28 --- Betrayal in Red Suit

23.3K 1.1K 145
                                    




"Dahil nasa harapan ko mismo si Lucas. Nasa mismong kama ko siya. Nakaharap siya sa akin at nakatingin lang sa akin."

________ _ _ __

NOONG GABI RIN na iyon ay nagising ako ng eksaktong alas-tres ng madaling-araw. May narinig kasi akong malakas na sigaw. Tumayo ako agad at ang una kong ginawa ay ang sumilip sa bintana. Napatakbo ako palabas ng kwarto nang nakakita ako ng nakahigang babae sa may gate ng bahay ni Lucas. Hindi ko mamukhaan kung sino ito ngunit alam kong kailangan niya ng tulong.

Sumunod na rin sa akin si Ares noong pababa na ako ng hagdanan.

"Anong nangyayari? Sino 'yung babae sa labas?" Tanong niya habang kami'y tumatakbo papunta sa pintuan.

Hindi na ako nakasagot dahil sa pagmamadali. Binuksan ko ang pinto at patakbo ko pa ring nilapitan ang nakahigang babae sa may harapan namin. Nilapitan ko pa siya nang husto. Sinuri ko ang kanyang itsura. Mahaba ang kanyang buhok at nakasuot lamang siya ng pantulog. Napansin ko rin ang kanyang duguan na paa. Wala siyang suot na kahit anong sapin sa kanyang mga paa. Nakaharang ang kanyang buhok sa kanyang mukha kaya noong hinawi ko ito'y nakilala ko na kung sino siya.

"Siya yung nurse mo di'ba?" Tanong muli ni Ares na nakatayo lamang sa may tabi ko.

Napatingin ako sa maliit na marka sa may leeg niya. Siya nga yung nurse ko sa ospital.

Dahan-dahan akong tumango, "Oo nga. Ngunit bakit siya narito?" Tugon ko sa kanya.

Bubuhatin na sana siya ni Ares ngunit bigla siyang nagising at agad na lumayo sa amin. Takot na takot niya kaming tinitigan. Palingon-lingon din siya na para bang nagtataka kung nasaan siya.

"A-Ayos ka lang ba?" Wika ko sa kanya.

Pero noong tumingin ako sa kanyang mga mata ay mayroon na naman akong napansin na kakaiba sa kanya. Ang isa niyang mata ay itim na itim at ang isa ay puting-puti.

Ano kayang ibig sabihin nito?

Niyakap niya ang sarili niya at muli na namang naging malikot ang kanyang mga mata. Titingin siya sa akin. Titingin siya kay Ares. Titignan niya ang paligid. Titignan niya ang kanyang sa mga braso at mga paa. Napansin ko ring kinapa niya ang maliit na marka sa kanyang leeg.

"Mali. Hindi ako dapat nandito. Mali. Ano bang ginagawa ko?" Paulit-ulit niyang bulong sa sarili niya. Ilang sandali ay tumingin na siya sa amin, "Pasensiya na. Naglalakad lang talaga ako minsan habang tulog. Pasensiya na talaga."

Iyon lang ang kanyang sinabi sa amin at tumakbo na siya palayo.

Nakalayo na siya ngunit nasa isipan ko pa rin ang duguan niyang mga paa, ang marka sa leeg niya at ang kanyang mga mata.

"Ano siya?" Tanong ko kay Ares pagkaraan ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Half-human at half-demon." Matipid niyang sagot at tumingin-tingin siya sa paligid. Naramdaman ko agad ang mahigpit niyang paghawak sa braso ko. Napatingin ako sa kanyang mga mata. "Delikado. Bumalik na tayo sa loob." Ibinulsa niya ang isa niyang kamay sa kanyang suot na pantalon at ang isa namang niyang kamay ay nakahawak pa rin sa braso ko.

Sumunod lang ako sa paghatak niya sa akin.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong nurse na 'yon. Half-human at half-demon? Nakakaawa naman siya ... maari kayang mailigtas-

"Iba siya kay Lucas. Si Lucas ay sinaniban ng hybrid sa katawan. Iyong nurse naman ay pinanganak nang ganun. May demonyo na talaga sa katawan niya mula pa noon. At wala na tayong magagawa para iligtas siya." Lumingon siya sa akin. "Wala na siyang pag-asa. Nakatanim na ang dilim sa pagkatao niya bago pa siya ipanganak. Nasa kanya na lamang kung paano niya kokontrolin ito."

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon