This time, binaba na ako ni Tripp sa lapag. Humarap siya sa akin tapos hinawakan niya yung magkabila kong balikat. "Alam mo, Zyril Perez, two years ago pa nung binasted ako ni Shaira. Ang gwapo ko lang, sa tingin mo magmumukmok ako ng sobrang tagal para lang sa ganun?"


"Aish, so ganon? Hindi mo din siya sineryoso? Playboy ka pala eh!"


Medyo nangiti siya kasi tinulak ko siya. "Playboy pa ba ako kung sa'yo lang naman ako seryoso?"


O__________O


"E-ewan ko sa'yo! Tara na nga!"


--


"Ayan na oh," sabi ni Tripp. Nandito na kami sa bahay nila Shaira, kaninang nagddrive siya, ang awkward namin! Hindi ko naman kasi alam kung paano ako magrereact sa mga sinabi niya kanina! Tama nga yata si Drake, ang flirt ko na!!


Bumukas automatic yung gate nila kaya naglakad na kami... Well, okay. Medyo natanaw ko na si Shaira dun sa pool area, naka two piece nakakaiyak!


Medyo napaatras naman ako. Hindi yata ako na inform na dapat naka swimming attire!!


"Oy, bakit ka huminto?" sabi ni Tripp, nabunggo ko kasi siya dahil napahinto nga ako.


"Tripp... dapat ba may dala din akong... uhm, two piece?" sabi ko sabay lunok. Hindi naman ako super demure, no! Naka pag two piece na naman ako kasi required yun pag nagbbeach kami nila mommy pero iba to! Hindi ko yata kayang magsuot ng kakapiranggot na tela sa harap ni Drake! Baka atakihin ako sa puso!


Tumango siya. "Oo? Di ba nasabi naman na magsswimming tayo?"


"Hala! Uuwi na lang ako!" sabi ko sabay talikod at naglakad na ako. Bukod sa wala akong dalang two piece at naka two piece si Shaira, naka board shorts lang si Drake! Jusko naman!


Hinabol ako ni Tripp. "Uy, Zy, okay lang naman kahit yan na lang suot mo," sabi niya sa akin sabay turo sa damit ko. Nakasuot kasi ako ng denim shorts na maigsi na din, white na sando at flip flops. Aba eto naman kasi talaga ang usual attire ko!


"Eh, kahit na. Pano ko uuwi? Alam mo namang umuwi ako ng basa?"


"May extra shirt ako, gusto mo yun na lang isuot mo ngayon para yan na lang ulit ang isuot mo pag uwi mo?" sabi niya sabay bukas sa bag niya tapos nilabas niya yung shirt niya na Batman. *O*


Hinawakan niya yung kamay ko tapos pumasok kami sa bahay nila Shaira. Aba feel at home si Tripp! Hindi na nagpapaalam, pasok na lang ng pasok!


"Bihis ka na, hihintayin kita dito..." sabi niya tapos isinarado niya yung pinto. Guest room pala 'to. Nagbihis na ako ng shirt ni Tripp, mahaba naman siya, mukha tuloy akong naka dress. =___=


Lumabas na ako, nung nakita ako ni Tripp, napangiti siya ng sobra.


Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Where stories live. Discover now