07: Selos rin ako

Start from the beginning
                                    

"♬♩♪ Just close your eyes,
The sun is going down.

We'll be alright,
No one can hurt you now.

Come morning light,
You and I will be safe and sound~ ♩♪♬"

Yan lang naman ang kinanta niya na mas lalong nagpalala sa nararamdaman ko para sa kanya.

Ang ganda ng boses niya. Boses anghel. Ang calm, relaxing nakaka-speechless.

Nasabi ko nalang sa sarili ko.... Tae. Natamaan yata ako.

*End of flashback*

Tapos naging ka-tropa ko pa siya. Dahil rin yun kay Ram.

Si Ram kasi unang-una kong kaibigan tapos nakatabi niya si Ayah. Napalapit na rin ako kay Ayah. Nagta-transfer kasi akong upuan. Umuupo ako sa tabi ni Ram kaya wala pa sa isang metro layo namin sa isa't isa.

Nakakakilig lang kaso parang maraming kalaban. Kasi pati yung seatmate niya na naging close friend niya bago kami, nililigawan raw siya.

Kapag naman kasi tinatanong ko kung ano nang progress ayaw niyang pag-usapan. Oh kung minsan naman nakikita ko kapag magkakalapit sila nun ni James, liliko siya, iiwas siya, titingin sa ibang bagay na parang invisible siya.

Ayaw ko namang ganunin ako ni Ayah. Ayaw kong lumayo siya sakin. Ako na nato-torpe. Pero-tangina! Gusto ko siya! Kahit anong pag-iipon ko ng lakas ng loob wala parin eh. Tiklop ako.

Meron pa siyang isang manliligaw! Grade eight naman! Heartthrob raw ng SDHS! Si AJ Aliwayao. Ang korni ng pangalan no? Pucha! Lamang lang ng isang ligo sakin yung mokong na 'yun e! Pero si Ayah? Ilag parin kahit gwapo kaso tuwing magkakasalubong o magkakalapit o magtitinginan sila, ngingiti ng tipid si Ayah!

Naaalarma ako sa AJ na yun! Pogi lang naman, tanga naman. Nakakainis mga ganong tao e. Mga latang walang laman. Latang maiingay. Latang patapon.

"I-delete mo na nga 'yan Eejay!" Inagaw ni Ayah kay Eejay yung cellphone kaya nagbalik ako sa reyalidad.

Tsk. Kung alam mo lang Ayah, na-bluetooth saming lahat yang video na yan! Nako.

"Ok, sige." Kaya naman okay na okay lang i-delete yung video para kay Eejay.

"Oh! San galing?" Tanong ni Ayah kay Jaycee. Nandito kami ngayon sa gazebo, kanina pa uwian. Tumambay nalang kami dito, tutal may mga practice kami para sa preparation namin sa iba't ibang contest. Except si Ram, nakikitambay lang yan.

"Sa CR." Napa-tango nalang si Ayah. "Baka tanong mo pa kung anong ginawa ko dun." Sabay ngisi pa ni Jaycee.

"Ha, 'di rin." Sabi ni Ayah. May kinuha siya sa bag niyang ballpen at papel. Tapos pumunta kay Rojin na may ginagawang task yata nila na binigay ng coach nila. Journalism kasi silang dalawa. Iba lang ng category.

Hindi ba nakaka-inlove mga babaneng maganda, kalog at matalino, in-short si Ayah Maer Maguan.

"Isa ka pang plema, Jays." Singit na naman ni Eejay.

"Ha? Bakit?"

"Barado ka rin kasi!" Sumigaw ako ng 'boom', pang-asar lang.

Napa-iling-iling nalang si Jaycee habang naka-ngisi. Baka nasa isip niyang malala na si Eejay. Ako rin naman para sakin malala na rin 'tong si Eejay, eh!

Kaso ako rin malala. Malala na yung tamang naidulot sakin ni Ayah.

×==×

Five is to OneWhere stories live. Discover now