Chapter.33*Simply I LOVE YOU*

Start from the beginning
                                    

tumingin din ako sa ulap bago nagsalita "siguro nga, tama ka" tsaka ako tumingin sakanya "wag ka mag alala, pag iisipan ko ang mga sinabi mo. sa ngayon..." nakita kong hinhintay niya ang mga susunod na sasabihin ko

"pwede balikan mo muna si mish. iniwan mo kaya dun" nakangiting sabi ko. nanlaki ang mga mata niya. marahil ay naalala niyang iniwan niya si mish dun na umiiyak

"hala ka, oo nga pala. oh sige spade una na ko" pag kasabi niya nun ay nagmamadali na siyang bumalik kay mish. napa iling nalang ako. pagkatapos ng serious talk biglang epic comedy haha

---

 uwian na.. syempre kasama ko ulit si mish. bitbit ko ung gamit niya

"mish gusto mo kumain sa labas?" tanong ko

"uhmmm... sige, papaalam lang ako kay lola" nilabas niya na yung phone niya ng pigilan ko siya

"naipag paalam na kita kanina pa. tumawag ako kay mommy para sabihin sa lola mo na lalabas tayo. okay naman daw sa lola mo" nakangiting sabi ko

"wow ha, planado?" sabay tawa niya

naglalakad na kami papunta sa kotse nang magsalita ako

"mish may banat ako" nakangiying sabi ko

"sige. ano yun" tanong niya

"floorwax ka ba?" tanong ko

"huh? bakit?" kunot noong tanong niya

"kasi..." tinignan ko muna siya sa mata parang nag aalangan akong sabihin sakanya ee. sa ganito ka.korning paraan ba ko magtatapat? hay naku bahala na

"kasi... mahal kita e" bakas sa mukha ni mish ang pagka gulat. hindi siya nakapagsalita at nakatitig lang siya sakin. hindi ko na alam ang gagawin. parang sa mga oras na yun lumakas ang tibok ng puso ko. parang gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. natakot ako na baka biglang tumakbo palayo si mish kaya kahit masakit pinili kong bawiin ang mga sinabi ko

"oOps. nadulas ako" at tumawa ako ng malakas

"hah?" gulat na tanong ni mish

"uhm db. madulas ung floorwax, tara na nga. ang korny ko. hindi ka man lang natawa" inalalayan ko siya papasok sa kotse

"ah eh hah? ah hahaha" bigla siyang tumawa "ang korny mo talaga spade. tara na nga. san ba tayo pupunta?" tanong niya

pumasok muna ako sa loob ng sasakyan bago nagsalita. "sa mall. libre ko kahit anong gusto mo" sabi ko

ngumiti naman si mish. habang nasa byahe kami medjo akward kasi antahimik. hindi pa din ako makabawi dun sa confession ko. tapos traffic pa

"traffic nuh" pag oopen ko ng usapan.

"oo nga ee. pwde bang umidlip muna ko?" tanong niya

"hah? o cge. gisingin na lang kita pag nandun na tayo" inihiga ko ng konti ung upuan niya para maka tulog siya ng maayos

maya maya tinawag ko ulit siya "mish, gising ka pa?" pero hindi siya sumagot. siguro nga tulog na

sinamantala ko ung traffic. nakapilig paharap sakin ang mukha ni mish kaya kitang kita ko ung maamo niyang mukha. pinagmasdan ko yung magaganda niyang mata. mahahabang pilik. matangos na ilong at mapupulang labi. ang kinis din ng mukha niya. pero kahit natutulog siya bakas sakanyang malungkot siya.

"mish, alam mo bang totoo yun. totoong mahal kita. kailan mo kaya malalaman yun? natakot kasi ako kanina na baka umalis ka. baka tumakbo ka palayo, kaya napilitan akong bawiin ang mga sinabi ko. anduwag ko ba? haha siguro nga duwag ako. wala pa kong sapat na lakas ng loob para aminin sayo na totoo toh. totoong mahal ka ng taong nasa harap mo. gusto kong pasayahin ka. gusto kong paiyakin ka sa kakatawa. gusto kong naririnig ang mga tawa mo. gusto ko yung panghahampas mo sakin pag sobrang saya mo. ang korny ko nuh. pero gusto ko talaga yung pang aalog mo sakin pag may sinasabi kang sobrang nagpapasaya sayo. yung hampas mo. yung panghihila mo sa manggas ng polo ko. lahat yun gusto ko. dahil yun ay ikaw. si mish. ang babaeng mahal ko" at unti unti akong lumapit sakanya para gawaran siya ng isang halik sa noo. "I Love you" bulong ko sa tenga niya tsaka muling bumalik sa manibela

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now