Chapter One

36 3 0
                                    

Six months later..

"Hoy, ba't nakatunganga ka d'yan? Nakanganga ka pa talaga. Mukha kang shunga."

Napaangat ang tingin ko mula sa pader at napunta kay Zania. "Che. Ang ganda ko namang nakatunganga," sagot ko. "At saka seductive 'yon, 'no. Epal nito."

"Seductive ka d'yan!" sabi niya. "Ang seductive, dapat ang nanonood ang naglalaway, hindi ikaw. Assuming ka. Punasan mo nga 'yang mukha mo." Ibinato niya sa 'kin ang tissue-ng hawak niya na ibinato ko naman pabalik sa kanya.

Pagkatapos, pasalampak na naupo siya sa harap ko habang hawak ang sandamukal na handouts.

Nandito kami ngayon sa boarding house nila. Napagpasyahan kasi namin na mag-'group study' kasi midterms na next week.

"'Asan na ba kasi si Robbie? Kakalbuhin ko talaga ang baklang 'yon, halos isang oras na siyang late," litanya niya.

"'Wag mo munang kalbuhin, sayang ang bagong dye niyang buhok," sabi ko habang nakapangalumbaba. "Unahin mo na lang ang kilay no'n, paubos na rin naman. Ako sa left, ikaw sa right."

"Sige mamaya pag-dating niya. Kung dumating man siya." Tiningnan niya ko ng mataman. "Seryoso nga kasi, girl, anong problema mo?"

Bumuntong-hininga lang ako habang nakapangalumbaba pa rin.

"Wala si Robbie para i-translate ang buntong-hininga mo kaya gumamit ka ng salita para maintindihan ko," sabi niya sabay irap. Tusukin ko mga mata niya ng ballpen, eh.

"Hindi ko alam kung makakapag-enroll pa ba ako next sem," walang gana kong sagot.

"HUWAT?!" eksaheradang sigaw niya. "Hoy, babae, ang ating squad goal na gr-um-aduate ng sabay, pa'no na? Hindi makakapag-enroll ka d'yan, ikaw kaya kalbuhin ko?"

Walang kabuhay-buhay ko lang siyang tiningnan.

"Pauutangin sana kita kung may kautang-utang man sa'kin pero alam mo naman na gipit din ako, friend, hindi ba?" Sobrang problemado ng mukha niya. Parang mas problemado pa siya sa'kin. "Bakit kasi pinanganak lang tayong maganda at hindi mayaman, eh. 'Di sana, 'di tayo gumagapang ngayon sa lusak."

Bumuntong-hininga ulit ako.

"Eh, si Robbie kaya?"

Ngumuso ako. "Alam mo namang andami ko ng utang sa beks na 'yon," sagot ko. "Mamaya isangla na 'ko no'n sa dami ng utang ko. Kung hindi lang dahil sa pagkakaibigan natin at sa pagpapakopya ko sa kanya, malamang ginawa niya na 'kong evening gown."

"Pero--"

"At kukulangin pa rin ang pera no'n kasi alam mo naman na sakto lang para sa kanya ang pinapadala ng tatay niyang sundalo."

Siya naman ang bumuntong-hininga ngayon. "Ito na ba ang tamang panahon para maghanap tayo ng kano sa internet?"

"Mautak na ang mga foreigners ngayon. Mamaya ikaw pa mahuthutan kasi iba-black mail nila sa'yo ang nude pictures mo."

Inilabas na lang niya ang isang chichirya mula sa ilalim ng mesa. "'Yaan mo, friend, malalagpasan din natin 'to," sabi niya sabay bukas sa pagkain.

Umiwas na lang ako ng tingin. Kung alam lang nila ang pinagdadaanan ko ngayon. Sana nga kayanin ko. Sana nga.

"Kung mangholdap na lang kaya tayo ng bangko?"

Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. "Tumahimik ka nga," sita ko. "'Yong pisong naihulog nga, binabalik mo pa sa may-ari. 'Tapos ngayon i-isipin mo pang mang-holdap. Isilid kita sa sako, eh."

"'To naman! Para joke lang, eh!"

"Hindi nakakutuwa ang joke mo."

"Taray mo, teh! May issue ka ba sa mga magnanakaw? Siguro first love mo si Aladdin, 'no?"

"Mas matutulungan ako ng Genie ngayon kaya mas type ko siya."

"'Di bale, ihahanap din kita ng gasera--"

"ALOHA, MI AMIGAS!"

Sabay kaming napalingon ni Zania sa direksyon ng may-ari ng boses at nakita namin si Robbie na papasok at may dalang malaking supot na may lamang kung ano.

Kumunot ang noo ni Zania. "Kahapon lang green pa 'yang buhok mo, ah. Ba't ngayon violet na? Achieve mo na ang buhok anime. Buhok nga lang, hindi kabilang ang mukha."

Inirapan siya ni Robbie. "Inggit ka lang." Pero hindi na niya ito hinintay na sumagot at mabuti naman 'yon kasi aabutan na naman sila ng umaga sa patalbugan ng assets and liabilities. "Ngunit dahil ako ay masaya--"

"Pumalakpak?" walang-ganang dugtong ko. Hays.

"Hindi, inom tayo ng softdrinks!"

Inilabas niya ang laman ng dala niyang supot at isa-isa kaming binigyan ni Zania ng softdrinks in can. Ang dami niya ring dalang pagkain--karamihan junk foods. UTI labas namin nito, sure na ako.

"Akala ko ba aral, ba't lamon na naman?" tanong ni Zania.

"Ayaw mo?"

"May sinabi ba ako?" Ngumiti siya ng sobrang tamis at sobrang plastic 'tapos kinuha ang isang piraso ng junk food at binuksan ito. May galit 'ata ang mga 'to sa kidney nila, eh.

"Oh, ba't nakabusangot ka?" baling sa'kin ni Robbie.

"Mamaya ko na sasabihin." Sinimulan ko nang inumin ang softdrink. "Halata namang atat na atat kang ikwento kung ano man 'yang balita mo, eh. Mauna ka na."

Ngumisi siya sa'kin. "Halata talaga?"

"Hindi. Kaka-sabi niya lang, hindi ba?" sabat ni Z habang puno pa ng pagkain ang bibig.

Tumaas ang kilay ni Robbie. "Pagbuhulin ko kayong dalawa, eh." Pero sobrang panandalian lang ang inis niya kasi bigla na lang siyang paimpit na tumili.

Nagulantang naman si Zania. "Hoy, bakla! Talagang kakalbuhin kita kapag nagising mo ang land lady ko, walang hiya ka! Tumahik ka nga!" awat niya.

"Kasi nga kasi nga kasi nga--"

"Tumahik ka sabi, eh! Kasi nga ano?"

Lumapit sa 'min si Robbie at umupo sa sahig. "Naaalala niyo 'yong sinabi kong magbibigay ng speech sa anniversary ng university natin?" tanong niya. Feeling ko talaga magiging hugis-puso na ang mga mata niya ilang sandali mula ngayon.

"O, ano naman ngayon?" tanong ni Z na kumakain pa rin.

"Kilala ko na kung sino siya! At super gwapo pa!" Impit na tumili ulit siya.

Hinampas siya ni Z ng unan. "Tatahimik ka o ililibing kita ng buhay ngayon na?"

Pero hindi na siya pinansin ni Robbie. "Tanungin niyo ako kung sino! Dali na!"

"O, sino?" wala sa mood kong tanong habang papainom ng softdrink.

"It starts with letter L! Followed by letter S!"

"Hindi 'to game show kaya sabihin mo na."

"Okays." Madrama pa siyang tumigil at huminga ng malalim. "Siya ay walang iba kung hindi si Lysander Sinclair!"

Naibuga ko bigla ang iniinom ko pagkatapos ng sinabi niya.

Catch Me If You CanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora