Chapter 4

153 5 0

The next day...

:)

Yan lang reaksyon ko sa mga tao ngayon.

Smile.

Pero fake.

Kasi naman! kinakabahan ako!!!

Yung lokong yun! Paano nalaman ang number ko? Alam niya kayang nabangga ang sasakyan niya nang dahil sa kashungahan ko??? Waaaah! Eto ako ngayon, nagpa-pabebe wave. ay! de joke lang. Nagcommute ako ngayon kasi naman! sira sasakyan ko. Sira pala yung baby ko nung time na yun. 😐 hayzzz. At ayaw ko naman dalhin yung sasakyan niya kasi papasok na siya. Nilagnat daw siya. Hayyyyzzzz. Buti nga sakanya, dahil kung hindi niya lang pinahiram sa akin yung sasakyan niya, hindi dapat ako namomroblema ngayooooon. Kaya hindi ko dinala car niya kasi makikita niya. Aaminin ko rin sakanya sa tamang panahoooooooon. At mamaya na ang tamang panahon. hayyyyzzz. Di kasi ako marunong magtago ng kasalanan na aking nagawa sa kadahilanan ng aking kashungahan.

At Bwala!!! Nandito na ako sa University namin. Sa IMPYERNONG LUGAR. Haha. 😅 Actually, kinakabahan na talaga ako. Akala mo magcoconfess sa crush eh noh? Pero parang ganoon na ang aking nararamdaman. Hayyyyssssttt.

At biglang...

Nakita ko siya na may kasamang babae na mapagkakamalan mong unggoy dahil parang nakasabit na siya sa kamay NIYA.

Kaselos.

Huh? Nudaw?

Bigla niya akong nakita kaya dali dali niyang tinaboy yung babaeng maching. Lumakad siya patungo sa akin. Kinakabahan na ako.

"Kumusta?"

"Huh? Kausap mo ko?"

"Malamang." sabay ngisi niya.

"Ah. Okay lang."

"May nangyare ba?"

At doon na ako kinabahan.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Yung kotse ko pala?"

At Beng!!!

Yumuko muna ako.

"Sorry, nabangga ko."

"O-"

"Aayusin ko agad! Huwag mo lang ako awayin, pagalitan, saktan, ipa-kidnap, holdapan, i-salvage, at rape-in."

Huh? Tama ba sinabi ko?

Bigla siyang tumawa ng mahina.

"Sabi ko, Okay lang. Kahit huwag mo ng ipaayos. :)"

Whooooaaaaah! Ang baeeeeeet niya. 😍😍😍 Nakakainlab. Ay, Wait! Anu daw? Pero seriously, akala ko magagalit siya. Akala ko, may mangyayaring masama. Akala ko, magiging masama ang tingin niya sa akin. Akala lang pala ang lahat.

"Bahala ka."

"Kukunin ko na lang mamaya ang kotse ko."

Hala! Di pwede. huhuhuhuhu.

"Ah, eh. Bukas na lang! Yun ang dadalhin ko bukas."

"Sige."

.

.

.

Ihahatid niya ako sa designated room ko. Bait niya kasi eh, Gentleman pa.

Sa gitna ng paglalakad namin, napatanong ako ng di oras.

"Nga pala."

"Bakit?"

"Paano mo nalaman ang cellphone number ko?"

"Secret."

"Hala! Baka stalker kita ah!!!"

"Uy, hindi ah! Baka ikaw nga ang nagii-stalk sa akin eh."

"Ang kapal mo rin minsan noh?"

"Atleast, minsan lang."

"Psh! Sino nga kasi???"

"Secret!"

"Ayyy." sabay sad face.

"Pabebe ka rin eh noh?"

Wat Da!!! Anong sabi niya? Kahit kailan, hindi ako kumain ng mamon!

"Ang kapal mo talaga!"

"Ibahin mo na lang ang tanong mo."

Nag-isip rin ako. Uto-Uto ako eh. Ganun yata kapag in-love. Luh? Ano daw?

"Sino pala ang kasama mong babae kanina? Yung nakasabit sa kamay mo na mukhang unggoy!"

"Bakit? Nagseselos ka?"

"Hoy! Hindi tayo close, kaya huwag kang gaganyan ganyan."

"Eh, hindi pala tayo close, bat mo tinatanong kung sino yung kasama ko kanina? Selos ka lang eh."

Oo nga noh. Tinamaan ako sa kanya.

"Bakit? Masama bang magtanong? At magbigay ka nga ng evidence na nagseselos ako."

"Ang dami mo kayang sinasabi, makapag-react eh, akala mo girlfriend kita."

Aw. </3

Tinamaan ulit ako.

"Eh bakit? Girlfriend mo ba yun?"

Napatahimik siya. Luh? Ano nangyare??? Bat tumahimik?

Malapit narin kami sa room kung saan first subject ko. Pero hindi parin siya kumikibo. Parang may iniisip ng malalim. Ano kaya???

At nasa harap na kami ng room.

Bigla siyang nagsalita. Yung sinabi niya ay yung sagot sa tanong ko. Yung huli kong tanong sakanya, nasagot niya.




























"Oo, girlfriend ko siya."











Bat ganito naramdaman ko, Bakit parang...






































A N G   S A K I T

Didn'tBasahin ang storyang ito ng LIBRE!