Dahan dahan akong tumayo, medyo matagal na kasi akong nakaupo dito kaya namanhid na yung paa ko.


"A-aray," sabi ko nung patayo na ako.


Bigla namang lumapit si Tripp sa akin. "Uy, okay ka lang?"


Umiling ako. "Namamanhid yung paa ko..." sabi ko habang medyo pumipikit yung mata ko. Ang sakit kasi!!


"Aish, tara na nga," sabi niya tapos lumuhod siya ng nakatalikod sa akin. "Ano? Sakay na..."


Medyo ayokong sumakay. May memories kasi kami ni Drake ng piggy back ride eh T^T


"Oy, sasakay ka ba o hihilahin kita?"


"Eto naman! Oo na sasakay na!"


Sumakay ako sa likod niya tapos sinakal ko siya. "H-hoy! Bakit mo ako sinasakal?!"


"Ewan ko sayo! Maglakad ka na nga!" sabi ko tapos ipinatong ko na lang yung ulo ko sa balikat niya. Medyo malayo ang pathway mula garden hanggang gate kaya medyo malayo layo lalakarin ni Tripp. Bayaan na nga siya. Ang tagal niyang dumating eh, nakausap ko pa tuloy si Drake.


Nag usap muna kami ni Tripp habang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya. Ewan ko kung ano ba ang dala niya, yung motorbike niya ba o yung kotse. Sana wag yung motor T^T


"Tripp."


"Hmm?"


"Kwento ka nga tungkol sa inyo ni Shaira."


Bigla siyang napatigil. Ano'ng problema nito?


"Ha? Bakit ka nagtatanong tungkol dun?"


Medyo niluwangan ko yung pagkakasakal ko sa kanya tapos nilipat ko yung ulo ko sa kabilang balikat niya. "Ewan, naccurious kasi ako sa inyong dalawa... Ano nga?"


Inadjust niya yung pagkakabuhat niya sa akin at nagcontinue siyang maglakad. "Ano pa ba yung gusto mong malaman? Sabi ko na nga, di ba? Niligawan ko dati yun..."


"Eeh... ano pa?"


"Aish, ang chismosa mo, alam mo ba yun?"


Natawa ako. Medyo masungit din si Tripp pag may time! Kahit na nagsusungit siya, nagpatuloy pa din siya sa sinasabi niya sa akin. "Ano pa ba? Tsk. Kainis ka naman eh. Ayoko na ngang isipin yun, tas ikaw naman pinapaalala mo na naman sa akin."


"Bakit? Mahal mo pa ba si Shaira kaya ka nahhurt?" sabi ko sa kanya. Haaay. Friend ko si Tripp, kahit na sabihin niya pa ng sabihin sa akin na may gusto siya sa akin, bakit parang naffeel ko na si Shaira talaga yung gusto niya? Or masyado lang akong nag aanalyze ng bagay bagay?

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Where stories live. Discover now