~

Alas onse na ako nakauwi ng condo kaya mabilis akong tumungo sa unit ni Cyrax. Pumasok ako kaagad doon pero wala sya sa loob. Umupo ako sa sofa saka sinubukang tawagan sya. Nag-aalala talaga ako dahil baka kung ano na ang nangyari na sa kanya.

Ding dong!

Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto baka si Cyrax na iyan. Talagang babatukan ko sya pag nakita ko sya.

" Mabuti may balak ka-- oh ikaw pala Thea " gulat ko ng makita ko sya sa harap ng pinto na umiiyak.

" Ren... " bigla nya akong niyakap. " Ren si Cyrax... " agad na nagpintig ng mabilis at mabigat ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Cyrax. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magtanong kung bakit kasi baka hindi maganda ang isasagot nya sa akin.

" Ho...hoy Thea.. Wa..wag mo ng i..tuloy ang ma..samang bi..biro na yan " sabi ko sa kanya na nagsisimula ng tumulo ang luha.

" Naaksidente sya " nabingi ako sa sinabi ni Thea.

Tama ba yung narinig ko o mali lang ang pandinig ko. " Dapat susunduin ka na nya habang kami plinaplano na ang surprise nya sa'yo para bukas. Katawagan ko sya kaso biglang naputol ang linya pero bago mapatay ang tawag, may narinig pa akong malakas na pagsabog. I'm sorry Ren... Sorry Ren dapat hindi ko na sya tinawagan.. " naiiyak na rin si Thea.

" Da..dalhin mo a...ako sa kan..ya " pinilit kong magsalita ng maayos. Sinundan ko na lang si Thea pababa ng condo.

Wala akong maisip ngayon. Kaya pala ako kinakabahan kanina may nangyari na palang masama. Isang napakasamang pangyayari.

" Tama na Ren. Magiging okay lang si Cyrax. Kapit lang " pagpapatahan sa akin ni Thea ng makasakay kami sa Taxi.

" Paano kung....hindi!...hindi ko kayang mawala sya sa akin. Mahal na mahal ko sya kaya hindi pa dapat sya mawala sa akin. Papakasalan pa nya ako. Diba Thea buhay pa sya? " pangungumbinsi ko sa kanya.

" Sorry. Hindi ko alam. Masyadong malakas ang pagkabagok ng ulo nya kaya di alam kung kailan sya magigising o baka hindi na ka--- "

" NO! MAGIGISING PA SYA! GIGISING SYA PARA SA AKIN! " sigaw ko dahil ayaw kong mawalan ng pag-asa.

Kalahating oras rin ang naging byahe namin. Hindi ko na masyadong maaninagan ang nilalakaran ko dahil na rin sa panlalabo ng mata ko dahil sa mga luha ko. Naningkit na rin ito dahil sa kakaiyak sa loob ng taxi.

" Nasan na sya? Gusto ko syang makita " iyak ko na namang muli.

Sumakay kami ni Thea sa loob ng elevator. Mas lalong nanginginig ang buong katawan ko dahil ayaw kong makita sya sa isang kalagayan na dapat hindi nya mararanasan.

Ting!

Biglang bukas ng elevator at bigla akong tinulak ni Thea papalabas ng elevator kaya tiningnan ko sya. Nagpupunas sya ng luha saka biglang nagpeace sign.

" Sorry. Peace peace tayo " nakangiti nitong sabi sa akin at nagsara na uli ang elevator.

Napatingin naman ako sa paanan ko ng may nakita akong picture naming dalawa ni Cyrax. Tiningnan ko rin ang iba at puro picture ko at picture na magkasama kami ni Cyrax kaya mas lalo akong naiyak. Eto na ba ang huling alaala sa akin ni Cyrax.

Sinundan ko ang picture na nasa lapag habang umiiyak. Dire-diretso lang ako hanggang sa makita ko ang hagdan patungo sa rooftop. Sa hagdan may mga kandila at lights na nagbibigay ng liwanag. Sa rooftop kaya nila pinaglalamayan si Cyrax? Bakit doon?

Tinuloy ko na ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinto ng rooftop. Kinakabahan akong buksan dahil ayaw kong masaktan sa makita ko pero nilakasan ko ang loob ko. Pinihit ko na ang knob saka dahan-dahan binuksan ang pinto. Pagtingin ko sa paligid, napamangha ako kaagad. Ang ganda ng paligid. Puro lights, candle, sa gitna may table and may light music pa. Ganito ba pag patay ang mayayaman?

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon