."


Napatingin ako muli sa imahe nilang dalawa. Mahaba ang buhok ni Minzy at mas dark ang kulay kaysa sa maikling buhok ni Mint. Mas maputla rin ang kutis ni Mint at para bang walang ekspresyon ang mga mata niya. Hindi katulad ni Minzy. Parehas sila ng marka sa kanilang leeg ngunit mas maliit nga lang ang kay Mint.

"Nakilala ko na si Minzy, mabait naman siya at parang kailangan niya ng tulong. Maaring hindi niya gusto ang pagiging half-human at half-demon niya." Pagtatanggol ko sa kanya. "Pero ... hindi ko pa nakikilala si Mint," wika ko muli.

"Huwag tayo papakasigurado. Alam mo ba kung paano natin makikita si Minzy? Kailangan na nating-" Hindi naipagpatuloy ni Damasen ang kanyang sasabihin at pareho kaming napatingin sa malaking pintuan noong may kumatok dito.

Kumatok na naman siya.

Isa.

Dalawa.

Tatlong katok.

Tumayo na kami ni Damasen at binuksan ang pintuan.

Hindi na namin kailangang hanapin kung nasaan ang kambal...

Narito na sila sa harapan namin.

Nakatingin nang deretso ang walang ekspresyon na mga mata ni Mint sa akin habang si Minzy naman ay nakayuko at para bang kinakabahan. Magsasalita na sana ako hanggang sa naunahan ako ni Mint.

"Kung gusto nyong malaman kung ano ang gagawin nyo para makuha ang dalawang libro, sumunod lang kayo sa amin." Nagsimula na siyang maglakad.

Tahimik pa rin kaming dalawa ni Damasen at hindi pa rin alam ang gagawin. Hindi pa rin kami gumagalaw sa kinatatayuan namin kahit na ilang hakbang na ang layo sa amin ng kambal.

Lumingon muli si Mint sa amin habang taas pa rin ang kanyang noo at tuwid na tuwid ang kanyang pananalita. Si Minzy naman ay nakatalikod pa rin at nanatiling nakayuko. Mukhang sa kanilang dalawa, mas may lakas ng loob at tapang si Mint.

"Madali lang naman. Isang kundisyon lang." Wika pa niya muli habang nakabungad sa amin ang walang ekspresyon niyang mukha. "Susunod ba kayo o hindi?" At tinaasan na niya kami ng kilay.

Ngumisi siya noong nakita niyang susunod na kami sa kanila.

At sa pagkakataon na iyon, hindi ko pa alam na papasok ako sa isang nakakagulo ng isipan at nakakakonsensyang desisyon.

________ _ _ __

A/N:

Agad ko pong ipopost ang susunod na update (this week). Ita-type na langsss at ipopost. Halos isang buwan di nakapag-ud huhu sorry. Ubos na ubos na time and energy ko sa pag-asikaso sa OJT namin at sa finals namin. Pero babawi akoooo! Thank you, guys! <3


Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon