19 --- Angels & Demons

27.2K 1.4K 269
                                    

"Babalik ka rin sa amin, Leah. Sigurado akong babalik ka."

________ _ _ __

DAHAN-DAHAN kong pinihit ang doorknob at maingat akong pumasok sa loob ng bahay nila Keanu. Akala ko'y mag-isa lamang ako roon at nasa sari-sariling kwarto na silang dalawa ngunit bumungad sa akin si Keanu na nakatingin nang deretso sa mga mata ko. Mukhang seryosong-seryoso siya.

Umiwas ako ng tingin bago pa man niya tuluyang mabasa ang nasa isipan ko.

"Hindi ba, ang sabi ni Keanu sa'yo ay pareho sila ng kapangyarihan ni Lucas. Na kaya niya ang mga kayang gawin ng isang hybrid. Sa tingin mo, totoo iyon? Ang tanging kapangyarihan ng mga anghel ay ang healing, paglipad, pangdepensa at iba pa na tanging sa liwanag lang ang may kakayahan na gawin. Sa tingin mo, hindi ka pinaglalaruan ng mga yan?"

Paulit-ulit mula pa kanina ang sinabi na iyon ni Pandora sa akin. Hindi ko talaga akalain. Ni hindi ako nagtaka sa lahat. Sumunod lang ako sa agos.

"San ka galing?" Nakangiting tanong ni Keanu ngunit nakatingin siya sa kamay ko. Mukhang nalaman na niya na wala na ang erykai sa palad ko.

At ngayon, ni hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga ngiti niya o hindi.

"May binisita lang ako na kakilala," tugon ko.

Tumango siya at nginitian ako uli.

"Kumain ka na ba?" Hahawakan sana ni Keanu ang balikat ko ngunit umiwas ako sa mga kamay niya.

Wala akong binigay na sagot kay Pandora. Hindi ko sinabi kung sino ang pinaniniwalaan ko ngunit sa lahat ng sinabi ni Pandora, mukhang totoong-totoo ang lahat.

Nagtaka si Keanu sa kinikilos ko, halatang-halata sa mukha niya.

"May problema ba?" Muli niyang tanong.

"Wala. Sige, mauna na ako."

Nilagpasan ko siya at tuloy-tuloy ako sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pinto at dali-dali akong humiga sa kama.

Minarkahan ako ng liwanag at dilim noon. Ako lang ang makakagamit sa sampung libro. Makapangyarihan ito at gagawin nito ang gusto ko. Ako lang ang pag-asa ni Lucas. Ako lang din ang kailangan nila Keanu. Matagal na akong binabantayan nila Karen at Keanu. Matagal na nilang alam, ngunit wala silang sinasabi sa akin. Ang sabi rin ni Pandora ay nagsinungaling sa akin si Keanu tungkol sa kapangyarihan niya. Iyon ang mga naging malinaw sa akin sa pag-uusap namin ni Pandora.

Kung kayang gawin ni Keanu ang mga kakayahan ng hybrid ... kung kaya niyang gawin ang kakayahan ng mga nasa dilim.

Totoo bang anghel si Keanu?

Unti-unti akong pumikit at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Sa pagdilat ko ay muli kong nakita ang sarili ko sa isang magulong panaginip.

Nakatayo ako sa harap ng isang malaking pintuan. Alam ko kung nasaan ako. Alam kong nasa bahay ako mismo nina Keanu. Binuksan ko ang pinto na iyon. Madilim sa loob ngunit sa ilang segundo ay biglang gumana ang mga ilaw.

Humakbang ako papasok at napalingon ako sa pintuan noong biglaan itong nagsara. Bago pa man akong makaharap muli ay sunod-sunod na malakas na tahol ang narinig ko.

Nanlalaki ang mga mata ko noong nasa harapan ko ang isang malaking itim na aso. Parehong aso na nakita ko sa labas ng bahay nila Keanu.

Tahol ito nang tahol sa akin at para bang lalapain na ako sa kahit anong oras.

Napasandal ako sa pinto habang takot na takot pa ring nakatingin sa aso. Ngunit mas kinagulat ko ang paglitaw ng isang pamilyar na tao mula sa sulok ng kwarto. Lumapit siya sa aso at hinaplos-haplos ito. Kumalma naman ang aso.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon