Pag-uusapan? Since that scene on the sidewalk, hindi ko na siya kinausap. Para akong makahiyag tumitiklop sa tuwing kinakausap niya ako. Kaya ayun, kumain lang kami sa labas tapos bumalik na rin dito. He went out for awhile to give me time to be alone tapos nung bumalik na ulit siya, saka naman ako nagtago sa banyo. Isn't that ridiculous?

"Alison, I said come here."

I rolled my eyes as I shifted my weight onto my right foot. "We can talk without sitting next to each other," I said timidly.

Natawa siya nang mahina. Na-conscious tuloy ako bigla sa sinabi ko. OA ba yung pagtataray ko? "Why so grumpy, babe? Did I make you feel embarrased about what I said?"

Napalunok nalang ako dun sa parteng 'babe'. Bakit ang gwapo po niyang nilalang lalo na nung banggitin niya yung 'babe', Lord?

"Stop fooling around, Arthur. Hindi nakakatuwa!" pero kinikilig ako which is not right on my part. Alam ko naman kasing deal lang 'to pero bakit may involved na yatang. . . oh, geez. I don't wanna say that word.

Swiftly, he wrapped his arm across my waist and pulled me down beside him on bed. Muntik pa tuloy akong mapahiga pero naalalayan niya ako. Jusme! Naiilang na talaga ako.

"I know it's too sudden but I really do like you," napanganga nalang ako sa pagkawindang. Yung pagkakasabi niya, parang nagrereport lang sa isang conference meeting. Napakapormal. "I'm used to your presence. I even miss you so bad when you're away. And I don't give a sh1t if you don't like me. I'll try to work on that anyway."

He finally paused. Akala ko, hindi na siya hihinto. Wala man lang paligoy-ligoy. Ganito ba talaga siya sa mga babae kapag magcoconfess? Kung oo, edi wow. Nakakawindang.

"Uh. . . eh. . ." wala akong masabi. Gusto ko tuloy ulit tumakbo sa CR at dun magwala!

"Say something, Alison."

I can't say something for darn's sake! Nakatitig ba naman siya sa akin e, nawawala tuloy ako sa sarili! Pinagpapawisan ang mga palad ko. Natatameme ako.

"Alison."

"Ah. . ." Lunok. "Okay." Okay? Wait, what?

"Okay what?"

Umiwas ako ng tingin at napakagat labi nalang. "O-okaaaay, yan na ba yun?"

"Ha?"

Napangiwi ako dahil yun nalang ang nasabi ko. Sh1tty defense mechanism of mine! I just rolled my eyes and kept with it. "Grabe ka naman, sabi na nga ba e, may gusto ka sa akin. Ang ganda ko talaga," sabay tawa ko. Waaah! Bahala na. Hindi ko pwedeng i-tolerate yung feelings niya. Attracted ako sa kanya pero hindi na mabuti yung fact na gusto niya rin ako at baka saan pa 'to mapunta.

Nang mapansin kong hindi siya sumagot ay nilingon ko siya. He was eagerly staring at me like a 'WTF' signage is attached on his face.

"Kaya pala ang sungit mo sa akin. Tsk tsk. Ikaw ah~"

Seryoso ang mga mata niyang nakipagtitigan sa akin. Then, he grinned like a fool. Tumaas tuloy ang isa kong kilay. Ano na kayang nasa isip niya ngayon?

"Got you, Alison. At naniwala ka naman?" patawa-tawang hirit niya. Hey, what the hell? "Your face is priceless!"

"Ano?!"

Sinapo niya ang mukha ko at pinisil ang pisngi ko. "As if magkakagusto ako sa'yo. That was just a joke! Don't be gullible, babe. Akala mo naman magugustuhan kita." He laughed out loud as he got up to his feet. Ako? Nakatulala lang sa kanya habang ang mga kamay ko ay nilulukot na ang bedsheet sa sobrang inis. Pinaglalaruan niya ba ako?!?

Let's Talk About Us [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt