Hindi na din pinansin ni dad ang walang kwentang sagot ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin nilang, it's getting late. Nagsi-tayuan na kaming lahat.

"Anica? Bakit hindi ka na sumabay dito kay Kurt?" Nakangiting suwestiyon ni dad.

Nakuyom ko nanaman ang kamao.

"It's alright tito." Sagot ng isa.

Pero hindi ako nakatingin sakanila, nasa pond ang tingin ko, may ilaw na yung pond at anduon pa din yung mga koi fish.

Naunang naglakad sina dad, kaya naiwan lang ako sa likod nila pero hindi ako mapirmi, katabi ko lang siya at sumasabay sa lakad ko.

Though I remained quiet at diretso lang ang tingin ko.

Pero naaamoy ko ang malakas niyang pabango na hindi pa rin nagbabago. Malakas sa pang-amoy, pero hanggang ngayon, sanay pa din yata ang ilong ko.

Nang makarating kami sa parking lot. Nagpaalam na sina dad sa amin kaya kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Let's go." Saad niya sa bratinong boses at nag-umpisang maglakad kaya't sinundan ko siya.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa likod niya.

Ang tahimik naming dalawa hanggang marating ang kotse niya, pero mabuti na yun. Ayaw ko siyang kausapin.

Pinag-buksan niya ako kaya agad akong pumasok sa loob at nag seatbelt. Tapos ay sumunod na siya at pinaandar ang sasakyan.

"Saan kita ihahatid?" Tanong niya habang nakatingin sa daanan.

"Sa Pines Subdivision." Simpleng sagot ko sakanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nagsalita. Ayaw ko siyang kausapin, naririnde lang ako.

Ang tagal ko siyang hindi nakita. Tapos ano? Siya ang magiging partner ko?

Ha.Ha. Buhay ng naman. Maliit ang mundo. Bilog talaga ang Earth.

Natigil ako sa pag-iisip ng muling tumawag si Lucy kaya agad kong sinagot.

"Buti naman sinagot mo na! Asan ka? Nasa dinner ka pa din? O ano, kumusta yung magiging asawa mo? Matanda ba?" Sunod-sunod niyang tanong at narinig ko pa siyang humagikhik.

Napairap ako sa kabaliwan niya. Pero bigla akong may naisip.

"Babe! Please! I am tired! Magkikita naman tayo sa bahay mamaya, let's talk there. Okay?"

Nakarinig ako ng malakas na tawa sa kabilang linya at gusto ko na rin matawa pero pinigilan ko.

"Hoy! Anong pakulo yan ha? Are you crazy, Anica? Kailan ka pa nagka-babe diyan na kikitain mo sa bahay? Eh hanggang isang araw ka lang!"

"Please Seby. I am really tired. Pag-uusapan nalang natin mamaya."

Malakas na hagikhik ang narinig ko. "Pakulo mo diyan, Anica! Bahala ka nga! Kita laters!"

Namatay na ang tawag. Bwiset. Hindi man lang sumakay.

Tamad akong bumalik sa pagkakasandal.

"Shouldn't you end that?"

Napalingon ako sakanya. Pero nasa daan pa din ang tingin, nakasandal ang braso sa bintana at yung isa ang nag-c-control sa manibela.

Inalis ko ang tingin.

"Hindi pwede. Siya nalang ang meron ako."

Wala nga akong boyfriend. Talipandas ka, Anica. Anong gusto momg iparating?

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Where stories live. Discover now