04: One Of The Boys

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ay, 'nga no! Thank you!" Sabay agaw niya sa siomai na inaabot ko sakanya.

"Ram, over na 'yang katangahan mo." Sabay tap pa ni Rojin sa shoulder ni Ram.

"Oo nga! Ang pangit mo na nga, tanga ka pa!" Natawa naman ako kay Eejay. "Wow ha, ang gwapo mo naman!?" Haha. Naiinis na naman siguro tong si Ram.

"Oo, ako pa!"

Tawanan. Eto gusto ko sakanila e. Medyo nakakainis sila minsan pero source of happiness ko sila. Kahit bored ang school basta kasama mo sila wala na yung boredom na 'yun.

"Tara na nga sa gazebo! Bwisit kayo!" Kaya lagi inaasar pikon kasi.

Nung nasa gazebo na kami-"Teka, halos dalawang buwan na tayong magto-tropa wala pa ring pangalan grupo natin?"

Nagtinginan kami sa sinabi ni Rojin.

"Oo nga no!" Pagsangayon ni Jonas. Halos lahaypt naman kami sangayon e.

"Pero paano ba tayo naging magto-tropa?" Curious si Ram. Pati naman ako para kasing isang iglap lang tropa na kami.

Yung feeling na hiya-hiya pa kayo sa una tapos pag close na kayo parang ang tagal niyo nang magkakilala. Yung hindi niyo maisip kung kailan ba kayo naging close. Tsaka paano kayo naging close?

Paano nga ba kami naging tropa?

3 months ago....

Ayah

"Yie, seatmates tayo." Sabi ko kay Riza. Medyo ka-close ko na kasi siya. "Oo nga e!" Tas para siyang bulateng nanggigil. Hyper mode te?

"Alonzo, palit kayo ni Ms. Riza." Pamatay kaligayahan naman 'tong si Maam!

Ayokong katabi yang Alonzo na yan! Mukhang tahimik gusto ko yung madadaldalan ko.

"Aw, beh bye!" Umalis na siya. Dahil nasa kanan ko ang aisle at ako ang una sa column namin kailangan pang dumaan sakin.

"Excuse me." Tinanggal ko na yung paa ko na nakasabit sa upuan na nasa harap ko. Bwisit.

"Okay, as of July 2015 yan na ang seating arrangements niyo! Any problems?" Ako, meron. Tae, na-miss ko na dati kong puwesto.

Five is to OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon